Hidden Jealousy

1.5K 39 2
                                    

Maaga kaming lahat nagising dahil nag plano sila kahapon na agahan daw namin pamamasyal sa Binita para sulit ang araw na nandito sila.

"Ready na lahat?" Dahil ako ang medyo bata na sobrang nakakaalam sa Isla Binita ay ako ang nagsilbing tour guide ng lahat. Nasa iisang Van silang lahat habang ako naka motor para ako ang sundan ni Celix na nagmamaniho ng Van.

"Ready na! Lets go!" Sabi nila kaya tinignan ko naman si Celix sa salamin na nakatingin saakin. Katabi niya yong magandang doktor. Tinanguan ko naman siya at sinara na ang van. Sinuot ko na ang helmet at pinaandar na ang motor.

Sa araw na'to dadalhin ko sila sa isang kilalang animal park. Minsan narin akong nakapunta sa park nayon dahil sinasama kami ng mga kapatid ko ng Mommy ni Ynes para mamasyal. Mga fifteen minutes ang byahe papunta doon.

Pagkatapos ng mission kagabi ay nagtulungan kaming magligpit. Hindi niya ako kinausap,kinibo,pinansin at lalong hindi niya ako nilapitan. Nahahalata ko naman na lumalayo na siya at dumididtansya na saakin. Siguro nagsawa na siya. Mabuti nga eh para hindi na ako mahirapan na itaboy siya. Hindi nga ako nahihirapang itaboy siya pero ako ang nahihirapan sa pag iwas niya.

Huminto na ako at pinarada sa gilid ang motor. Hinintay ko naman na makababa sila at napatingin ako sa unahan ng van. Tumikhim naman ako at inalis ang tingin ko sa kanya, lumakad ako palapit sa kanila na nagbabaan sa van.

"Tara."

Giniya ko na sila papasok sa park. Hinayaan ko silang maghiwahiwalay at magkikita nalang kami sa labas ng park.

"Sige, mag enjoy ka." Huling sabi ko at umalis na sila. Pinanood ko naman ang papalayong pigura niya kasama ang pamilya niya at ang magandang doktor na nakakapit sa kanya. Natawa naman ako ng mahina at yumuko. Gaga talaga ako kahit kailan! Hindi na natoto!

"Nandito lang ako nay, sige na, mamasyal na kayo." Umalis naman na sila kasama ang mga kapatid ko. Lumapit naman saakin si Baby na kakadating lang siguro. Hindi kasi sila sumabay at nag motor lang ng girlfriend niya.

"Nasan sila?" Bumusangot naman ako.

"Ang daya, bakit yong wala lagi ang hinahanap puwede naman yong nandito lang sa harap mo ah!" He pat my head like I'm a dog at ngumisi pa siya.

"Syempre,pano naman kita hahanapin eh nandito kana." Tumawa nalang ako sa sagot niya. May babae naman na papalapit saamin.

"Ahm, Cenia, I want you to meet my soon to be girlfriend. Vannesa." Pakilala niya at kinamayan ko naman siya.

"Soon to be? Hina mo. Anyway,hi Vanessa. Ingat ka dyan sa bestfriend ko,manloloko yan." Tumatawang tumatakbo ako palayo sa kanila bago pa ako batokan ni Baby. "Mag enjoy kayo!" Habol kong sabi at tumigil na sa pagtakbo. Kumaway lang sila.

"Excuse me?" Nanlaki naman ang mata ko pero agad na binawi ang pagkagulat ko sa taong nasa harapan ko.

"Ahm. Bakit?" Ngumiti naman siya saakin.

"Cenia right? Ako nga pala si Mitch. Itatanong ko lang sana kong nakita mo ba si Love?"

"Love?"

"Ah! What I mean is Celix, nakita mo siya." Tawagan pala nila yon, akala ko naman kong sinong love siya lang pala. Napakaganda niya tuwing ngumingiti siya at lumiliit ang mata niya tsaka nalalabas ang mapuputi niyang ngipin,makinis ang mukha niya at maputi na mukhang kinatatakutang tubuan ng pimples. She is perfect. So perfect for him. Match made in heaven.

"Hindi eh. Akala ko magkasama kayo?" Umiling naman siya.

"Wag kang magalala kong mahanap-"

"Oh! He's there. Thank you Cenia." Pinanood ko naman siya na tumatakbo palapit kay Celix na nakangiti sa kanya. Ilang oras palang kaming hindi naguusap pero na mi-miss ko na ang boses niya, lalo na ang ngiti niya. Nakakaingit dahil hindi na ako ang magiging rason sa mga ngiting yon. Nanlaki naman ang mata ko ng maglapit ang mukha nila kaya tumalikod na ako para hindi ko sila makita.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now