Pick and Act

1.6K 31 0
                                    

"Ano naman yan? Ngayon ko pa lang narinig yan ah."

"Ngayon lang talaga dahil ako ang nagimbinto. Ganito, meron akong...mga sinulat sa mga papel na'to and each paper contains of different words or sentence, ang nakalagay sa mga papel na'to ay mga sweetness, sexy acts and some are dangerous but anyway, kaya tinawag na pick dahil bubunot kayo and act dahil gagawin nyo kong ano ang nakalagay sa papel na nabunot nyo,so? Game?" Paliwanag niya. Ano naman kaya ang mga sinulat ng pinsan kong 'to. Tinaas ko naman ang kanang kamay ko.

"Paano kong ayaw gawin ng nakabunot ang nakasulat?"  Napaisip naman si Ynes at si ginawa niya na parang may mag light bulb sa ulo niya at may halong pitik pa yan sa kamay.

"Pick and act if not...kiss the person beside you." Nabaling naman ang tingin ko kay Celix na parang natutuwa sa mga paliwanag ni Ynes.

"Sigurado ako na magagawa ko lahat ng nakasulat dyan." Paninigurado ko at kibit balikat lang ang sagot niya.

"Last reminder, sa katabi mo lang magagawa ang nakasulat." Pinaghalohalo naman niya ang mga papel na hinugot niya kanina sa bag niya at ang dami sobra, nag plano talaga ang bruha. Unang bumunot ay si Enzo.

"Remove the upper dress."

Gaya sa nakasulat ay hinubad niya ang pangitaas niya. Hindi ko naman maiwasang matawa sa kagagahan ni Ynea dahil parang bulati na inasinan. Pero in fairness, well built din ang katawan ni Enzo ang kwento saakin ni Nes noon eh twenty eight years old si Enzo. "Tama nayan! Bumunot kana Nes." Pigil ko sa kanya.

"Sit on the lap." Hindi naman nagdalawang isip at ginawa niya sa kandungan ni Enzo. Maharot siya mga teh! And now, my turn.

"Ano? Anong nakasulat?" Bumagsak lahat ng confidence ko sa katawan. Bakit ito? At sa lahat-lahat ng pwedeng magawa ito talaga? "Puwedeng bumunot uli?" At inagaw naman ni Ynes ang papel at tumili siya.

"Kiss from the neck trail up to the lips.Gawin muna!" Nagaalangang tumingin ako sakanya. "It's just a game sweety." Mahinang sabi niya. Para namang baliw si Ynes dahil cheer ng cheer ang loka. Sinimulan ko ng idampi ang labi ko sa leeg niya hanggang sa umakyat na at kunti nalang para dumating sa labi niya at tumigil ako at binalingan si Ynes.

"Kailangan pa ba'to-" nanlaki naman ang mata ko dahil hinalikan niya ako sa labi ng ilang segundo. Ten seconds.

"Done." Sambit niya. Naiwan naman akong gulat at ganon din si Ynes.

"I want to rest guys, goodnight." At tumayo na siya paalis. Narinig ko pang pinigilan siya ni Ynes pero hindi nayon ang nasa isip ko. Yong halik.

"What was just that? Hindi pa tayo nangangalahati sa task and he didn't pick yet." Nilagok ko ang beer na hawak ko. Nilunok ko lahat ng walang hinga-hinga.

"Matutulog narin ako, goodnight loves." At tumayo na ako.

Ynes's Point of view

What's​ the matter with those both? Anyway, bagay sila. Sobra. Hindi lang nila alam kong paano nila ako pinakilig. Hindi lang ako makapaniwala sa ginawa ni Cenia dahil nilagok niya lahat ng beer na hindi humihinga.

"What's the problem with those two? Nag halikan lang nagkaganon na, labo-labo. May mas magaganda pa naman sanang task para sa kanila." Busangot ko kay Ze.

"Let them, we have ours. We can do our own task." I smirk to his words. Hhm.

