Stranded

1.7K 32 5
                                    

Nakababa na kami sa eroplano at kasalukuyan kaming nakasakay sa isang taxi para magpahatid sa bangkaan papuntang isla Binita. Tumigil na ang taxi at agad na bumaba ako ng makita ko sa di kalayuan ang pinaka kilalang bangkero dito. Siya si Tatang Chulo.

"Tatang Chulo!!" Malakas na sigaw ko at tuwang-tuwa na kumakaway sa kanya. Nalito naman siya kong saan galing ang tumatawag at nang makita ako ay agad na sumilay ang malawak na ngiti niya sa kanyang mukha. Agad na sinalubong niya ako at niyakap siya ng tuwang-tuwa​.

"Cenia, mabuti at nakabisita kana dito. Ang akala ko eh hindi kana babalik pa." Maluwang na ngumiti ako at tumayo na ng maayos.

"Pwede ba 'yon tang."

"Kasama mo ba iyon hija?" Napalingon naman ako sa tinitignan niya. "Ahh, siya po ba? Boss ko po siya tang, sinamahan lang ako." Kinawayan naman siya ni tatang at tumango lang siya.

"Medyo estrikto hija, b'weno. Ang sabi mo ba ay uuwi ka sa isla Binita?" Mabilis na tumango naman ako.

"Pasensya na Cenia anak, hindi pwede magpalaut ngayon ang lahat ng bangka dahil mayroo'ng paparating na bagyo at mukhang uulan pa ngayon." Inangat ko naman ang tingin ko para matignan ang langit.

"Kaya pala biglang umambon kani tang. Pero tang kong pupwede po sana kaming tumuloy muna sa bahay nyo po?"

"Abay Oo naman, sigurado akong matutuwa ang asawa ko dahil nagbalik kana."

----

Bumuhos na nga ang malakas na ulan.

"Pasensya na kayo sa munting bahay ko Cenia at Sir Celix, eh gipit tayo at ito lang ang nakayanan. Nga pala ito ang magiging kwarto nyo, isa lang ang kwarto namin at bisita kayo kaya dapat na komportable kayo." Maliit ang kwarto may isang higaan at may isang drawer pero ang maganda ay napakalinis ng buong kwarto.

"Maraming salamat po tatang, siguro pwede naman na pumalaot na bukas di po ba?"

"Oo hija. Sige maiwan ko muna kayo at ikukuha ko kayo ng malinis na unan at kumot." Umalis na si tatang at naiwan na kaming dalawa, pumasok na ako at nilapag ang bag ko sa kama. Humiga ako at pumikit.

"Kapagod." Na feel ko naman na umupo siya sa gilid ko kaya umayos ako ng upo.

"Pasensya kana ha, kasi hindi ko naman inaasahan na uulan pala ngayon at alam ko naman na hindi ka komportable dito, pwede ka namang matulog sa isang hotel may malapit lang dito. Naisip ko lang kasi na hindi ka sanay na matulog sa ganito." Nakatingin lang siya saakin habang nagsasalita ako.

"It's okey, isang gabi lang naman."

"Salamat pero wag kang magalala sa lapag naman ako matutulog ikaw na sa kama. At tsaka wala ring kuryente dito so pasensya talaga." Sinasabi ko lang naman to kasi alam kong hindi sanay sa hirap ang taong to, kitang kita sa itsura,katawan at balat niya.

"Sige." Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina nila kong saan nagluluto ng hapunan si Manang Cesil.

"Bango ah, hindi ka parin kumukupas sa pagluto ng adobong isda manang eh." Si tatang kasi minsan noon kong wala masyadong pasahero nangingisda siya. Nakilala ko silang mag-asawa dahil malapit sila ni nanay at tatay at wala silang anak kaya ako ang parang tinuturing nilang anak nila.

"Mambobola." Natatawang sambit niya.

" 'di ah." Binigay naman niya saakin ang kutsara para ipatikim ang niluluto niya na ginawa ko naman.

"Sabi na eh! Walang kupas manang Cesil, THE BEST!"

"Oh siya sige, magpahinga ka muna dahil alam ko na pagod ka, nandyan nga pala ang unan at kumot. Hindi na naihatid ni Chulo dahil sinalubong ang kararating lang na mangingisda para may pang ulam tayo bukas ng maaga." Si tatang talaga nag-abala pa eh! Singkwentay singko pero matyaga parin. Nakakabilib talaga.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now