Willing to wait

1.6K 30 0
                                    

"Woah! That's the first time you called me from my last name sweety." Tatawa tawa niyang sabi pero tumigil nang makita ang seryosong tingin ko. Naghanda naman ako para makinig sa kanya at umupo ng maayos sa kama.

"Ang sasabihin ko, it's about your brother Sweety." Bakit? Anong ginawa ni kuya?

"Binigay niya saakin ang resignation letter niya at nagpasa narin sya sa agency kong saan siya nagtatrabaho. And I feel ashamed dahil I guess I'm the reason." Tinotoo nga ni kuya na aalis na siya sa pagtatrabaho niya. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kaaga ang pag re-resign niya.

"Wag kang ma guilty Celix, ganito kasi yan. Sinabi na saakin ni kuya kong bakit siya mag re-resign, at gusto na niyang mag settle down sa buhay dahil tingin ko pagod narin siya. Tingin ko lang naman, hindi ko naman pipigilan si kuya dahil desesyon niya 'yon eh. Tsaka, wala kang kasalan. Hindi rason yong nalaman mong kapatid niya ako..." Nakatitig lang siya saakin habang nagpapaliwanag ako sakanya. Akala ko kong ano ang sasabihin niya tungkol lang pala kay kuya.

"Sige, magpahinga kana. Matutulog narin ako." Paalam ko pero bago ako tumayo, nag switch siya ng pwesto at nasa hita ko na ang ulo niya. Nakapikit naman siya habang ako hindi makagalaw sa kinauupuan ko.

"Sige, matutulog narin ako." Sabi niya.

"Ahm, Celix?"

"Hhmm?"

"Matutulog ka diba?"

"Hhmm."

"Ako din, kaya lumayas ka dyan." Dumilat naman siya at pinigilan ang kamay ko na magpapaalis ng ulo niya sa hita ko sana. Hindi ko alam kong ilang segundo o minuto ang posesyon naming yon pero ang nararamdaman ko, hindi ko mapaliwanag. Hindi ko pa 'to naramdaman kahit kailan sa mga naging boyfriend ko. Sabay ang kabog ng puso at mga paru-parung umiikot sa tiyan ko. Basta! Hindi ko mapaliwanang. Napalunok naman ako.

"Inlove kana saakin nyan?" Ngumiti naman ako mg maluwang at binaba na niya ang kamay ko.

"Baliw. Sige na, matutulog na ako." Papaalis ko sa kanya pero umiling lang siya sabay busangot pa. Nagpapa cute ang loko!

"Isa Villarata." Warning ko.

"Naaaaah, yoko." Parang batang may tantrums na may pabagsak-bagsak pa ng paa niya sa kama na mas natawa ako dahil nakakainis man pero ang cute niya lalo sa ginagawa niya.

"Dalawa." Pagbibilang ko parin.

"Naaah,naaaah,naaaah ayaw." Hindi ko na napigilan ang tawa ko kaya tumawa na ako at sinapak siya ng mahina sa mukha niya at nakangiti narin siya. Pero nawala bigla ang saya ko ng lumitaw sa utak ko ang magkasama sila ni Mitch at nong magkahalikan sila sa ilalim ng puno doon sa court.

"Aray! Ooooy." Reklamo niya ng tumayo ako bigla at sinamaan ko siya ng tingin bago ako lumabas ng kwarto.

"Paasa!" At tuluyan na akong lumabas sa kwarto. Nakakainis, kong maka flirt saakin akala ko naman wala siya ginawa kahapon habang kasama niya si Mitch at Oo nagseselos ako kunti. Kasi, akala ko ako na, hindi naman pala.

"Cara Eden Nimfa Idel Anea." Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko, nasa labas palang ako ng pinto niya ng marinig ko 'yon. B-bakit niya alam 'yon? Paano?

Naramdaman ko nalang ang kamay niya na hinahatak ako palabas ng bahay. Hindi naman ako makapaniwalang nakatingin sa kanya habang tinatahak namin ang daan palabas ng bahay.

"Saan tayo pupunta? Gabi na Celix."

"Don't worry, wag kang matakot nandito lang ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng milky way." Natawa naman ako dahil parang sinabi ko ang linyang 'yon. Tumigil naman kami sa dalampasigan, maliwanag ang daan dahil sa full moon kaya kumikinang ang dagat habang tinatanaw namin, masyado nga lang malamig.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now