Chapter Forty-Three

13 2 9
                                    

Yung mga titig niya, ang mga haplos niya, ang mga halik niya, na para bang tinta na itong naka-ukit sa katawan ko na hindi ko na kailan man mabubura. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung mga hawak at ang mga labi niya.

"Hey? Something happened?" Tanong ni Cleo habang nakatuon ang atensyon sa kalsada.

"We had sex." Sagot ko.

"Ano?!" Bulalas niya.

"I don't wanna talk about it." Sabi ko bago ko ibinaling ang tingin sa bintana ng sasakyan.

Tahimik akong bumaba ng sasakyan at natuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa. Sa dinadami daming kapokpokan na pwede kong gawin bakit ito pa?

"Sarap?" Biglang tanong ni Cleo.

"Yung bibig mo talaga Cleo kahit kailan." Nakangiwi kong sabi.

"What? I'm just asking. Ano nga?" Natatawang sabi nito.

"Ano ba kasi yun? Yung halik ba o yung kapitan niya?" Kunwaring inis kong tanong.

"Syempre yung kapitan niya." She rolled her eyes and we both burst into laughter.

"Bakit kasi hindi mo buksan ulit yang puso mo para sa kanya? Halata namang nagsisisi na yung tao." Bigla itong sumeryoso.

"Maybe I'm just being a bitch. Gusto ko lang naman na patunayan nya sa akin na mapagkakatiwalaan na ulit siya."

"Don't you think na sumusobra ka na? Sa pantataboy mo. Sa paglayo mo sa anak niya. I know you still have grudges in your heart. Napatawad mo nga ang kapatid mo tapos si Kairos hindi? Don't you think it's unfair?" Tanong niya.

"I don't think it's unfair. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil nahihirapan akong patawarin siya. It's just everytime na makikita ko siya, bumabalik sa akin lahat. Nung naghiwalay kami alam mong sobrang hirap ng dinanas ko para lang mabuhay kami. Para lang mabuhay si Zanea." Lumamlam ang mga mata ko.

"Ma pride ka rin kasi minsan eh. Hindi ka na lang sana umalis sa London. Natulungan ka pa sana ng tatay mo."

"Wala naman akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko. Natawid ko naman kahit papaano yung pamumuha namin. Tsaka hindi nyo naman kami pinabayaan. Thank you, Cleo." Nakangiting sabi ko.

"Parang kapatid na rin naman kita kaya natural lang na tulungan kita. Sige na umakyat ka na, nakatulog na kakahintay sa'yo yung anak mo."

Tinungo ko ang kwarto namin at nakitang mahimbing na mahimbing ang tulog ni Zanea, "Manang Beth..." Pag tawag ko.

"Xia nandito ka na pala." Sabi nito ng maidilat ang mga mata.

"Salamat po sa pagbabantay. Magpahinga na po kayo." Sabi ko.

"Maigi pa nga. Matulog kayo ng mahimbing." Sabi nito bago lumabas ng kwarto.

Inihiga ko ang sarili sa kama at niyakap ng mahigpit ang anak ko. I'm willing to let go lahat ng galit ko sa kanya para sa anak namin. Ayokong tanggalin ang karapatan niya bilang ama ng anak ko. Para na rin sa ikakatahimik ng loob ko.

Mataas na ang sikat ng araw nang idilat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mabigat na bagay sa may bandang sikmura ko. Di ko maiwasang mangiti nang makita kong nakaupo si Zanea sa tiyan ko.

"Mommy! Wake up! It's already afternoon! You said you're taking me to the funfair! You forgot?" Nakangusong sabi nito.

"I didn't baby. It's too early pa. The funfair open at sunset." Paliwanag ko.

"Hmm. Okay!" Sabi nito.

Binuhat ko siya at tinungo namin ang unang palapag. Tanghali na pala, nasobrahan ako sa pagtulog.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon