Chapter Eight

32 3 2
                                    

Halos maitulak ko si Xia palayo sa akin nang makita ko si Hades, bahagya namang nagulat si Xia sa ginawa ko.

"Hades..." Pag ulit ko.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo." Naka ngiting sabi nito.

"Nag-aasaran lang kami." Sagot ni Xia.

"Hmm. I see. By slipping through his arms?" He smirked.

"Pasensya na." Singit ko.

"Ha? Ba't ka nag sosorry? Wala naman tayong ginagawang mali ah?" Taas kilay na sabi ni Xia sa akin.

"Dahil hindi tama." Bulong ko sa kanya.

"Psh. Anong di tama? May ginagawa ba tayong masama? Ha?" Tumataas nanang boses niya

"Kumalma ka, pwede?" Paki-usap ko.

"What do you want, Hades?" Bakas ang inis sa boses ni Xia.

Tinignan ako ni Hades tsaka tumingin kay Xia.

"Can we talk?" Sabi nito.

Sandaling natahimik si Xia. Naglipat lipat ito ng tingin sa aming dalawa ni Hades. Tumigil ang tingin niya sa akin, ako na ang unang umiwas. Baka mabigyan pa ito ng ibang dahilan ng kaibigan ko.

"I'll go inside." Paalam ko.

Di ko na hinintay na makasagot sila. Tuloy tuloy akong naglakad at di na sila nilingon. Dami daming eksenang pwede niyang makita yun pang yakap yakap ko si Xia. Malas! Tumungo ako ng kusina para kumuha ng tubig. Di ako mapakali. Baka inaaway niya si Xia o kaya pinagagalitan. Tsk.

Sinilip ko ang bintana at nakitang magkalapat ang labi nilang dalawa. Di ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa dibdib. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay nagtama ang tingin namin ni Xia. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Di ko alam bakit ang bigat sa dibdib ng nakita ko.

Bumukas ang pinto at dali daling umakyat si Xia sa itaas. Sinundan ko siya ng tingin bago ako lumabas ulit para tapusin ang nasimulang gawain. Nakita kong nakatayo si Hades sa labas pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad papunta sa sasakyan ko. Itinuloy ko ang paglilinis nito.

"Kairos." Tawag nito.

"Yeah?" Tugon ko nang hindi inaalis ang paningin sa sasakyan.

"Sana malinaw sayo yung sinabi ko." Seryosong sabi niya. Hades is very strict when it comes to his property. Ayaw nitong kinukuha o inaagaw ang sa kanya.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Alam kong alam mo. So stay away from the things that aren't yours." Seryoso nitong sambit.

"Di ko tinatapakan ang teritoryo mo, Hades." Pinantayan ko ang tingin niya.

"Mabuti na yung hindi mo tinatapakan."

"Kung gagawin ko man yun, sisiguruhin kong nasa teritoryo ko siya." Umangat ang gilid ng labi ko.

"Galingan mo." Tinapik nito ang balikat ko.

Pumasok siya sa loob at inis ko siyang sinundan ng tingin. Matapos kong maglinis, I went to my room and took a cold shower.

"She ain't yours either, pero dahil may nakaraan kayo at kaibigan kita, rerespetuhin ko ang mga kinikilos mo." Sabi ko sa sarili. Sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Ang liit naman masyado ng mundo. Ang daming gusot na pwedeng pasukin, sa kaibigan ko pa. Napahilamos ako ng mukha at lumabas ng kwarto. Mukha ni Xia ang bumungad sa akin.

"Yung mga damit mo nga pala lalabhan ko." Malumanay na sabi nito.

"Nasa gilid ng kama ko ang laundry basket. Close the door when you're done." Walang emosyon kong sambit.

A Million MenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon