Other side

3.4K 63 26
                                    

"Excuse me?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Lord! Wag ngayon. Nakatingin ng seryoso si Celix sakanya pero saakin naman ang atensyon ni Felix at binaliwala siya.

"Gusto ko siyang makausap." Simpleng sabi niya. Bago pa may mamoong galit sa pagitan nila ay pinayuko ko si Celix para matignan ako.

"Ang kilay mo, nagsasalubong na naman." Natatawang bulong ko at nawala naman ang tensyon nila pero nakatayo parin si Felix at hinihintay ako.

"Sorry Felix, kailangan na naming umalis." Tumayo ako at magkahawak kamay kaming lumabas ng restaurant.

Tahimik naman kaming dalawa papuntang kotse niya. Nararamdaman ko parin ang inis  sa kanya pero pinipisil ko lang ang kamay niya. Pagbubuksan na sana niya ako pero tumigil ako at hinarap siya.

"Celix?" Huminga naman ako ng malalim ng hindi siya sumagot. Kahit kakikilala ko lang sa kanya ,kilalang kilala ko siya. Siya yong taong mabilis magselos sa hindi mo alam na dahilan, seryoso pero merong nakakainis na ugali. Ang alam ko lang na segurado ako eh, mapagkakatiwalaan siya. Hindi ko na itatanggi na gusto ko siya pero hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin.

Dapat na sigurado ako pag sinabi ko na sa kanya. I need to be sure para hindi ako magkamali.

"Ayaw mo talaga akong kausapin? Ha? " aba't tinitigan lang ako ng mokong. Umirap naman ako at tumalikod na.

"Ba'la ka dyan. " Hindi ko naman ma buksan ang kotse dahil ni lock niya. Humarap ako sakanya pero nagulat ako ng nasa likod ko na siya.

"Uwi na tayo sweety? " bumusangot naman ako.

"Yes sweety dahil inaantok na po ako. " he pinch my nose and open the car door for me.

××××

"Goodnight." Tumaas naman ang kilay ko ng humiga siya sa higaan ko.

"What? " playing innocent ang gago.

"Wag mo akong ma what-what,  hindi porket good terms tayo ay magtatabi tayong matulog.  Ha!  Excuse me,  labas!  Don ka sa kwarto mo. " turo ko sa pinto pero pumikit lang siya at hindi nakinig.

"Nakooo,  ito pala ang ibang Cenia, masyadong maldita. " nakabukas naman ang isang mata niya.

"H-hindi kaya,  m-mabait ako no! Ba'la ka nga dyan, sa couch nalang ako. " lumabas ako at sinara ang pinto.

3

2

1

0

Aba't hindi ako sinundan o pinigilan man lang. Pumasok ulit ako at namewang.

"Oh!?  Akala ko matutulog kana sa couch? " sinamaan ko lang siya ng tingin at sinabunotan ang sarili ko.

"Arrrg!  Ewan ko sayo!  Dika marunong makiramdam.! " malakas na binagsak ko ang pinto.

Ayoko na.  Kapagod siyang kausap,  baka maging si guko ako sa galit sa kanya.

Wala akong nagawa kundi matulog sa couch. Eh ang magaling na si Celix hindi ako pinigilan.

Bahala siya...

××××

Good mornin- teka? Bakit feeling ko nasa Kama ako?  Nasa couch ako kagabi hindi ba?

Tumingin naman ako sa gilid ko at mahimbing na natutulog si Celix.

Pogi niya pala no?

Umopo ako ng maayos para matignan siya. Haba ng pilik mata, matangos na ilong, makinis at mapute, ganda ng kilay, mapupulang labi. Sana lahat no?

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now