Chapter Five

28 3 1
                                    

Tuluyan akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Binuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na mga salita.

"Hey" pinatong niya ang kamay nya sa balikat ko. Nag angat lang ako ng tingin sa kanya.

"Can we talk?" Sabi niya.

"We're already talking." Taas kilay kong sabi.

"Can I get you some coffee?" Tanong niya.

"Hades, wala akong oras makipag kwentuhan sayo. Trabaho ang ipinunta ko dito kaya kung maaari? Baka dumating bigla yung customer ko." Pilit na ngiting sabi ko.

He cleared his throat "Ako yung customer mo."

"Trippings ka rin naman minsan noh? Umuwi ka na. May trabaho pa ako." Pinilit kong tumawa tsaka ko hinampas ang braso niya.

"Ang tagal kitang hinanap. I saw you at the club earlier, lalapitan na sana kita pero mukhang bad timing yung oras na yun kaya nagtanong tanong at nagbaka sakali ako na may taong nakakaalam ng number mo." Paliwanag niya.

"So i grabbed this chance. Sinamantala ko na." Pahabol niya. Tinitigan niya ng diretso ang mga mata ko.

May kung anong mahika ang mga titig niya. Ang mga titig niyang nakakawala sa sarili. "Wala ka pa ring pinagbago, mapansamantala ka pa rin." Natatawang sabi ko.

Si Hades ang kaisa-isang tao na tumanggap sa kung sino man ako, tinaggap niya ako ng buo kahit na marami ng nakatikim sa akin. Akala ko siya na ang mag-aahon sa akin sa ganitong klase ng buhay pero mali pala ako. Umalis siya ng walang pasabi at di ko malaman kung saang lupalop ng Pilipinas ko siya hahanapin tapos malalaman ko na nilisan niya na pala ang Pilipinas, ni sulat o paliwanag man lang wala akong natanggap mula sa kanya.

Pinagbigyan ko ang kahilingan niyang maka-usap ako. Inilahad niya ang kamay niya at ma-ingat niya akong isinakay sa kanyang kotse. Huminto ang sasakyan niya sa isang pamilyar at kilalang café.

"Anong gusto mong kape?" Tanong niya.

"Ikaw na ang bahala." Walang emosyon kong tugon.

Tumango lang siya. "We'll have two french vanilla coffee"

Madalas niya akong dinadala sa gantong klaseng lugar noong highschool pa lamang kami. Siguro kung di niya ako iniwan, natapos ko nang tuluyan ang kolehiyo. Nakakatawa dahil sa kanya ko ibina base ang mga desisyon ko. Na para bang siya yung nagdidikta ng kapalaran ko. "Here's your coffee." Abot nito.

"Anong gusto mong pag-usapan?" Walang emosyon na sabi ko.

"Come back to me." Diretsong sabi niya.

Gulat akong napatitig sa kanya. Anak ng pucha? Sinayang niya oras ko para dito? Biglang namuo ang inis sa akin.

"Sinasayang mo ang oras ko. Alam mo ba kung anong oras na? Sana ayos ka lang?" Pilit kong itinago ang inis sa boses ko.

"I want you back. Please, Xia. Give us a chance. Kalimutan na natin yung dati. Itapon na natin yun. Bumalik ka na sa akin." Malumanay na bigkas niya.

"Ha? Us? Alam mo gago ka rin eh. Alam mo naman pala na may tayo noon pero nagawa mo akong iwan. Kung hindi ka ba naman talaga hibang. Susulpot ka sa harap ko ngayon at hinihiling sa akin na bumalik sa dati." Di ko napigilan ang sarili ko. Pasalamat siya at wala na masyadong tao. Tumayo ako at nilisan ang café. "Salamat sa libre" pahabol ko.

Mabilis siyang humabol sa akin, hinawakan niya ang braso ko at dahang iniharap sa kanya. Matagal siyang tumitig sa akin at napahilot siya sa sintido niya. Sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Oo tama ka gago nga ako. Gago ako kasi iniwan kita without any explanation and i'm really sorry for that."

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon