Madaam husay

1.7K 44 1
                                    

"tay..."

Tumakbo naman ako para mayakap si tatay. Narinig ko naman ang paghikbi niya.

"Tay naman,waaaah wag kang umiyak tay." Nakaupo na kami at kasalukoyan akong kinakausap ni tatay.

"Kamusta naman ang buhay syudad ling?"

"Okey naman po tay, malaki na po ang sahod ko ngayon kompara noon. Umalis na po ako sa restaurant dahil may nagalok saakin ng mas malaking sahod kaya ayon, sinunggaban ko na."

"Baka naman iligal yan ling, sinasabi ko sayo umalis kana dyan." Natawa naman ako sa tono ni tatay, na miss ko talaga siya ng sobra.

"Tay naman hindi no. Actually nga tay kasama ko ang boss ko na nagsasahod saakin ng malaki pero nagpapahinga pa siya eh. Isang araw po ay nakilala ko ang nanay at naikwento niya sa mommy niya ang kalagayan nyo po at nagkataon naman na isang licensed doctor sa US ang mommy niya kaya may medical mission silang gagawin dito sa Isla Binita, hindi lang po tayo ang makikinabang pati narin ang ibang kapit bahay at ibang barangay tay."
Hindi naman siya nagsalita at tinignan lang ako kaya bumuntong hininga naman ako.

"Tay, wag nang matigas ang ulo, pumayag na po kayo kasi hindi lang naman 'to para sa sarili nyo, para rin 'to saamin dahil ang kaligtasan nyo ang makakapagpasaya saamin, saakin tay. Kaya tay please pumayag na kayo. Sayang pa naman yong mga binili kong tsokolate kong hindi nyo naman makakain, ipamimigay ko nalang siguro sa iba tay no?" At nakita ko na ang pagsilay ng malawak na ngiti niya. Niyakap ko si tatay ulit mg mahigpit.

"Akin lang iyong tsokolate ko ling ha?" Mas lumawak pa ang ngiti ko dahil na kombinsi ko si tatay. Nakombinsi ko na siya! Sa likod naman ni tatay sa di kalayuan nakatayo si nanay na naka dikit ang palad kasama si Ynes na naka thumbs up at ginantihan ko naman.

Isang oras na ang lumipas at hinahain na ang mga pagkain. Tumulong naman ako sa paglapag ng mga pinggan sa mesa. "Oy anak, gisingin muna ang boss kamu dahil tayo'y kakain na." Lumakad naman ako papunta sa kwarto kong saan siya nagpapahinga. Nag warning knock naman ako at binuksan ang pinto.

Tulog pa siya. Napansin ko naman na hawak niya yong frame kanina. Sana kinuha ko nalang 'yon kanina eh. Dahan-dahan na kinuha ko ang frame pero biglang humigpit ang pagkahawak niya at napatingin ako sa kanya na ngayon ay gising at dilat na.

"What are you doing?" Umayos naman ako ng tayo.

"A-ano, kakain na." At agad na lumabas na ako. Pwew! Nakakakaba yong klase ng titig niya. Ewan diko ma explain. Habang hinihintay namin siya para makapagsimuka ng kumain ay kinulbit naman ako ni Ynes na nasa tabi ko.

"May something nabang nagaganap ha?" Bulong niya pa na rinig naman ng lahat kaya tinapakan ko ang paa niya dahil baka magtanong pa si tatay sa mga gawagawa nilang kwento ni nanay. Narinig ko naman siyang dumaing. Tinanong siya ni tatay na okey lang ba daw siya at tumango nalang din siya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Eh ikaw? May something nabang nagaganap sa inyo ni Enzo ha?" At inirapan lang ako ng bruha. Twenty three lang ako at twenty five siya pero napaka bata ng ugali ng bruha. Ang love nga naman ginagawa kang kakaiba, nagiging iba ka sa totoong ikaw. Hay. Sino ba ang nagimbinto ng love nayan?

Si lord Cenia.

Tama. Minsan nga lang sa pagmamadali mali na ang naibibigay niyang tao dahil para matutu tayo na maghintay. Buti nalang at napagod na ako sa pag-ibig nayan. Stress eh!

"Pasensya po at pinaghintay ko po kayo." Ang bait ng loko. Sasandok na sana ako ng magsalita siya.

"Hindi ba't magdadasal pa po tayo?" Aba! Grr! Gutom na kaya ako! Hindi naman siya ganito doon ah! Nakakaiinis! Nginitian lang niya ako at sinamaan ko siya ng tingin.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now