Medical Mission

1.5K 40 1
                                    

Nasa bahay na kami at kasalukoyan namin siyang hinihiga ni kuya sa kama niya.

"Hhmm.." ungol niya. Nakapamewang naman si kuya sa tabi ko.

"Sige, magpapahinga na ako. Ikaw rin." Paalam niya at lumabas na. Napabuntong hininga naman ako habang nakapamewang. Sinimulan ko nang tanggalin ang sapatos niya at don naman sa pang itaas niya dahil punong-puno siya ng pawis. Kumuha muna ako ng pampalit niya sa bag niya tsaka ko siya tinanghalan ng t shirt. Umiiwas naman ako ng tingin at ayaw kong titigan ang katawan niya.

"Hindi mo iyan mabibihisan ng maayos ling kong ganyan ka ng ganyan." Napasinghap naman ako sa gulat at inikot ang tingin ko sa pinto.

"T-tay, akala ko tulog na kayo." Humakbang naman siya palapit saakin at pinag krus ang kamay. Tinignan naman niya si Celix.

"Ang batang talaga to Oo, mukhang tinamaan sa iyo ling. Oh siya sige bihisan muna at matulog kana rin." Lumabas na si tatay ay naiwan ang tingin ko sa pinto.

"Hay naku tay, sa simula lang ganyan ang lalaki." Dahil pag tumagal na mawawalan nayan ng interes sa isang babae at mangiiwan sa huli. See? Lahat ng lalaki MANGIIWAN.

Binihisan ko na siya at natapos ko naman ng hindi humihinga. Binuksan ko naman ang kurtina sa kwarto para mahanginan siya. Binihisan ko siya ng white sleeveless na damit niya para hindi siya pagpawisan. Umungol naman siya at parang may sinasabi kaya nilapit ko ang tenga ko sa bibig niya.

"Cenia..." Ako? Nananaginip ba siya? At ako ang panaginip niya? Wow, nakaka overwhelmed naman dahil may nananaginip saakin. Kaya lang, ano naman kaya ang panaginip niya?

"Cenia..."

"Hayaan.."

"Mo akong..."

"Ma...mahalin...ka.."

Napatayo naman ako ng tuwid. Lumabas na ako at tumungo sa kwarto na tinutulugan ko at pag pasok ko ay inangkin ng mga kapatid ko ang kama. Aba ang husay din eh! Kumuha nalang ako ng unan at pumunta sa sala para doon matulog sa mahabang upuan namin. Pumikit na ako pero pilit na bumabalik ang mga narinig ko kanina mula kay Celix. Tumingin nalang ako sa kisame at napabuntong hininga nalang.

"Ayokong sumugal." Sana nga hindi ko baliin ang sinabi ko na 'yan, ayokong pagsisihan ang mga desesyon ko. Ang ayaw ko sa lahat ay yong kinakain ko ang mga sarili kong salita. Sana nga.

Gwapo siya, matangkad, magandang katawan, mayaman,may gusto sayo,gagawin ang lahat para sayo sabi niya,mabait pero medyo bastos, oh? San kapa Cenia? Binibigay na ng dyos ang napakagandang blessing sa buhay mo pero pilit na tinatanggihan mo? Ano ba talaga ang rason at gusto mo Cenia?

Ano nga ba? Hahaha alam ko na. Takot. Yan, dahil natoto na ako at ang pagkakamali hindi na inuulit pa, kong alam mo narin naman ang patutunguhan bakit magpapatuloy ka pa? Natoto na ako sa mga nakalipas. Ayoko nang ulitin pa.

Pero kong mabago man niya ang gusto ko, why not diba? Sa ngayon kailangan ko muna maniguro ng sa ganon hindi na ako masaktan pa. Nang sa ganon, hindi na ako iwan sa ere ng mag-isa.

-----

Nagising naman ako ng may marinig na kalambag sa kusina. Naga adjust muna ang mga mata ko at bumangon​na mula sa pagkakahiga. Napansin ko naman na merong kumot na naka lagay saakin. Tumayo ako para puntahan ang ingay na narinig ko sa kusina at nakakita ako ng itim na pusa.

"Shoo, alis." Dali dali naman na tumalon sabay takbo ang pusa. Kinuha ko naman ang nahulog na basong plastik. Humikab naman ako pabalik sa hinigaan ko at umupo.

Ang tahimik ng bahay,siguro tulog pa silang lahat. Alas otso na pala ng umaga, nakakapagtaka dahil ala sais ay nagigising na si nanay at tatay.

Kamusta na Kaya si Celix? Gising na kaya siya? Naalala niya kaya ang nangyari kagabi? May hang over kaya siya? Para masagot ang tanong ko ay pumunta ako sa kwarto niya pero wala na akong nadatnan don. Saan pumunta 'yon?

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now