Pak University
PotPotChikSam...
Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan si Prince. Nakaka inis naman kasi sya! Nakapatay yung phone nya kaya hindi ko matawagan.
"Prince!" Sigaw ko habang paulit ulit na pinipindot yung doorbell.
"O Sam! Ikaw pala. Si Prince ba? Tulog sya eh, ayaw mag pa istorbo." Sabi ni tita Rub.
"Tita, sige na po....kahit sandali lang po." Pag mamakaawa ko. Ano ba kasing naisipan ng supot na yun at ang agang matulog? Alas otso palang naman.
"Sige, bahala ka. Puntahan mo nalang sa kwarto nya okay?" Sabi ni tita. Hayy! Parang mag kaka heart attack ako eh.
Pagka pasok ko sa loob ng kwarto nya, kinulbit ko sya para gisingin.
"S-Sam? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.
"Prince... Galit kaba sakin?"
"Oo...medyo."
"Hindi naman kasi yun totoo eh. Halata namang edit yun tsa...." Natigilan kong sabi dahil bigla nya akong niyakap.
"Easy lang. Kumalma ka muna okay?" Sabi nya habang humiwalay sa yakap.
"Prince! Pinag hihiwalay tayo ni papa. Ayoko! Alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" Sabi ko. Tuluyan nang tumulo yung luha ko.
"Tingin mo papayag ako? Hindi rin! Bahala na." He said. Nagulat nalang ako nung biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Papa.
"Mahirap ba akong intindihin Samantha?!" Sigaw sakin ni papa habang hinila nya ako palayo kay Prince.
"Papa nasasaktan ako!"
"Tito, wag nyo namang gawin samin to ni Sam." Pag singit nya.
"She deserved this! Tama lang ito sa inyo." Sabi ni papa.
"Papa hindi ko to deserve! Wala akong ginagawang mali! Mahal ko po si Prince papa!" Bastos na kung bastos.
"At ngayon sumasagot sagot kana?! Hindi kita pinalaki ng ganyan, Samantha!!" Sigaw nya. Sila tito at tita alam ko nasa labas lang sila ng kwarto ni Prince.
"Pinag lalaban ko lang kung ano yung sakin! Kung ano yung tama! Para lang sa picture na yun pag hihiwalayin mo kami ni Pri...." Nagulat ako ng sampalin ako ni papa. Ni minsan hindi nya ako nagang saktan tapos ngayon? Wala na....tuluyan na talagang umagos yung luha ko.
"Tito! Tama na po! Nasasaktan na po si Sam!" Sabi nya habang nilagay nya ako sa likuran nya.
"Papa! Mahiya ka naman kila Tita Rub....mahiya ka naman sa bahay na ito!" Sabi ko.
Hindi ko ine- expect na ganyan pala magalit si papa. Simula pag ka bata ko sya na yung kakami po tuwing pinapagalitan ako ni mama.....tapo ngayon? Mas worse pa sya sa worst.
"Papa, hindi ako tanga at hindi ka tanga para paniwalaan kung ano yung nasa picture na yun! Ganyan na ba ka kitid yang utak nyo?! Papa, anak mo ako! Mag paka tao kanaman!" Sigaw ko kay papa ng maramdaman ko nanaman ang palad ni papa sa muka ko.
Agad akong tumakbo palayo sa bahay nila Prince. Bahala na.
Sumakay ako ng tricycle. Ewan ko kung saan ako pupunta.Mis. Hanggang dito nalang ako. Sumakay ka nalang ng ibang tricycle. Kailangan ko na kasing umalis. Pasensya na." Sabi ng driver kaya inabutan ko ng bayad ko.
Medyo malayo layo rin ang napuntahan ko. Naglakad lakad ako hanggang sa may nasalubong akong babae, parang familiar sakin?
"Samantha? Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ng mama ni Cedric.
YOU ARE READING
P.A.K University
HumorPaano kung ma fall ka sa taong kinaiinisan mo?? Iiwas kana lang ba o hahayaan mo nalang yung nararamdaman mo?? Eh, pano kung na fall rin sayo yung taong kinaiinisan mo?? Mas iiwasan mo ba sya?? O hahayaan syang gumawa ng first move?? Mag kakatuluy...