Pak 18

167 11 2
                                    


Palabas na ako ng bahay para pumasok, ng makita ko si Bunak/Prince na naka sandal sa kanyang sasakya.

"Antagal naman!" Sabi nya habang nakatingin sa kanyang expensive na relo. Pinag buksan nya ako ng kanyang Ferrari.

"Hindi ka naman kase nag sabi na dadaanan mo ako!" Sabi habang papasok sa sasakyan nya.

Habang papunta na kami ni Prince sa school may naalala ako.

"Prince, ang awkward tuloy ngayon! Dati away bati! Tapos ngayon..." Sabi ko habang nag mamaneho sya.

"Anong awkward? Wala! Walang mag babago! Ikaw parin si Doray na nakilala ko"

"Tss, pwede namang Samtot nalang. Bakit Doray pa? Porket may buhok ako na katulad kay Dora noong bata pa ako!"

"Easy ok? Promise Samtot na ang itatawag ko sayo"

"Yes! Thank you supot!"

"Welcome Samtot!" Sabi nya saakin. Hindi manlang nag react sa tinawag ko sa kanya?

"Asan kana True love  koo? I'm here lang naman eh!" Sigaw ko sa labas ng bintana ng kotse ni Prince.

"Akala ko ba ako yung true love mo?"

"Tss,hindi mo naman ako gusto! Tsaka mag bespren tayo! Wag kang assuming! Bakit kasi sa dinami rami ng lalake sa mundo..bakit wala pa sya? Kung pwede nga lang libutin kona ang buong mundo."

"Hindi mona kaylangang libutin ang buong mundo para lang mahanap ang true love mo. May number naman kase ako. Gusto mo bigay ko sayo?"

"Woooh ang hangin! My god! Masarado na nga itong bintana baka mamaya tangayin na ako ng hangin!"

Bababa na sana ako ng sasakyan nya pero pinigilan nya ako at bumaba sya at pinag buksan ako ng door ng car nya. Such a gentleman.

"Ano kayang nakain ng bespren ko? Bakit parang kakaiba sya ngayon?"

"Syempre alam mona yun! Hahaha halika nga dito, Samtot" Sabi nya sabay lagay ng kanyang braso sa balikat ko. Eto nanaman ang mga estupidyante! Yung mata at bibig nila samin naka sentro.

Pag pasok namin sa room, ang mga mukha😱😍😰😮😵 ng kaklase namin dyusko! Hangang ngayon kasi yung kamay nya nasa balikat ko parin.

"Hi Prince! Ginawa na kita ng project natin sa english" sabi ni Catherine.

"Thanks! Sa iyo nalang to Samtot! Para matas ang grade mo sa English." Sabi nya. At ibinigay sa akin ang folder na binigay ni Cath.

"Sorry Cath, meron na kasi kami ni Prince" sabi ko habang sina sauli ang folder na ibinigay nya.

Lumapit ako kay Prince at ibinulong na ginawan ko na sya. Malay ko kung tama yung kay Cath. Pero mas sure ako na tama yung gawa ko.

"Nice! Ang galing talaga ng Samtot ko!"

"Hahah basta para sayo...supot"

"Hala! OMG! Sila na?"
"It can't be! Sakin lang sya!"
"Noo! He's mine!"
"Ang kapal ng muka nyang si Sam nayan! Mang aagaw!"

Yan. Yan ang mga maririnig sa mga kaklase kong mga hard headed. Tss, kung alam nyo lang.

"Hey! Clasmates. Listen to me, hindi pa kami ni Samtot....so baka bukas kami na!" Sabi nya. Dyusko! Tapos yung muka nya ganito oh 😉😇 diba pak na pak! Ang hangin my god!

"Prince! Halika nga!" Sabi ko sa kanya at hinila sya palabas ng room.

"Alam mo Prince....yung puso ko tatalbog na kaya please lang"
Pakiusap ko sa kanya. Kaya ayoko ng ganito eh! Papaasahin lang ako kasi alam nya na gusto ko sya.

P.A.K UniversityWhere stories live. Discover now