Arrival

1.6K 40 1
                                    

Natatanaw ko na isla mula dito sa kinatatayuan ko at natutuwa ako dahil kunti nalang makikita ko na ang pamilya ko. Nang namatay na ang makina ay hiwatig na kunting tulak nalang ng alon at makakatapak na ako sa isla. Gusto kong sumigaw.

Inalalayan naman ako ni Tang Chulo para makababa.
"Waaaaaah! Nakabalik na ako! Wohooo!" Tumatalong sigaw ko kaya ramdam kong nakatingin saakin ang mga tao.

"Pasensya." Naka peace sign kong sabi at tumakbo na papuntang kalsada. Walang taxi dito at motorsiklo lang ang meron. Ay! Nakalimutan kong magpaalam kay Tatang. Bumalik naman ako para magpaalam.

"Tang, ingat po kayo sa pagbalik ha. Salamat sa pagpapatuloy sa bahay nyo po."

"Wala 'yon anak. Sige at ako'y tutuloy na." Kumaway naman ako hanggang sa makalayo na siya.

"Hoy gamit mo! You're not a queen para bitbitin ko yang gamit mo." Arte talaga.

"Wala naman akong sinabi ah." Nakabusangot kong sabi at naglakad na kami papuntang kalsada para maghintay ng motorsiklo. Mabilis na kumaway-kaway ako ng makakita ng motorsiklo na papalapit.

"Walang taxi dito?"

"Wala. Mageenjoy ka dito promise, fresh air pa." Nilagay ko na ang mga gamit sa motor at sumakay na at ang kasama ko ay parang nagdadalawang isip pa.

"Hali kana!" At sa wakas ay sumakay narin siya. Sobrang na miss ko ang hangin sa isla na'to napakamaaliwalas at sobrang tahimik ng lugar.

"Wag kang magalala Celix dahil ipapasyal kita sa mga springs at falls dito tsaka beaches. Pwede rin sa bukirin namin kong gusto mong mag hiking, kong gusto mo lang naman." Nakangiting kausap ko sa kanya at nararamdaman ko na nakatingin siya saakin kaya naman nilingon ko siya.

"Sorry, ganito talaga ako pag nakatapak ako dito. Masaya lang, excited at walang problema." At sa pagkakataong ito nakita ko ang totoong ngiti niya saakin.

"It's okey. Basta ba, ipapasyal mo ako."

"Oo naman."

Fifteen minutes lang ang byahe at nasa tapat na kami ng bahay namin. Pinigilan kong tumili sa tuwa, alam kong nandyan sina tatay at nanay kasama ang mga kapatid ko. Si Ynes lang kasi ang pinaalam ko na uuwi ako kasama si Celix, at nakalabas na si tatay sa ospital kahapon daw at ang sabi naman ni tatay para daw hindi na lumali ang bayarin. Si tatay talaga. Ayoko namang maging bastos kaya tumingin ako kay Celix na sinasabing 'tara na'.

"Go. I'll follow." At hindi na ako nagaksaya pa ng panahon at tumakbo na sa bahay. Ang bahay namin ay may dalawang palapag pero gawa sa matitibay na kahoy. Habang papatakbo ako ay nakita na ako ni Ynes pero nilagay ko ang hintuturo ko sa labi, at pati rin siya ay natuwa at excited. Hindi kasi nila alam na uuwi ako.

"Kahapon pa kita hinintay gaga." Salubong niya saakin at nagyakapan kaming dalawa. "At kasama mo pa ang hot na boss mo oh, sabi ko naman sayo may darating eh." Dugtong niya pa at humiwalay na sa yakap.

"Boss ko lang siya wala ng iba-"

"Ynes hija, sino ang kausap mo dyan?" Rinig kong boses ni nanay at dumungaw sa bintana kong saan nakita niya ako.

"Surprise nay!" naiwan namang gulat ang nanay ko at don ko narinig ang pag takbuhan ng mga kapatid ko.

"ATEEEEEEE CENIAAAA!"

Sabay-sabay na niyakap ko silang tatlo at panghuli naman si nanay na sobrang higpit akong niyakap. "Anak.." naiiyak na sambit niya.

"Nay naman, wag kang umiyak nay, dinadamay mo ako Waaaaaah!" Papaiyak na sabi ko at natawa lang ng kunti si nanay sa kabaliwan ko at niyakap ko siya ulit.

"Sino yong gwapo na papalapit dito nak?" Grabe si mother eh, napansin pa talaga eh! Iba din.

