Right Decision

1.5K 35 0
                                    

"Aalis na ako dito..." Nagtataka naman siya. Binaba ko ang kotsara ko at ganoon din siya.

"I mean...wala naman na si George dito dahil kasama na siya ni Kelly so sino pa ang aalagaan ko dito diba?" Nagsalubong naman ang kilay niya sa sinabi ko kaya umiwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"At saan ka naman pupunta?"

Yun na nga! Hindi ko pa alam, ang akin lang naman, sayang yong binabayad niya saakin kong wala naman akong binabantayan dito sa bahay niya dahil wala na naman si George, diba? Yon naman ang purpose ko kong bakit ako nandito.

"Maghahanap ako. Tsaka,pwede naman akong makahanap ng panibagong trabaho eh." Hindi siya sumagot at bigla siyang tumayo at iniwan ako. Problema non?

Celix's Point Of View

She doesn't care!

Umasa pa ako! Tsk!

Wala na talagang pagasang magkagusto siya saakin,gusto niya pang umalis. Arrg! Naiinis ako dahil wala siyang pakialam na nararamdaman ko,she doesn't care! And that kills me..

The Idea of her leaving me..

Cenia's Point Of View

Tanghali na pero hindi parin bumababa si Celix at nasa kwarto niya lang at nagkukulong. Baka may mga paper works lang siguro at hindi na nagabalang bumaba pa.

Nakahiga lang ako sa sofa at nakatingin sa kisame.

"Mitch?" Napaupo naman ako agad ng makita siya na nakatayo at pinapanood ako. Nakangiti naman siya saakin at lumapit.

"Sorry pumasok na ako, kanina pa kasi ako nag do-doorbell at walang nagbubukas."

"Sorry,hindi ko narinig pero ano nga pala ang ginagawa mo dito?" May inabot naman siyang paper bag saakin.

"To give you this. Mamaya muna buksan pagka nakalis na ako..." Sinantabi ko muna at hinintay siya na magsalita.

"Ang tahimik ng bahay nasaan si Love?" Ngumiti naman ako ng pilit. Pumunta siya dito para ibigay ang paper bag? Parang hindi eh, may sadya pala kay Celix.

"A-ah siya ba? Nasa kwarto niya. Busy yata dahil hindi na lumabas kanina pa.." tumango-tango naman siya.

"Sige, saglit lang ako." At umakyat siya para puntahan si Celix sa kwarto niya. Humiga nalang ako ulit at bumuntong hininga.

"I'm bacccccccck!" Napabangon ako agad. Nakakapang gulat naman 'tong si Mitch, kakaalis lang niya ah!

"Sabi ko naman saglit lang ako eh. So? Aalis ka?"

"Oo, hinihintay ko lang ang desesyon ni Celix."

Pinagmasdan ko siya at parang may gusto siyang sabihin pero nagaalinlangan ko sasabihin ba niya o hindi. Napakaganda niyang nilalang, hindi ako magdududang maraming manliligaw to noong araw hanggang ngayon. Makinis ang balat, matangkad,maliit ang mukha for short she's full package. Kompleto eh. Sana lahat.

"Sabihin muna."

"Ahm kasi.. alam mo ahm Cenia. Before, habang pumipili ako ng kukunin kong korso napili ko ang medicine pero hindi yon gusto ng mga magulang ko but I strive hard para makuha ang gusto ko with the help of Celix si Love dahil tinulungan niya akong makuha tong gusto ko. Sa tinagal tagal ng pinagsamahan namin kilala na namin ang isa't isa, siya ang naging sandalan ko tuwing may problema ako because my parents never comfort me dahil sa desesyon kong ginawa. Ang gusto ko lang namang e punto sa'yo Cenia, Celix is a really hard working man at nakita ko iyon. Minsan lang siyang magkagusto sa mga babae dahil mailap siya.."

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now