The Unknown

1.7K 38 0
                                    

Masama akong nakatingin sa kanya at hindi ko inalis ang titig na'yon dahil naiinis ako sa kanya. Kanina pa tumatakbo ang kotse at hindi parin kami tumitigil.

"Death glaring to murder me." Umirap naman ako at tumingin nalang sa labas ng bintana.

At sa wakas​ tumigil narin ang kotse. Hindi niya ba alam na inaantok na ako, kanina pa ako hikab ng hikab at sinasadya ko talaga para malaman niya.

"Bumaba ka." Utos ng mahal na hari kaya padabog na bumaba ako at napaawang ang labi ko. Wooooow! Astig!

"Nagustuhan mo?" Binawi ko naman ang tuwa sa mukha ko at sumeryoso.

"Ano naman to?" Nasa gilid kami ng dagat pero ang kaibahan lang ay madaming ilaw, iba't ibang kulay at napaka ganda sobra.

"Peace offering I guess?" May peace offering pang nalalaman. Hindi ko alam kong maiilang ako o ano dahil kanina lang nagsisigawan kami at kanina lang din nag confess siya ng nararamdaman niya saakin at ngayon kong kausapin niya ako parang wala lang nangyari kanina.

"Hindi naman na kailangan 'to, tinanong mo ako diba kong ano ang gusto kong gawin mo?" Saakin na nakatuon ang pansin niya at hinihintay ang mga sasabihin ko.

"Wag mo nang ipagpatuloy. Sinabi mo nga kanina na man hater ako at hindi na mababago yon, ng kahit na sino." Minasdan ko ang magiging reaksyon niya at mali ang naiisip kong titigil nga siya dahil sa etsura niya ngayon ay mukhang porsigido pa siya.

"Naalala mo ba nong una tayong nagkita?" Tumamgo ako at Natawa naman ako sa isip ko. Yon yong unang pagkikita namin na nanakawan ako at ang nakakahiya pa bibigyan ko pa siya mg fifty pesos at napagkamalan ko siyang magnanakaw dahil kapariha niya yong jacket ng magnanakaw at nasaksak siya non.

"Tinulungan kita pero napagkamalan mo ako, what did shock me is you didn't take photo of me. Palagi kasi tuwing may nakakakilala saakin nag papa picture hanggang sa dinudumog ako pero you, you just look at me na parang wala lang. And I find that cute tough I can see that you're crying. Alam mo ba na binalikan kita sa ospital matapos mo akong sundan pero wala kana don. Swerte naman at nahulog mo ang ID mo na napulot ng kaibigan kong doktor kaya binalik ko, gusto ko lang talagang malaman kong saan ka nakatira and I succeed." Napangiti naman ako sa kwento niya.

"Pero hindi pa kita gusto non I am just amuse by you."

"At ng tumagal gusto mo na ako pero pinahirapan mo parin ako at iniinis ganon ba?" Napakamot naman siya sa batok niya na parang nahihiya.

"Well, ginawa ko yon dahil ayokong paniwalain ang sarili ko na nagkakagusto na ako sayo pero wala eh." Pabirong inismiran ko naman siya.

"Like pa naman yan eh, may chance pa na mawala yan. Maniwala ka wala kang mapapala saakin dahil sa nalaman mo naman iniwan ako. Haist! Tama na nga 'to basta yon na yon." Umiling naman siya at makapamulsa lang na nakatingin saakin.

"Hindi. It's growing Cenia and you know that you can't stop this kind of feeling." Napalunok naman ako sa paraan ng pagtitig niya at ang pagtaas ng gilid ng labi niya, para bang sigurado siya sa lahat ng sinasabi niya.

"Aaminin ko na natutuwa ako dahil ikaw, isang katulad mo ang nagkakagusto sa isang katulad ko lang at ako yong tao na hindi nga babagay sa mundo mo. Wala akong pinag-aralan Celix,mahirap lang ako. Wala akong maipagmamayabang sa mga taong malapit sayo at baka pandirihan pa ako ng mga sandamakmak na fans mo." Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa sarili mo Cenia? Hindi mo kailangan makatapos ng pagaaral para magustuhan ko at lalong wala akong pakialam kong saang bangketa o imburnal kapa nakatira ang gusto ko IKAW. Hindi mo kailangan magmayabang para magustuhan ng iba, ng mga kilala ko dahil wala akong pakialam sa kanila kong hindi ka nila gusto. Magkaroon ka naman ng tiwala sa sarili mo." Ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit lahat ng sinabi niya ay tama. Walang mali. Lahat tama. At tama siya,bakit hindi ko pagkatiwalaan ang sarili ko? Pero hindi ko na pala dapat isipin ang sagot dahil alam ko na.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now