Cenia's Point Of View

Pagiwang-giwang na nakarating ako sa kwarto. Ang bilis ko palang matamaan ng alak,well informed na dapat ako. Gaga talaga! Hindi ko na binuksan ang ilaw at tumumba na sa sahig.

Aray.

Celix's Point Of View

I suddenly stand up from the bed when I heard someone open the door. Who the hell will barge in here? At sunod na narinig ko ang parang may bumagsak. Shit! Agad na nabaling ang tingin ko sa sahig ng may maapakan ako at umungol. Ginamit ko ang flashlight ng cellphone pa tignan kong sino ang lapastangan na pumasok sa kwartong to!

"Cenia?" Ungol lang ang naging sagot niya at naamoy ko naman ang beer sakanya. Pinainom talaga siya ni Ynes ng beer. Bago ko siya binuhat ay pinaikaw ko muna ang buong kwarto. What this woman doing here? She's supposed to sleep with her family that's why I choose the biggest room for​ them. I guess because she's drunk. I carry her to my bed and shit. There's still sand on her legs down to her foot. Urrg! Gonna clean that tomorrow.

Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kong ilang minuto but I just did, I'm proud to myself cause I kissed her again. Well, wala sa plano but I hope nakikita niya ang mga pinapakita ko sa kanya. I heard from Ynes that Cenia wants to stopped liking gentleman​. But I doubt it, I can see it in her eyes, it sparkles when I looked at her. Pero hindi parin ako kampante dahil sabi pa ni Ynes, Man hater na daw siya simula ng last break up niya recently lang.

I won't deny it. I like her, not just because she's pretty. It's because she's funny and I love the feeling when she argued with me and also pag binabara niya ako. I like teasing her to get her attention.

I just like her... I don't know why. I just did. Meron sa parte ko na nasaktan nang makita siya na umiiyak sa harap ko begging to come home to see her father. A side of me lit up think that I wanna meet her parents who raise such a funny and mean woman named Cenia. I can't stop think 'bout her.

"Hhmmm." Ungol niya. Suot parin niya ang pinanligo niya kanina. Damn this woman! Sinabihan ko siya na she's not sexy and god knows the truth. I wanna tease her. You know, to gain her attention.

"Oh my god, I'm very sorry Celix." Rinig kong boses kaya lumingon ako at nakita si Ynes papalapit.

"Nah it's ​nothing really. Let her sleep. Pinainom mo talaga siya at ito ang resulta, patay sa alak." And my words leave a smile on myself. Nasa kabila naman ng kama ni Ynes nakatayo at tinitigan ang kaibigan niyang patay sa tulog.

"Hindi ah, makabintang ka naman. Ininom niya ng kusa matapos ang kissing scene nyo. Gulat nga ako eh, iba din effect mo teh, napaka pak!" At natawa kaming dalawa kaya umungol naman si Cenia na naingayan siguro. I knew it, I have the effect.

"Gaga talaga, ang dumi ng katawan,daming buhangin." Napansin din niya pala.

"Sige Celix, matutulog narin ako ha? Kaw na bahala sa pinsan ko nayan. Wag maharot." Sabi niya habang lumalakad palabas. Sinara ko nalang ang pinto at kinumotan na siya. Firat time na sa lapag ako matutulog, wala naman kasing sofa dito.

Cenia's Point Of View

"Aaaaaaaaaaahhhhh! Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Bulyaw ko ng makita siya na natutulog sa tabi ko at naka smile pa ang loko. Dahan-dahan naman na dinilat niya ang mata niya. At nakatayo lang ako habang dala ang kumot na tinakip sa katawan ko. Masama naman amg tingin na pinupokol ko sa kanya. Lapastangan ang lalaking 'to! Bastos talaga KAHIT KAILAN! Arrg! Kahit magkaibigan na kami siguro, wala siyang karapatan na ganituhin ako! Nakakagigil talaga siya!

"Excuse me?"

Aba!

•°•°•°•°•°•

Vote and comment loves😘💕

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now