Troth shattered

9.7K 117 2
                                    

Warning ⚠

Be aware that this story is in the process of being corrected. There will be mistakes and correct me if I'm wrong. Thank you:*

TYPOS, GRAMMAR ERROR & IMPROPER STRUCTURE.

Cenia's POV

"Let's break up Cenia.." sabi niya na nagpabagsak sa balikat ko.

"Nag jo-joke ka diba?" tatawa-tawa ko pang sabi pero seryoso lang siya'ng nakatingin sa kawalan.

"Hindi Cenia! I'm really breaking up with yo--"

"Pero b-bakit? D-diba sabi mo hindi m-mo ako iiwa---"

"I'm sorry I can't keep that promise! I love someone..." ang huling katagang sinabi niya ang dumurog sa durog na puso ko. Bakit.......

Tumalikod na siya at naglakad palayo at iniwan akong durog na durog. Hanggang kailan ba ako magiging ganito! Pagod na pagod na akong masaktan! Pagod na pagod na! Iniwan dito, iniwan doon!

Anong bagay paba ang hindi pa ako nasasaktan! Kasi sa lahat na lang malas ako eh! Lahat-lahat!
Wala na yatang masaya na mangyayari sa buhay ko.

Si Felix, ang lalaking iniwan ako ngayon lang! Si Felix pang lima kong boyfriend, isang taon na kami at ang mas masakit pa ngayon mismo ang anniversary namin. Lahat lahat na naging boyfriend ko tumagal lahat, dalawang taon, tatlo, isa. Lahat tumagal! Ewan ko ba kong bakit ako palaging naiiwan! LAGING NASASAKTAN!

Wala na yatang matino ang mangyayari sa buhay ko eh! Siguro sign nato na tama na! AYOKO na! Tama na ang sakit! Hindi ko na kaya! Tutal pag nagmahal ako,ako lang naman ang masasaktan! Ako lang ang magdudurusa, AKO LANG!

Naglakad lakad ako na wala sa isip, matamlay!

Ppeeeeppp!!

Tinignan ko lang ang sasakyang papalapit sakin! Pwede na siguro akong mamatay! Pumikit ako at hinintay na bumunggo ang kotse pero wala akong naramdaman.

"Miss! Ano ba! Kong magpapakamatay ka Wag ako ang gawin mong killer!" sigaw ng driver at lumihis at pinaharurut ang sasakyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa dumating na ako sa kabilang kalsada.

"MAGNANAKAW!!" Sigaw ko ng may dumukot sa shoulder bag ko. Ang malas ko na nga! Mananakawan pa ako!!

Celix's POV

Nakasandal ako sa pader ng may biglang.

"MAGNANAKAW!!" agad na napatingin ako sa babae na panay ang sigaw at talon. Tumakbo ako agad at hinabul ang litcheng magnanakaw! Para naman maging super hero ako!

"Hoy! Ibalik mo yan!!" nahawakan ko siya sa damit niya at sinuntok sa mukha hanggang sa mabugbug ko ang mukha niya. Bigla namang may naramdaman akong malamig na bakal na tumusok sa braso ko.

"Siraulo ka!!" sinuntok ko siya ulit at nahimatay siya. Kinuha ko naman ang bag at tumayo na! Eksaktong pagharap ko!

"Magnanakaw ka! Ibalik mo ang bag ko!" panay naman ang suntok niya sakin, at panay din ang ilag ko.

"h-hoy ano ba! Tumigil ka!" saway ko sa kanya at panay suntok lang siya sakin.

"Miss siya ang naghabul sa magnanaka---"

"WAG KANG MAKIALAM!" sabay na sigaq namin sa lalaking nakisali. Namumuro na ako sa babaing to ha! Siya na nga tinulungan ako pa binagbintangan!!

"Magnanakaw k--"

"Pwede ba miss!! Ako na nga nasaksak ako pa ang magnanakaw! Ganon na ba ako ka pangit para maging magnanakaw! Ayun magnanakaw oh! Siya ang suntukin mo!!" sabi ko at hinagis sa kanya ang bag niya nakita ko namang natigilan siya. Hindi ko na pinansin at umalis na ako. Naalala ko may saksak pala ako sa balikat.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now