Baby ko

1.8K 26 1
                                    

" Excuse me!? Talaga? Bakit ka nandito at...at bakit magkatabi tayo ha! Bastos ka talaga no!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya at may duro pa sa kanya. Nakatingin lang naman siya like 'what the fuck look'.

Umatras naman ako ng tumayo siya palapit saakin.

"Yes excuse me. As far as I remember sweety you're the intruder​ here. This. Is. My. Room." Hindi parin ako nagpatalo at sasampalin sana siya pero nahawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko sabay silay ng makamatay ngiti niya. Hindi ako madadala!

"I will let you bully me but not this acts, i hate it. And I will hate myself kong hindi ko'to gagawin." Dumapo sa mukha niya ang kamao ko at dahil matangkad siya mistulang upper cut ang ginawa ko. Buti nga sa kanya! Padabog na lumabas ako at napansing kanina pa nakikinig si Ynes kasama si nanay na kinainis ko lalo.

"Arrg!"

----

Asar! Nagkulong ako sa kwarto ng mga kapatid ko at hindi na nagbalak na lumabas simula ng nakauwi kami kani-kanina lang. Naiinis ako! Bakit? Hindi ko ALAM! Hindi ba dapat na mag party ako dahil nakatabi ko ang isang Adonis sa balat ng earth pero naiinis nagagalit ako dahil kahit ganoon babae parin ako no! Wala siyang karapatan na tabihan ako dahil hindi ko siya ano, ahm basta! Para saakin hindi pupwede yon! Tawagin nyo na akong maarte pero ayoko talaga!

Nang may marinig akong magbubukas ng pinto​ ay agad na nagtalukbong ako at natulog, fake sleeping exactly.

"Alam kong gising ka." Boses ni Ynes. Pero hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy ang pag acting at humilik pa ako para convincing ang arte ko.

"Nakuuu, wag ako Ce! Tumigil ka Kong hindi... Ce! DAGAAAAAAAA!" Napabalikwas ako at sumisigaw na lumabas ng kwarto.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!"

'YOKO TALAGA SA DAGA! Kadire sila, kong saan-saan mo sila nakikita sa bangketa. Natatakot naman na tumingin ako sa paligid ko at napansing ako ang tinitignan ng lahat as in lahat si nanay,tatay,mga kapatid ko,si Enzo at si...si... Celix. Masama naman ang tingin na pinukol ko kay Ynes na ngayon mamatay-matay sa pagtawa. Para pala akong baliw sa itsura ko dahil dala ko pa ang unan at kumot.

"Masaya ka no?" Tanong ko ng makabawi ako sa pagkapahiya ko ngayon. Ilang beses na talaga 'to si Ynes sa akin. Naku naku!

"Bakit ba kasi nagkukulong ka sa kwarto ha? Dahil ba-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil binato ko siya ng unan kaagad,mabuti nalang at yong mabigat na unan ang dala ko. "Aray!"

Lumabas ako ng bahay at lalayas ako pero babalik naman mamaya. Astig no? Lalayas tapos babalik. Parang boomerang lang. Pupunta ako sa tambayan ko na ako lang ang nakakaalam, sigurado ako don.

----

"WAAAAAAAH! NAKAKAINIS KA! BUWISET KA SA BUHAY KO! BAKIT KABA KASI DUMATING SA BUHAY KONG HAYOP KA HA! GINULO MO LANG LAHAT! LAHAT-LAHAT,PATI MGA PINANGAKO KO SA SARILI KO! NA HINDING-HINDI AKO MAGKAKAGUSTO SA KAHIT NA SINO AT LALONG MAGMAHAL NG GAGONG MGA KATULAD MO! WAAAAH!" Sigaw ko hanggang sa abot ng makakaya ko. Isang way naman 'to para mabawasan yong mga bigat na pasanin na gumugulo sa isip ko. Pasanin kasi panggulo siya. Ayoko sa lahat ay yong kinakain ko ang mga salita ko. Kaya ito,hindi ko na alam. Ewan!

Nasa ibabaw ako ng isang punong mangga na makikita malapit sa bukirin namin. Ako lang ang nakakaalam sa taguan ko na'to. Thirty minutes ang lakaran dito no hindi madali pero dahil gusto ko kaya nakarating ako. Dito kasi ako tumatambay tuwing napapagalitan ako ng nanay dahil minsan nga pasaway tayong mga anak.

"Panggulo kang hayop ka..." Buntong hininga kong sabi at sumandal. Tingin ko parang assuming lang siguro ako, hindi ko naman sasabihing may gusto siya saakin dahil isang mababang uri lang naman ako na hindi bagay sa mundo niyang mala palasyong buhay.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now