Chapter Thirty-Nine

16 3 4
                                    

KAIROS

Sumakay na ako ng sasakyan at mabilis na pinaharurot ito pauwi. Agad kong tinungo ang banyo. Inilubog ko ang sarili sa bathtub at ipinikit ko ang mga mata. Bakit ang sakit ng mga sinabi niya? Wala naman akong naaalala pero bakit ang sakit? Ang tanga ko. Ang tanga ko dahil nasaktan ko yung babae na hangad lang ay magmahal.

Muli nanaman bumalik sa isipan ko ang pag uusap namin ni Acel noon. Ilnag beses na niyang pina-mukha sa akin na hindi niya ako asawa pero baliwala pa rin. Hindi ko matanggap sa sarili ko lahat ng narinig ko noon.

"Gusto ko ng maka-alala! Halos magdalawang taon na ang lumipas mula nung magising ako pero nangangapa pa rin ako! Wala pa rin akong maalala! Acel naman!" Sigaw ko.

"Paano mo maaalala eh hindi mo naman pinapasok sa kokote mo? Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na hindi ako yung mahal mo kundi si Xia."

"I saw you kissing Hades..." Sambit ko.

"Kairos..."

"Kaya ba ganun na lang kalayo ang loob mo sa akin?" Tanong ko.

"I'm sorry you have to see that pero kasi... matagal na kitang pinalaya. Wala ka ng obligasyon sa akin. Ilang beses ko bang uulit ulitin sa'yo? Hindi mo ako kailan man naging asawa." Malumanay na sabi nito.

"For the last time. I want you to tell me everything." Pagmamakaawa ko.

"But you keep on forgetting. Ngayon malalaman mong di mo ako asawa tapos bukas asawa nanaman ang tingin mo sa akin." Paliwanag niya.

"Try me. I'll do my best na itatak sa utak ko lahat ng sasabihin mo ngayong gabi."

"Na sabi ko na sa'yo 'to noon pero uulitin ko ngayon. I cheated on you that's why you left me and you went to Spain. Nung bumalik ka doon mo nakilala si Xia, she became you're world. Walang bisa ang kasal natin, ilang beses ko na ba sinasabi sa'yo yun? Pero paulit ulit lang din nawawala sa isip mo. Wala kang responsibilidad sa akin at ganun din ako sa'yo. Sinasabi ko sa'yo lahat dahil ayoko ng ulitin yung ginawa ko noon. Hindi mo ako asawa."  Paliwanag niya.

"Si Xia? Is she my wife?" Tanong ko.

"She's your fiancee but she broke up with you nang malaman niyang kasal tayo. Bago ka maaksidente, dun ko lang sinabi lahat sa'yo kung kailan huli na ang lahat, kung kailan nasaktan na kita pati na rin ang sarili kong kapatid at kung kailan wala na ang babaeng mahal mo..."

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon