"Love. Yung nakita mo–"
"Umuwi na tayo." Pag putol nito.
"Love..." Paghabol ko pero mabilis itong umalis sa harap ko.
Sinundan ko ito at pilit na kinakausap pero mukhang walang talab. Agad itong sumakay ng sasakyan ko.
"What happened?" Bulong sa akin ni Kali.
"She saw Acel hugging me." Sabi ko.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko." Singhal niya.
"Di ko alam na gagawin niya yun." Buntong hininga ko.
"I'll see you at your house." Paalam ni Kali bago pinaandar ang sasakyan niya.
Sumakay na rin ako ng sasakyan at nagmaneho pauwi. Nang marating namin ang bahay, nauna na sila Kali dun. Ganun pa rin si Xia, walang imik. Alam kong pinagdududahan na niya kami sa isip niya. Alam kong nasasaktan ko siya sa mga oras na 'to.
"Love..." Pag tawag ko sa kanya pero hindi ako pinansin nito.
"Hayaan mo muna, Kairos." Bulong ni Kali.
"Pero Kali..."
"Hayaan mo na muna..." Hinawakan nito ang kamay ko at nagpakawala naman ako ng buntong hininga.
Tumayo ako at lumabas, hinayaan ko muna silang dalawa ni Kali. Di ko na siya kinulit pa, alam kong mainit pa ang ulo niya.
Dumiretso ako ng patio at binagsak ko ang katawan sa upuan. Sa tingin ko kailangan ko ng sabihin sa kanya. Di na kaya ng konsensya ko, di ko na kayang matulog ng isa pang gabi na hindi ko sinasabi sa kanya.
Umupo si Saint sa tabi ko at inilapag ang dalang alak, "Are you okay?" Tanong nito.
"Yeah." Sagot ko at ininom ang alak.
"I'm sorry, kuya. Wala talaga akong magawa kay Acel. Parang dala mo na tong bangungot hanggang dulo." Nakatungong sabi nito.
Ginulo ko ang buhok niya bago ako bumuntong hininga, "Naiintindihan ko. Hindi nga dapat ikaw ang gumagawa nito. Gulo ko 'to, kaya dapat ako yung umaayos."
"Bakit kasi hindi mo na lang sinabi agad sa kanya? Inuulit ko, labag sa batas yang ginagawa mo. Maswerte ka dahil mabait pa si Acel at mas pinipili niyang manahimik. Kahit nga si Hades dba? Walang alam. Kung ngayon sumasang-ayon sa'yo yung tadhana, ewan ko na lang sa mga susunod na araw." Sabi nito.
"Duwag ako, Saint. Takot akong mawala sa akin si Xia. Ang tanga ko dahil pinatagal ko." Napasabunot ako sa sarili.
"Sa ginagawa mo lalo mo lang siyang pinapalayo sa'yo. Tumatakbo ang oras, habang tumatagal pasakit ng pasakit 'to para sa kanya." Sabi niya habang nakatingin sa malayo.
"Lalo na ngayon... Inalok mo pa siya ng kasal." Pahabol pa niya.
"Alam kong mali na inalok ko siya ng kasal pero Saint naiintindihan mo naman ako hindi ba? Siya yung gusto kong makasama at hindi si Acel."
"Naiintindihan naman kita pero sana inayos mo muna yung sa inyong dalawa ni Acel bago ka nanghimasok sa buhay ni Xia. Kasi tol, nananahimik yung tao pero ginulo mo tapos ngayon sasaktan mo." Sabi nito bago ininom ang alak.
"Di ko naman alam na aabot sa ganto, di ko alam na babalik si Acel." Sabi ko.
Ininom ko ang alak na hawak ko. Alam kong kasalanan ko lahat ang nangyayari ngayon kung hindi ako nagpadalos dalos sa mga desisyon ko noon, hindi sana ako naiipit sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.
"Bakit kasi hinintay mo pang umabot sa ganito? Kung mahal ka naman nung tao, maiintindihan niya yung sitwasyon mo." Sabi niya.
"I'll tell her. Don't worry." Nakangiting sabi ko.