Brat moppet

2.1K 48 2
                                    

"my conditions.."

"Kondisyon mo? Aba matindi, para saan naman eh babantayan ko lang naman ang George na sinasabi mo, bakit maypa ganyan-ganyan pa?" Inaantok na tinignan niya ako.

"Just sign it, so that I can leave." Bumontong hininga nalang ako at kinuha ang folder tsaka ballpen.

Para masigurado ay binasa ko'to at halos tungkol lang to sa pagaalaga ko sa bata, wag pabayaan, pakainin sa tamang oras, yong mga ganon. At pinirmahan ko na.

"Oh ayan.." kinuha niya naman at tumayo na sabay labas. Aba! Bastos nga! Ganun lang 'yon?

Ah basta, ang importante may ipambabayad na ako para sa opera ni tatay. Tatawag nalang ako bukas at kukumustahin ko sila. At kakausapin ko pa ng masinsinan si Ynes sa nangyari sa kanya. Sa ngayon, kailangan niya muna ng pahinga. At kailangan ko narin ng pahinga.

Sobra ang pagaalala ko pero nasa harap ko na pala ang kasagutan at kusa ng lumalapit saakin ang pagkakataon. Bukas ako magsisimula at dapat ihanda ko ang sarili ko. Pero sa tingin ko madali lang ang trabaho ko dahil bata lang naman, so easy to deal with. Magpapasa lang ako ng resignation letter bukas pag may oras.

---

Kagigising ko lang at natagpuan si Ynes na nagluluto sa kusina.

"Insan." Kuha ko ng atensyon at nginitin niya naman ako.

"Goodmorning insan, have a seat, mag-agahan na tayo, maaga kapa sa trabaho mo diba?" Umupo ako habang nakatingin parin sa kanya.

"Fake..." Mabilis na tumingin siya saakin at alam na niya kong ano ang ibig kong sabihin.

"Magkwento ka, wala akong pakialam kong masakit gusto kong malaman ang buong ditalye." Bumuntong hininga naman siya at umupo sa kaharap na upuan.

"I saw him.. with...with s-some, woman and...and... I saw it from my own eyes they are...they..."

"Kissing." Patuloy ko dahil parang hindi niya masabi ang salitang 'yon.

"Tama. And to tell you Ce, hindi man lang niya ako hinabol o kaya naman nagpaliwanag siya. Wala, wala siyang pakialam, this things is just a joke, everything is a joke.." mahinang sabi niya.

"Malay mo, dadating siya dito tapos hihingi siya ng tawad sayo, at baka naman hindi ka niya nakita nong araw na 'yon?" Mabilis na umiling siya at tumayo.

"Nope. He saw me Ce, trust me. Hindi ko na hihintayin na siya pa ang pumunta dito, we have to end this- no wait, I have to end this foolishness of mine." Nag walk-out siya at iniwan ako. Galit siya, sobrang galit.

Beepbeep

From Enzo:

Need your help Ce, please, gusto kong pumunta sa kanya kagabi pa pero merong nagbabantay sa labas ng boarding house niya, I think its his dad's bodyguards. Please, help me, I don't want to be like this, I have explanations.

To Enzo:

Galit siya enzo, sobrang galit, hindi naman kita tinatakot pero pupuntahan ka niya dahil makikipaghiwalay na siya sayo, if you wanna win her back, then work for it.

Madami akong problema, dadagdag pa 'tong dalawa. Jusko naman maawa kayo saakin. Tumayo na ako at pinagpatuloy ang pagluto ng bacon dahil iniwan 'to ni Ynes na hindi pa tapos. Dami kasing drama! Hayst!

Habang nagluluto ng agahan ay nagbabasa ako ng libro sabay nagkakape narin. I'm a fan of pocket books specially romance at gaya sa libro gusto ko na makahanap ng mr right para saakin at makasama ko forever but this life is full of heartless, ruthless, bastards and jerk's. Woh! Kapagod!

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now