a little bit information

1.9K 37 1
                                    

Maaga akong nagising para magluto at bigyan ng soup si George at para painumin narin mg mga vitamins niya. Napaigtad naman ako ng may umingay sa likod ko habang nagluluto.

"Kape nga." Maka demand naman 'to! Pasalamat siya hindi ko siya mabigwasan kagabi. Pabagsak na nilapag ko ang mug sa harap niya saka nilagyan ng mainit na tubig at ibubuhos ko sa kanya syempre charot lang. May kunting awa naman ako. Bastos kasi kahit umaga, kahit kailan kamu.

"Mahal ang mug nayan." Ngumiti naman ako ng matamis sakanya.

"Talaga? Tinatanong ko?" Binigay ko na ang kape niya at bumalik sa niluluto kong sinangag.

"Ang payat mo pala no?" Agad na umikot ako para tarayan siya. At kailan niya pa tinititigan ang katawan ko?

"Alam ko."

"At para kang tinik ng isda." Pagkatapos non ay umalis na ito dala-dala ang kape niya.

At nang-asar pa talaga siya! Grr!

Kagabi parang santo kong makangiti saakin akala mo naman anghel siya na bumaba sa langit.

At nahulog ka naman? Ganon ba Cenia?

Kong pwede lang sigurong bugbugin ang isip kanina ko pa nagawa no. Ang isip ko may sariling isip din eh, nagsasalita nalang bigla.

Hinanda ko nalang sa tray ang soup ni George at binitbit 'yon sa taas.

"After mong pakainin ang bata nilisin mo kwarto ko." At nagmamadaling bumaba siya ng hagdanan dala ang susi ng kotse. Magkikita siguro ng mga baby girls niya. At pakialam ko ba sakanya?

Tanggi lang Cenia, aasinso ka nyan. Good jod Cenia, good job.

Mabuti nalang at may dala akong tray kong hindi inuntog ko na ang ulo ko.

Pinakain ko na ang bata at pinainom ng gamot.

"No play muna ngayon okey? Pahinga kalang para agad na gumaling kana." Paalala ko sa kanya at tinitigan niya lang ako.

"Bakit? May kailangan ka pa?" Tumango naman siya ng dahan-dahan agad naman na nakuha ko ang punto niya. Pagbigyan ko na nga baka sakaling gumaan ang loob.

"Cellphone ko-" at nilabas ko.

"-ibalik mo nalang pag tapos na kayong kagusap ha?" Bumaba na ako para maglinis ng kwarto ng ating mahal na bastos​ na hari.

Hindi ako sanay na hindi tinatarayan ni George pero good news 'yon dahil hindi ko siya mapipilipit sa leeg. At alam ko na pag gumaling ang batang 'yon ay balik na naman sa dati. Habang naglilinis ako ay napahinto ako sa salamin at tinignan ang katawan ko.

Hindi naman tinik ng isda ang katawan ko ah! Curves tawag dito no! Kong makalait naman akala mo naman matcho!

Ahem! Matcho siya Cenia.

Sarap talagang iuntog ang ulo ko paminsan-minsan. Makapaglinis na nga lang. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil yong bed sheet lang ang inayos ko at inayos ang mga magugulong gamit niya sa mesa. Inayos ko naman ang mga labahin na nakalabas na sa basket. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko nang inangat ko ang... brief niya. Naramdaman ko namang uminit ang magkabilang pisngi ko.

"What are you doing?" Nanigas naman ako. Shit. Agad na nilokot ko'to at humarap sa kanya. Akala ko na umalis siya?

"W-wala, n-nag lilinis lang." Sinusubukan niya namang tignan ang nasa likod ko na nakalukot at thankful ako dahil nasa pinto lang siya nakatayo at sigurado akong wala siyang nakita.

"Cleaning. And checking my brief huh?" Uminit bigla ang mga pisngi ko, binuka ang bibig ko ng ilang beses para magsalita pero walang lumabas sa bibig ko.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now