Chapter Twenty-Four

18 3 2
                                    

Sandali itong natahimik sa kabilang linya. May kabigla-bigla ba sa mga sinabi ko? Nakakagulat ba na ang nobya nya ay ang bastarda ng ama ko?

"Natahimik ka yata bigla?" Naka-ngisi kong sabi.

"Paano..." Sabi nito.

"Ang liit ng mundo, ano? Di ko akalain na ang magiging kaagaw ko sa'yo ay kapatid ko."

"Acel, tumigil ka na." Sambit niya.

"Come back to me at hahayaan kong mamuhay ng payapa si Xia. Ikaw lang ang kailangan ko, Kairos. Ikaw na ang nagsabi na kilala mo ako. You know that I will do everything, mabawi lang kita." Sabi ko.

"Di ko kayang saktan si Xia. I'm not gonna leave her just because you told me." Mahinahong sabi nito.

"You're choice, Kairos. Sana wala kang pagsisihan sa huli. You know how much I hate my sister. Di ko pa siya nakikilala pero kumukulo na ang dugo ko sa kanya." Rinig na rinig ko kung paano bumilis ang paghinga niya.

"You're insane." He growled.

"Insane is my middle name, darling. I'll see you soon, Mr. Perdeveja." Then I hanged up.

Kung hindi ka rin babalik sa akin. Ako ang magiging banungot niyo sa panaginip na ito. Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masayang dalawa. Dahil sa mata ng Diyos at ng batas, akin ka.

KAIROS

Inis kong hinampas ang lamesa. What the fuck is going on? Bakit napaka liit ng mundo para sa amin. Paulit ulit kong sinabunutan ang sarili ko.

I reached for my phone and dialed Xia's number, "Love?"

"Mahal ko! Kamusta ang flight mo?" Tanong nito.

"Maayos naman. Bakit gising ka pa?" Tanong ko.

"Patulog pa lang sana ako kaso bigla ka namang tumawag. Ayos ka lang ba? May problema ba?" Nag-aalalang tanong nya.

"Napagod lang. Miss na agad kita. Wish you were here, love." I sighed.

"Uuwi ka rin naman sa isang araw, parang isang gabi lang naman na hindi mo ako kasama. Wag ka na malungkot diyan. Magpahinga ka na, okay?" Bilin nito.

"I love you, Xianna." Naramdaman ko ang pagbigat ng dibidb ko. I'm so sorry, Xia. Patawarin mo ako dahil hinila kita papasok sa gulong ito.

"Mahal na mahal kita, Kairos." Sagot naman nito.

Pinutol ko ang linya at humugot ako ng malalim na hinga. She doesn't deserve this. She doesn't deserve me.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at matagal na tumitig sa kisame. Patawarin mo ako mahal, pangako aayusin ko 'to.

Maaga ako nag-asikaso ng sarili. Tahimik akong kumilos na para bang walang ganang tapusin ang araw.

"Kairos, ayos ka lang?" Nag-angat akong tingin kay Kali.

"Oo naman." Binigyan ko ito ng ngiti.

"Let's go. Hinihintay na nila tayo." Sabi nito.

Agad kaming sumakay sa sasakyan para asikasuhin ang pinunta namin dito. Agad kaming binati ng ilang arkitekto at inhenyero.

Tinuon ko ang atensyon sa seminar. Pilit kong inaalis sa isipan ko si Acel. Alam kong di niya ako titigilan o si Xia. Should I choose? Kailangan ko bang mamili para sa kapakanan ng isa? Kailangan bang may masaktan?

Hanggang matapos ang meeting, wala akong imik. Para bang lutang na lutang ang isip ko, "Bro? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Hades.

"Yeah. Just tired." Tinapik ko ang balikat nito.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon