The Party

1.7K 54 2
                                    

"okey lang ba...tong suot ko?" Naiilang naman na yumuko ako dahil nakatitig siya saakin.

"You're... Beautiful." Inangat ko ang tingin ko at nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Okey enough for that, lets go." Basag ni George saamin at napailing naman siya na nakangiti.

Habang nasa byahe ay napapabuntong hininga naman ako. 'yokong isipin na mawawala na si tatay pero kinakabahan ako para sakanya, alam ko na hindi madaling mawalan ng ama pero sana naman makasama pa namin siya ng matagal. Makita man lang niya ang apo niya saakin kong baka sakali,hindi pa ako handa sa totoo lang.

Matagal tagal narin niyang binabantay ang bukirin doon at minsan nangingisda pa, simula bata palang ako doon na ako palaging dinadala ni tatay sa bukid at nabuhay rin sa pangingisda niya. Inabot siguro sa punto na hindi niya na kayang umakyat pa sa matatarik na parte ng bukid at magsagwan pa. May pagka matigas kasi talaga si tatay dahil kong gusto niya, gusto niya talaga.

"Kuya Mir bakit?" Sagot ko sa tawag niya at narinig ko naman siyang nagbuntong hininga.

"Nasaan ka? Magkita tayo sa malapit na coffee shop."

"Eh kasi kuya hindi ako makakapunta, may lakad kasi kami ng boss ko po, pero bukas kuya pwede." At bumuntong hininga na naman siya ulit at napagaya narin ako.

"Sige, may paguusapan tayo bukas, marami karin ipapaliwanag." Tumango naman ako kahit hindi niya nakikita at binaba ko na ang keypad ko.

"Who's that?"

"Wala..kuya ko lang."

"Ano daw sabi?" Ba't kailangan niyang malaman pa 'yon.

"Magkita daw kami bukas."

Nakita ko sa vision ko na tumango-tango siya. Ilang minuto pa kaming bumyahe at nakarating narin sa distenasyon namin. Habang nasa labas pa kami ay rinig na rinig ko na ang ingay ng party music. Sigurado akong maraming bisita dahil rinig ko ang ingay hanggang dito sa labas. Hinawakan naman ako ni George sa kamay at napangiti ako mg kunti, na fe-feel niya siguro na wala ako masyado sa mood mag ganito.

Sabay-sabay na pumasok kami at hindi nga ako nagkakamali. Malaki ang bahay, maraming tao at lahat suot ang mga magagarang damit nila, nanliit naman ako sa sarili ko dahil tingin ko hindi ako bagay sa lugar na'to.

"Hey, heads up." Tumango ako sabay napabuga. Hinawakan naman niya ako sa kabilang kamay, bale hawak nila akong dalawa ni George at lumapit naman kami sa birthday celebrant.

"Yow kuya, hi George my favorite nephew,and hi to you Ate Cenia." Nginitian ko lang siya.

"Happy birthday tita Bit, my gift for you is this." Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi nang paulit-ulit na kinatuwa naman ni Bit.

"Happy birthday Bit." Bati ko at niyakap niya lang ako.

"Happy birthday Bit, nasaan si mom and dad?" Ngumuso naman siya sa likoran namin kaya napaikot kami para tignan ang papalapit na mag-asawa na masayang nakangiti.

"Hello son, I've missed you." Niyakap naman siya ng mom niya ng sobrang higpit.

"Mom! Can't breathe." Napatawa naman ang papa niya.

"You know sobra kalang na miss ng mommy mo anak, anyway here's Kelly." Sa di kalayuan nakita ko ang isang magandang babae na karga-karga si George at makikita sa ngiti at mata nito ang tuwa at saya.

"Kumusta big bro. Missed yah." Hinalikan naman niya 'to sa pisngi. Hindi ko pala napansin kanina na binitawan na ako ni George para pumunta sa mommy niya.

"So, how was your modeling industry?"

"Well, it goes well naman kahit nakakapanibago sa pilipinas and I'm so happy dahil makakasama ko na ang pinaka gwapo kong anak." Makikita mo talaga sa kanya na masaya siya. Ang ganda niya talaga, sexy. Nakakapagtaka lang kong bakit hindi siya pinanagutan nang nakabuntis sa kanya, siguro may saltik ang taong yon at pinakawalan siya ng ganon kadali ang pinaka magandang babae sa balat ng universe.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now