Feeling Disappointed

1.6K 32 0
                                    

Bumangon ako na parang pasan ko ang buong planeta sa bigat at sakit ng ulo ko. Ayan, ito ang nakukuha ng mga taong hindi marunong uminom ng alak! Nagkaka hungover.

Parang zombie na tinahak ko ang kusina para kumuha ng tubig dahil parang tumira ako ng ilang taon sa disyerto at uhaw na uhaw ang lalamunan ko. Naka tatlong baso na ako at nilapag na ang baso.

"Hungover?" Dali-dali na kinapa ko ang buhok ko kong nasa ayos ba at alam kong magulo talaga. Tinakpan ko ang mukha ko bago ako humarap sa kanya at sinilip lang siya sa pagitan ng daliri ko.

"H-hindi." Deretsong umalis na ako ng mabilis at hindi na nagpaalam pa. Nakakahiya, napakagulo ng buhok ko at paniguradong napaka pangit ko.

Kailan ba ako gumanda?

Kahit nakakatamad, sinuklay ko ang buhok ko at gumamit ng wipes para sa mukha ko at lumabas na para kumain dahil hindi ko na talaga kaya. Sakto naman pagdating ko ay kakatapos lang ni Celix magluto at inangat ang tingin saakin.

"Goodmorning, take some breakfast." Mahinang tumango ako at umupo na. Sumunod naman na umupo ay mga kapatid ko at si Baby kasama si Vannesa na nakahawak sa ulo niya.

"Problema mo Vans?"

"Waaaah, sakit ng ulo ko Ya, feeling ko pasan ko ang kalawakan." Dumadaing na sabi niya na kinatawa ko. Pariho pala kami, eh malay ko ba na nasobrahan na pala ako kagabi sa kakainom.

"Kumain kana lang at humigop ng sabaw."

Habang kumakain kami dumating naman si nanay at tatay at mukhang galing pa sa ospital.

"Nay! Kumain na po tayo." Aya ko.

"Wow! The best ka talaga kuya Celix! Ang sarap mong magluto!"

"Oo nga, sana hindi kana umalis dito."

"Tumigil nga kayo, ginawa nyo pang kusinero ang bisita natin." Tigil ko sa kanila.

"Nah, it's okey sweety." Napako naman ang tingin ko sa kanya at kailan niya pa ako nginitian at kinausap? Kahapon nga lang parang hindi niya ako kilala tapos kong magalit siya parang may ginawa akong masama sa kanya. Isa rin yatang may saltik to eh. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng tahimik.

"Mr Villarata sir, tumawag saakin kaninang umaga ang manager sa isang branch ng restaurant at nagkaproblema daw, sinabi rin na kailangan nyo pong makita ngayon." Pinagmasdan ko naman si Celix na parang nag aatubiling kausapin si kuya. Ilang segundo pa ang lumipas tsaka siya sumagot.

"Okey. I'll talk to him." Sagot niya lang na hindi nakatingin kay kuya, saakin naman nakatingin ang lahat maliban kay kuya at Celix. Kibit balikat lang ang sagot ko sa mga nagtatanong na mga titig nila saakin.

"Mr Villarata sir, gusto kong makausap ka nang pribado."

-----

Kasama ko ang mga kapatid ko kasama si nanay at tatay at naguusap-usap kami tungkol sa pagaaral ng mga kapatid ko no pati narin ang operasyon ni tatay na wala ako dahil may trabaho sa syudad at paniguradong uuwi na kami bukas ni Celix dahil don sa balita ni kuya kanina.

"Ingatan nyo sarili nyo dito nay, tay. Wala ako dito pagdating ng operasyon kaya asahan nyo na nasa mga dasal ko kayo palagi sigurado yan." Pinagigitnaan ako ni tatay at tatay habang nakaupo at nasa kama naman ang mga kapatid ko. Sabay-sabay na niyakap nila akong dalawa.

"Indi ako makahinga nay, tay. Di joke lang, kahit yakap payan ng elepante kakayanin ko basta kayo." Tawa naman ang naging sagot nila.

"Ikaw talagang bata ka.."

"At kayo naman! Oo kayo dyang nakahiga-" tinuro pa nila ang mga sarili nila.

"-wag nyong bigyan ng sakit ng ulo ang nanay at tatay hindi na sila bumabata naiintindihan nyo!"

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now