Danger

1.5K 38 0
                                    

"We're leaving this afternoon sweety."

"Ha!"

"Yeah."

Hindi na dapat ako magulat dahil siguro sa binalita ni kuya nong isang araw tungkol sa nangyari sa mga branches ng restaurant niya. Mukhang kailangan ko na palang magpaalam at maghanda.

Tinulungan ako ni nanay sa pagaayos ng mga gamit ko habang sa labas naman naguusap si tatay at Celix.

"Balitaan nyo ako sa magiging operasyon ni tatay nay. Kong may kailangan kayo sabihan nyo lang ako."

"Oo nak, wag ka nang magalala. Ihatid mo narin ang malaking pasasalamat namin sa ina ni Celix anak ha." Tumango na lang ako at sinara na ang zipper ng bag pack ko. Lumabas na kami at nilapag ang bag ko sa hagdan.

"Opo nay makakarating. Paano ba'yan? Kailangan na naming umalis." Paalala ko at niyakap silang lahat pa isa-isa.

"Magiingat ka ate." Kumaway na ako habang nasa kotse na kami at aalis na. Hindi ko na sila pinagabalang ihatid kami sa port dahil malayo-layo rin 'yon.

"Let's go?"

"Tara."

------

Habang naghihintay kami na umandar na ang barge ay tahimik lang kaming nakaupo. Abala naman siya sa cellphone niya at maraming tinatawagan at palaging nag ta-type

Nahuli naman niya ako na nakatingin sa kanya habang nasa tenga niya pa ang cellphone niya. Nginitian ko naman siya ng kunti na ginantihan naman niya. Binaba naman niya agad ang phone nita at tinitigan ako.

"Bakit?" Parang naglalambing na tanong niya kaya inalis ko ang titig ko sa kanya.

Naramdaman ko nalang na umakbay siya saakin na hinayaan ko nalang. Habang ginagawa naman niya iyon ay pinagtitinginan kami ng mga sumasakay na pasahero at nagbubulungan pa sila.

Hindi ko kayo naririnig.

"Ialis mo nga yang kamay mo. Pinagbubulungan na tayo." Tinabig ko naman ang kamay niya at lumungkoy naman ang mukha niya na iniwasan ko dahil ayokong lumambot ang ekspresyon ko sa kanya. Hindi pwede.

"Naaaaah, hayaan muna sila sweety." Ang childish na naman ng mokong.

"Bahala ka dyan." Tumayo ako at naglakad para pumunta ng banyo, hindi ko na siya nilingon dahil nakatingin saakin ang mga babae. Nandidiri.

Sino ba naman kasi ang magaakala na gusto ako ng isang Villarata? Sa pangit kong 'to? Ang pangit ko pang manamit. HINDI KAMI BAGAY!

Habang nag ba-byahe kami ay palagi niya akong kinukulit pero hindi ko siya pinapansin hanggang sa bumaba na kami ng eroplano ay kinukulit niya parin ako pero tinatango-tanguan ko lang siya.

"Cara Eden Nimfa Idel Anea~" kanta niya sa buong pangalan ko kaya tinakpan ko ang tenga ko pero walang silbe dahio mas lumalakas pa ang boses niya sa loob ng kotse. Namaaaaaaaan!

"Cara Eden Nim-shit!"

"Minumora mo ba ako!" Bulyaw ko sa kanya pero umiling siya at napansin kong tumigil ang kotse.

"Bababa lang ako, dito kalang. Dilikado na dahil madilim." Nasapo ko naman ang noo ko. Bakit ngayon pa nagkaproblema?! Masyado pa namang madilim dito at kunti lang ang mga sasakyang dumadaan. Ang sabi kasi nitong si Celix eh short cut daw pero tignan mo ang nangyari. Short cut ng buhay to eh, paano pag may masamang elemento dito! Waaaaaah!

"Ay kamote!" Sigaw ko sa gulat ng kumatok si Celix sa bandang pinto ko kaya binuksan ko naman.

"Bad news.." sabi na nga ba eh! Malas talagang kasama tong Celix na'to eh.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now