Ratify the deal

2.2K 51 2
                                    

" bakit? Anong nangyari kay tatay?" Napaupo ako at nagdadagundong ngayon ang puso ko. Please lord, sana naman walang masamang nangyari kay tatay. Maawa po kayo, yoko pa pong mawalan ng ama, please wag muna ngayon.

"Dinala namin siya sa ospital ate, bigla siya'ng inatake sa puso... Ang sabi naman ng doktor na kailangan na siya operahan bago pa lumala ang sakit niya..."

Operahan?

Tumulo naman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Opera? Malaking gastusin 'yun at... At saan ko naman kukunin ang ganon kalaking pera? Hindi. Dapat isipin ko muna na maging okey si tatay tsaka ko na 'yon poproblemahin.

"Kamusta na ngayon ang tatay? At nasaan si nanay?" Pinigilan ko ang mga hikbi ko para hindi ako marinig ng kapatid ko, nararamdaman kong kagagaling lang niya sa pag-iyak. Kailangan kong maging matatag. Para sa kanila.

"Nasa emergency room si tatay ate si nanay naman pinatulog muna namin dahil ayaw niya pong tumigil sa pag-iyak kanina, pagod na pagod narin siya kaya pinahinga na namin..."

"O sige, makinig ka Ced, bukas magpapadala ako ng pera, magpasama ka kay tiya bella, pakisabi kay nanay na ipa-opera si tatay, sabihin mo ako na bahala sa lahat ang importante mapa-opera si tatay,... Magpahinga kana, goodnight bunso." Nagpaalam narin siya at binaba ko na ang tawag.

At do'n bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Dumating na nga ang kinakatakutan ko. Alam kong hindi panghabang buhay mong makakasama ang nanay at tatay pero hindi pa ako handa, sobra, hindi pa talaga.

Kailangan ko munang masigurado na magpapa-opera si tatay. Kong poproblemahin nila ang bill sa ospital, ako na ang bahala do'n. Maghahanap ako ng paraan. May kunti naman akong naitabi in case of emergency, ipapadala ko nalang 'yon bukas na bukas.

Pero kukulangin 'yon, hindi pa nga nangangalahati 'yon eh. Susubukan kong makahirap sa co-workers ko, kay insan. I'm sure magpapahiram 'yon.

--

Maaga akong nagising or to be exact hindi ako natulog at bumangon nalang. Hindi ko napansing umuwi si Ynes kagabi at wala din siya sa kama niya. Ano kaya ang nangyari don?

"Insan! Anong nangyari? Bakit lasing ka?" Agad na tumakbo ako palapit sa kanya at inalalayan siya.

"Insan-*hik* nangyari? Ha ha ha, w-wala naman-*hik*" at nakatulog na siya.

"Maaaaax, tulong naman oh. Dalhin natin to sa kama ko." Sabi ko at binuhat namin siya.

"Ang bigat ni ate Nes, 'no bang kinakain nito?" Reklamo niya. Mabigat nga siya lalo na't mga kawayan ang umaalalay​ sa kanya.

"Salamat Max..." Nginitian niya ako at lumabas na siya ng kwarto. Napakagandang bata.

"Ynes, Ynes, ano na naman 'tong pinaggagawa mo? Nasaan na ang fiance mo at pinabayaan kang ganito?" Inayos ko ang unan at tinanggal ang sapatos niya. Kumuha naman ako ng basang towel at nilinis ang mukha at kamay niya.

Ang baho ng alak! Eh sa pagkakaalam ko hindi naman to marunong uminom. Huling uminom to nong naghiwalay sila ni Jb ang three years boyfriend niya- teka?

Hindi kaya?

Hindi.

Sana mali ako!

Nag-iwan ako mg note katabi ng tubig at gamot na iniwan para sa paggising niya.

Hindi ko alam kong ano ang nangyari, pero maguusap tayo mamaya- Cenia

P.S. uminom ka ng gamot.

Pumasok na ako sa restau at late ako. First time, natagalan kasi ako kay Ynes,binihisan ko pa 'yon. Yoko namang magulog yun na mabaho at magulo.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now