"Boss ko nay, marami akong e kukwento sayo, tara muna sa taas. At Ced! Tulungan mo nga si Celix." Tumangi naman ang kapatid ko at nilapitan siya at tinulungan. Nasabi rin saakin ni Ynes na umuwi na ang mommy at daddy niya dahil may business pa na aasikasuhin kaya wala na sila ngayon dito.

"Nagpapahinga ang tatay mo ngayon, ayaw magpaawat kahapon gusto daw pumunta sa bukid nong nagalit ako tsaka pa tumigil." Pasaway talaga si tatay.

"Kumusta hijo, masaya ako at may bisita kami na sobrang gwapo, nobyo ka ba ng anak ko ha hijo?" Sinamaan ko naman ng tingin si Ynes na nagpipigil ng tawa sa likod ni nanay. Nilapag naman ni Celix ang dala namin sa mesa kong nasaan kami nakatayo.

"Ay nagkakamali kayo nay, sinamahan po niya ako dito para makauwi at meron ding gagawing medical mission ang mommy niya dito sa isla, eh na kwento ko rin po ang kalagayan ni tatay at handa daw po silang tumulong na hindi ko naman po tinanggihan." Maluwang na bumuntong hininga si nanay at pinagdikit ang palad.

"Maraming salamat pala kong ganoon hijo, maswerte ang anak ko dahil nobyo ka nya." Wala na. Wala na akong mukhang ihaharap kay Celix, si nanay naman kasi.

"Nay! Hindi-"

"Wala po 'yon maam." Pinalo naman siya ni nanay ng mahina sa balikat. Pabebe din 'tong si nanay eh.

"Nanay nalang anak, wag nang Maam dahil hindi naman ako mayaman." Muntik ko nang mabato si Ynes dahil binubwesit ako at tinatawanan dahil sa mga pinagsasabi ni nanay.

"Tama nayan nay, magluto nalang tayo ng tanghalian natin at ituturo ko lang muna ang kwarto ni Celix." Tinignan ko naman siya like 'hali kana look'. Nag excuse lang siya kay nanay​ at lumakad na kami papunta sa magiging kwarto niya. Binuksan ko naman ang lock at tinulak na ang pinto.

"Pasensya kana kay nanay ah, nga pala ito ang magiging kwarto mo." Pinanuod ko naman siya habang sinuyod ng tingin niya ang kwarto at dumapo ang tingin niya sa picture frame na agad ko naman na tinumba.

"Hehehe, a-ano kwarto ko'to pero ikaw muna ang gumamit dahil bisita ka naman at minsan kalang naman dito." Tumango lang siya at lumakad na sa kama na pang isahan lang.

"Okey." Lumakad na ako palabas pero bumalik din at yong ulo ko lang ang nakadungaw.

"Kong gusto mong komportable talaga, merong malapit na resort dito at may rooms sila na siguradong magugustuhan mo." Kumaway siya na pinapaalis ako. Ayaw daw eh! Sinarado ko na at pumunta kay nanay at Ynes na abala sa pagluluto.

"Anong maitutulong ko nay?"

"Wala. Samahan mo nalang yoong bisita para magkalapit kayo." At nahuli ko si Ynes na nagpipigil ng ngiti. Naku naku talaga! Kong ano ano ang sinasabi kay nanay ng babaeng to. Kinuha ko ang sachet ng ketchup at binato sa pinsan ko.

"Aray! Wala naman akong kasalanan ah." Himas ng ulo niyang sabi saakin at pinantaasan ko siya ng kilay.

"Kita mo'to wala pa akong binibintang tumatanggi kana. Guilty." At tawa lang nila ni nanay ang narinig ko at tinawag ko naman ang tatlo kong kapatid.

"Bakit ate?" Sabay-sabay na sambit nilang tatlo at tumayo sa harap ko. Ilang segundo pa ay hindi ako kumibo. "Yakap nga dyan." Gaya nang sinabi ko ay ginawa nga nila. "Ateee, ipit po ako." Reklamo ni Kel na pinagigitnaan ng dalawang lalaki.

"Sorry, nga pala nakita nyo na ang pasalubong ko sa inyo?" Umiling naman sila kaya tumayo ako at kinuha ang mga pasalubong nila at tuwang-tuwa naman ang mga kapatid ko.

"Salamat ate!" At nagsitakbuhan na sila dahil sa excitement na buksan ang regalo nila.

"Ling-ling?"

Isang tao lang ang tumatawag saakin niyan. Tinignan ko naman kong saan nagsimula ang boses.

"Tay...."

•°•°•°•°•

Vote and comment 😘💕

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now