Chapter Twenty-Two

17 3 0
                                    

XIANNA

Tumama ang liwanag mula sa araw sa mga mata ko. Nakapulupot ang mga kamay sa akin ni Kairos, di ko maiwasang mapangiti. Ako na yata yung pinaka maswerteng babae sa mundo, meron akong mapagmahal at tapat na boyfriend. Dinampian ko ng halik ang pisngi nito. Soft moans escaped from his mouth at mas lalong humigpit ang yakap niya.

Maingat kong tinanggal ang mga kamay niya tsaka ako bumaba ng kusina para magluto ng agahan. Abala ako sa pagluluto nang makarinig ako ng katok mula sa pinto.

"Ano yun?" Sabi ko nang mabuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang isang magandang babae.

Gulat naman akong napatingin sa kanya. Anak ng pucha? Hanggang dito ba naman? Di ko alam kung bakit kung na saan ako, naroon din siya.

"Oh hi. Is Kairos here?" Tanong nito.

"Bakit?" Sagot ko. Sino ba ang babaeng 'to? Si Kairos ba talaga ang hinahanap niya o ako?

"Wala just tell him, dumaan ako. See you around." Binigyan ako nito ng ngiti.

Tatanungin ko na sana ang pangalan niya pero mabilis niya akong tinalikuran, "Miss!" Tawag ko pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglakad.

"Ang gandang babae, suplada." Bulong ko sa sarili.

Bumalik ako sa kusina para ituloy ang pagluluto ko. Di mawala sa isip ko ang babaeng yun. Kahapon mula umaga hanggang gabi nakita ko ang mukha niya, pati ba naman ngayong pag gising ko? Tapos hinahanap pa niya si Kairos.

Abala na ako sa pagluluto ng may pumulupot na kamay sa bewang ko, "Good morning love." Sabi nito at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

"Good morning mahal ko." Bati ko.

Inihain ko ang pagkain at tahimik na naupo sa hapag-kainan. Di pa rin maalis sa isip ko ang babaeng yun. Ano bang pakay niya sa akin? Bakit kung saan ako pumunta ay palagi siyang naroon? Sino ba talaga siya? Anong kailangan niya sa akin o kaya kay Kairos.

"Mahal ko? Di mo pa nagagalaw yang pagkain mo. May problema ba?" Tanong ni Kairos ng mapansin ang pagiging tahimik ko.

"May pumuntang babae dito kanina. Hinahanap ka." Walang emosyon kong banggit.

"Who? Kali?" Tanong niya.

"Sinong Kali?" Kunot-noo kong sabi. Hindi ko alam kung bakit naman bigla akong nainis nang magbanggit siya ng pangalan ng ibang babae.

"Yung kasama ko nung sa party." Sagot niya.

"Hindi siya." Sabi ko tsaka ako kumain.

Di pa nga kami nagtatagal, napakaraming babae na agad ang naka-aligid sa kanya. Kung bakit ba naman kasi kailangan niya maging ganto ka-gwapo? Parang siya lang yung paborito ng Diyos.

Wala pa rin akong imik hanggang matapos kami kumain. Inis kong kinuha ang mga pinggan tsaka dumiretso sa kusina para hugasan ang mga ito.

"Mahal ko. Bakit ba ang tahimik mo?" Tanong ni Kairos at yumakap siya mula sa likuran ko.

"Wag kang magulo naghuhugas ako." Naiiritang sabi ko.

"What did I do?" Nakalabing sabi nito.

"Dun ka sa babae mo." Sabi ko habang dinidiinan ko ang pagkuskos sa platong hawak ko.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin tsaka niya ako iniharap kanya, "Ano bang pinagsasasabi mo? Sinong babae ba?"

"Aba malay ko sa'yo!" Inis na sabi ko.

Ipinatong niya ang mga kamay sa lababo para mapagitnaan ako ng mga braso niya. Tinignan niya ako ng diretso sa mata tsaka ngumisi, "Are you jealous?" Naningkit ang mga mata nito.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon