His confession

1.7K 42 0
                                    

Cenia's Point Of View

"Kamusta kana Pat?" Tanong ni nanay sakanya habang kumakain kami. Si bastos naman ay nasa harap ko habang katabi ko si Baby at kumakain lang siya ng tahimik.

"Okey naman po nay, nag bakasyon lang po ako pero babalik din ako agad sa Taiwan." Sagot niya at may sinabi si Celix na hindi ko narinig. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang tumingin siya saakin.

"Mabuti at nakadalaw ka dito at naabutan mo si Cenia." Tumango lang siya at nagpatuloy na sila sa pagkain. May sariling mundo naman ang mag fiance at nagsusubuan sa tabi ko, sarap itulak eh! Ang mga kapatid ko naman ay abala sa pambatang usapan nila. Matanong ko'to mamaya si Ced kong may nililigawan na ba.

"Ang sarap ng pagkain nay ah, 'di ka parin kumukupas." Basag ko ng katahimikan.

"Si Celix nagluto ng lahat ng ito anak." Napatigil naman ako sa pag nguya at naramdaman kong tinawanan ako ni Ynes, nahiya naman ako sa kaharap ko. Gaga talaga!

"A-ah, masarap..." At katahimikan ang namayani.

"Cenia, punta ka sa bahay bukas oh. Ipapakilala lang kita..." Tumango nalang ako dahil puno ang bibig ko.

"Hindi siya sasama. May lakad kami." Natigil naman ako. Katulad ko, tumigil din sila. Nakatingin ako like what?

"ah, Oo tama anak. Pinagpaalam kana saamin ni Celix na may lalakarin kayo bukas ng maaga." Sabi ni tatay. Si tatay talaga? Bakit siya pumayag! 'yoko! 'yoko talaga! Waaaah! Gusto ko yang sabihin pero hindi ko magawa.

"Ah ganon ba? Edi sa susunod na araw nalang?" Suggest ni Baby pero hindi ako nakasagot ng magsalita na si Celix.

"May medical mission kami." Naasar na tumingin ako sa kanya. Nakakainis na talaga siya sobra! Kailangam siya ang sumagot ha!

"Ow. Tell me when is your vacant Cenia." Tumango ako sabay ngiti. "Sure baby."

Tumayo si Celix at nilapag sa lababo ang pinagkainan niya sabay lakad papuntang labas na nagsasalubong ang kilay. Kumain na ulit kami ng tahimik hanggang sa natapos.

"Ako na maghuhugas, I mean kami na ni Enzo."

Nanatili muna si Baby ng ilang minuto at nagpaalam nadin para umuwi dahil baka hinahanap na daw siya sa bahay nila. Na kwento din niya na kasama niya 'yong babae na umuwi dito. Si Girl kasi na nagngangalang Vannesa ay kasambahay niya sa Taiwan na kong saan na inlove ang kababata ko. Pinakita niya saakin ang picture at maganda siya. Bagay nga sila dahil gwapo at maganda, hindi ko naman maipagkakaila na sobrang gwapo talaga ni Baby kaya lang ni katiting hindi ko siya nagustuhan, Ewan talagang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Panget yata ang bagay saakin katulad ko. Masyado naman kasing gwapo ang mga naging ex ko, hindi sa pagmamayabang pero gwapo sila pero ang ending iniwan parin. Tss. Olats!

"Sige, ingat ka baby." Niyakap niya ako at Kumaway na ako't pinaharurut na niya ang motor niya. Madaming kurot at suntok ang natanggap niya mula saakin dahil sa mabilis na pagpapatakbo niya. 'yoko pang makilala si kamatayan no!

Naigtad naman ako ng biglang umilaw ang pick up sa harapan ko kaya tinakpan ko ang mukha ko dahil ang sakit sa mata ng sinag ng ilaw. Nang maka adjust ay napansin ko na nasa loob si Celix at nakatingin saakin. Binaba naman niya ang ilaw at nag titigan lang kami. Nag ring naman ang keypad ko kaya nalito nang makita ang pangalan niya sa screen.

"Hello?" Nasa tinga na niya ang phone niya at nakatingin lang saakin at hindi sumagot ng ilang sigundo.

"Get in."

Nasa loob na ako ng kotse niya at napaka awkward dahil walang nagsasalita saaming dalawa. Binuhay niya ang makina at hindi na ako nag protesta dahil baka pagsimulan lang ng away.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now