KAIROS
"You what?!" Halos sabay na sigaw ni Kali at Saint nang sabihin ko sa kanila na engaged na kami ni Xia.
Halos mag iisang linggo na ang lumipas mula ng magpropose ako, nahirapan akong sabihin sa kanila dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon nila.
"Tell me you're joking." Sabi ni Kali.
"I'm not."
"Unbelievable! Kausapin mo nga yang kapatid mo Saint!" Nahilamos ng palad niya ang mukha.
"Kali, calm down." Sabi ni Saint.
"Kausapin mo yan. I have to go. I'll see you at the party later." Sabi ni Kali bago kami tinalikuran.
Napabuntong hininga ako, "Init ng ulo niya ah." Sabi ko.
"Paano di iinit ulo sa'yo? Kung ano ano nanaman pinaggagagawa mo." Naiiling na sabi niya.
"Alam kong mali pero kailangan kong gawin."
"Kailangan? That's against the law, bro. Alam kong alam mo yun." Pinagkrus nito ng mga binti.
"Alam ko naman yun. Di ko naman agad papakasalan si Xia. Inaayos ko pa rin naman yung sa amin ni Acel." Napahilot ako ng sintido.
"Good luck with that. I'll see you, later." Sabi niya bago tumayo at nilisan ang bahay ko.
"I'll drive you. Dadaan din ako ng office." Kinuha ko ang susi ng sasakyan at hinatid ito bago ako dumiretso ng opisina.
Agad akong dumiretso sa opisina at inayos ang mga kailangang ayusin. Habang inaayos ko ang mga papeles ng lupang binili ko para sa amin ni Xia. Di na ako makapaghintay na patayuan ito ng sarili naming palasyo.
Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit nang may kumatok sa pinto ngopisina ko, "Hey..." Si Hades.
"Hey." Bati ko.
"You coming to the party?" Tanong nito at tinignan ang mga papel sa lamesa ko.
"Yeah. How about you? May kasama ka ba?"
"I'm coming with the most stubborn lady I've ever met." Naiiling na sabi niya.
"Akira. That brat." I chuckled.
Kinuha nito ang folder sa lamesa ko at tinignan, "Bumili ka ng lupa?" Tanong niya.
"Para sa amin ni Xia." Nakangiting sabi ko.
"By the way, congrats pare! Man, I can't believe Xia is already engaged with the best man I know." Tinapik nito ang balikat ko.
Best man... As far as I know, I'm still a boy who's stuck between the past and the present. I don't deserve all the praises that I'm getting for being a good boyfriend to Xia. I know I'm wrong. I love her to the point I'm starting to hurt her. She doesn't deserve this pain but I'm gonna make it worth it.
"Please, take care of Xia. I know she's not with me anymore but she's still have this special place in my heart. Siya yung dahilan para marating ko kung ano man ako ngayon." Paki-usap nito.
"I will." Binigyan ko siya ng ngiti.
"You know Acel's coming right? But I'm sure na naka move-on na yun sa'yo, tagal nyo ng wala." Natatawang sabi niya.
Damn! Kailangan ba kung na saan kami, nandun din siya? Wala bang lugar na pwedeng wala siya? Para siyang multo na hindi matahimik.
"Sana nga..." Bumuntong hininga ako.
"I'll see you later." Paalam niya.
Sumabay na ako dito sa pagbaba. Matapos ko sa opisina ay agad naman akong dumiretso sa pinagtatrabahuan ni Xia para sunduin ito.