Pak 23

129 10 2
                                    


Prince POV

"Prince, tulungan mo ako. Nilock nila ako sa...sa madilim,abandonadong lugar. Please tulungan mo ako"
Naiiyak at nang hihinang sabi ni Sam sa kabilang linya.

Shit! Humanda sakin ang gumawa nito kay Sam. Hindi ko kayo papatawarin.

"Sam, can you tell me kung nasan ka?"

"Nakita ko sa harap Sofia's party needs....nasa Batangas ata ako."

"Don't worry Sam, I'll save you. Pupuntahan na kita."

.
Bumaba na ako mula sa rooftop para puntahan ang trops ko sa room nila.
      

Pagka rating ko doon hinila ko kaagad sila. Wala nang paalam paalam pa sa adviser nila. Pagka gantong!

"Teka bro, easy ka lang. Sanba tayo?" Tanong ni Hunter.

"Alam ko na kung nasaan si Sam. Samahan nyo ako. I'll save her." Sabi ko sabay pasok sa elevator.

"Anong....you'll save her? Or we will save her?" Tanong ni Ethan. Andami namang ka artehan ng mga to! Bugbugin ko sila eh!

"Ok! Fine. We will save her. Happy?!"

Pagkarating namin sa Batangas sa sinasabi ni Sam, agad kaming umakyat sa second floor dahil tapat noon ang Sofia's Party needs.

"Sam! Sam are you there? Sam, please sumagot ka." Sigaw ko, pero walang sumagot. Kinakabahan na ako, Shit!

"Prince, kung sirain na kaya natin tong lock ng pintuan?" Sabi ni Sk.

"Tanga kaba?! Kaya mong sirain yan? Sigi nga! Bro, use your mind sometimes" ang sabi ni Ethan.

"Tanga ka rin! And por yor inpormatoin! May utak ako!" Ang sabi naman ni Sk. Napahilamos nalang ako ng kamay ko.

"Baket? May sinabi ba akong wala kang utak?! hahah! Bro naman!" Tugon ni Ethan.

"Hoy! Pareho lang kayong tanga! Mag hanap nga kayo ng kawad! Ako bahala para mabuksan to. Expert ata ako!" Pag mamayabang ni Hunter. Buti nandyan sya.

"Saan kami hahanap?" Tanong ni Sk. Haist! May utak paba si Sk? Tae yan!

"Tangna! Doon kayo sa school humanap ng kawad!" Ang sabi ni Hunter.

"Babalik kami?" Tanong naman ni Ethan. Tae na yan! Mag sama sila ni Sk!

"Maghanap kayo kahit saan!!" Sigaw ko. Kaya agad silang naghanap.

"Kapag wala kahit hair pin" sabi ni Hunter.

Maya maya bumalik sila at may dalang hair pin. Agad na binaluktot ni Hunter ang hairpin na parang susi at sinuot sa padlock kaya bumukas.

Bumungad sa amin ang nanghihina at naiyak na si Sam. Halata rin sa kanya na namayat sya ng kaunti. Humanda talaga sakin ang gumawa nito kay Sam!

Agad kong yinakap si Sam at pinunasan ang kanyang luha. Naawa ako sa kanya. So 3 days? Tatlong araw syang hindi kumain? Tapos naka kadena pa yung kaliwang paa nya.

"Sam, we're here. You're safe now." Sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung pawis nya.

"Pr-Prince....sorry....hindi ako.....nakinig sayo." Nanghihina nyang sabi.

"Pahingi nga ng isang hairpin! Bilisan mo Sk!" Sabi ni Hunter at agad nya naman inabot ito.

Pagka tangal ng kadena sa paa nya, inalalayan namin ni Sk si Sam, pero hindi nya kaya, so binuhat ko na sya para madala sa  Hospital.


P.A.K UniversityWhere stories live. Discover now