Meeting kuya and secrets?

1.7K 43 0
                                    

Maaga kong nilisan ang bahay para makipagkita kay kuya at para makabili narin ng pasalubong sa mga kapatid at kay nanay, tatay.

May iniiwasan Cenia?

Hindi ah! Kailangan ko lang talaga- sige na nga! Oo, umalis ako ng maaga para hindi ko siya madatnan sa baba at para hindi ako mailang. Hindi ako pinatulog ng ginawa niya at kasalanan niya 'yon kong sana! Kong sana..

Ano 'yon Cenia? Kong sana ano?

Kong sana hindi niya ako hinalikan, nakatulog sana ako at hindi puyat ngayon at wala sana siya sa utak ko at ginugulo ang mahimbing at mabait na utak ko. Asar! At tsaka isa pa....baka magpaliwanag siya at sabihing hindi sinasadya ang ginawa niya at baka pagsisihan pa ang malala.

Habang papasok ako sa coffee shop ay nakita ko na si kuya na iniintay ako. Kumaway ako sabay ngiti at tumango lang siya. Nang makalapit ako ay agad naman na umupo na ako at inalis ang malawak na ngiti ko ng makita ang seryoso niyang pigura.

"K-kuya, kumusta?"

"Dederetsohin na kita kapatid ko, ano ang ginagawa mo sa bahay ni Mr. Villarata?" Bago ko pa masagot ang katanungan niya ay dumating ang waiter para ibigay ang kape. "Salamat." Mahinang sabi ko at pinanuod na umalis na ito.

"Parang sa tono mo kuya ako ang may malaking kasinungalingan saating dalawa ah, bakit kuya? Ano ba ang ginagawa mo sa bahay ni Celix sa araw na 'yon? At sino ang pinaiimbistigahan niya....sa'yo?" Bumuntong hininga naman siya at sumandal sa upuan niya at sabay narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Kapatid nga kita, hindi ka nagpapatalo." Bilib na bilib naman na ngumiti ko sa sarili ko. "Maliit na bagay kuya, ngayon sagutin muna ang tanong ko."

"Ako ang unang nagtanong kapatid ko."

"Sige. Isa akong Yaya-hep! Mamaya kana magtanong," pigil ko ng magsasalita sana siya.

"Yaya ako ng pamangkin niya, stay in ako. Taga luto,taga linis at kong ano-ano pa, kompara sa sweldo ko sa restaurant eh mas malaki ang kinikita ko dahil triple ang sweldo na binibigay ni Celix."

"Paano mo siya nakilala?"

"Sa restaurant din na pinagtatrabahuan ko, at mukhang alam ko na kong bakit siya pabalik-balik doon. Dahil siya si Mr. Villarata na nagmamayari ng restaurant na 'yon." Na isip ko lang dahil, naalala ko 'yong sinabi ni Rara saakin nong nakaraang araw na Mr. Villarata'ng sinasabi niya.

"Uuwi kaba sa Isla Binita?" Lumiit naman ang mga mata ko na tinignan siya.

"Dami mong tanong wala kapang sagot saakin eh." Umiling naman siya.

"Kailangan ko nang umalis-"

"Kuya." Warning ko.

"Dumating​ ako nong araw na'yon dahil pinatawag ako ni Mr. Villarata."

"At bakit?"

"Para ipaimbistigahan ang isang tao."

"Bakit sayo? Bakit hindi sa pulis o kaya naman agents?" Tumaas naman ang gilid ng labi niya dahil sa tanong ko. At nanlaki nalang ang mata ko sa naisip ko.

"Hindi ko na siguro kailangan pang sagutin ang tanong na 'yan kapatid ko."

"Gusto kong marinig sayo mismo kuya." Paninigurado na tanong ko sa kanya.

"Agent."

Yun lang? Pinantaasan ko siya ng kilay. Sa dami dami ng gusto kong marinig na paliwanag nya YUN LANG ANG SASABIHIN NIYA!

"Alam mong ayaw kong binibitin ako kuya sinasabi ko sayo."

Hindi ko alam kong anong oras ang alis namin ni Celix kaya gusto kong malaman agad nang makabili na ako ng pasalubong at makauwi pero sa ginagawa ng kapatid ko ay mukhang matatagalan ako dito. Mahaba-habang paliwanag ang gusto kong marinig galing mula sa kanya.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now