First

1.8K 32 2
                                    

Nagising ako o sabihin na natin na hindi ako natulog dahil sa mga nangyari kagabi. Bumaba na ako ng hagdan pero natigilan ako ng may nakita akong nakatayo sa salas at minamasdan ang paligid.

"Bren?" Nakangiting sambit ko at umikot siya para matignan ako.

"You looked horrible." I laughed.

"Thank you. Love the honesty." Pinigilan ko siya ng yayakapin niya sana ako.

"Mabaho pa ako Bren." Tumatawang sabi ko pero umiling lang siya at niyakap ako ng mahigpit. A brotherly hug.

"Matagal na kitang hindi nakita ah, kamusta kana?" Umupo kami sa couch ng komportable at pinagusapan namin ang little misunderstanding nila ni Rara. Sabi ko na eh! May something something talaga silang​ dalawa noon palang at lahat naman siguro dadaan sa denial moment.

"At bakit naman saakin ka lumapit ha? Love expert ba ako Bren ha?"

"Sort of. Pero Ya,sigi na naman oh. Paano ba?" Bumuntong hininga naman ako. Nakahawak na siya sa dalawang kamay ko na nagmamakaawa, gago talaga haha. Sabay naman kaming napatingin sa hagdan ng may nilalang na bumaba at salubong ang kilay na nakatingin saamin.

"Si Bren nga pala." Napansin ko namang nakatingin siya sa kamay naming magkahawak pero hindi namin inaalis dahil wala lang naman saamin 'yon. Tumango lang siya at dumeretso sa kusina.

Nag ring naman ang phone ni Bren at nagpaalam na hinahanap siya ni Rara na kailangan daw siya.

"You can do this Bren! Goodluck!" Huling hirit ko bago siya lumabas. Tumayo naman ako para puntahan si Celix na may hawak na mug at nakasandal sa sink.

"Good morning." I greeted with a smile pero naka pokerface lang siya. Huminto ako sa harap niya at tinitigan lang siya. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya at hinawakan ang braso niya.

"Goodmorning?" Nag puppy dog eyes naman ako. Tignan ko lang kong may effect sa kanya. Nilapag naman niya ang mug at pinulopot ang mga kamay niya saakin.

"Goodmorning sweety." Pinanlisikan ko naman siya ng mata. Hindi sincere eh.

"Fine. Why the hell are you holding his hands? And why he's here?" Kalmado niyang tanong pero nahahalata ko ang mga inis sa boses niya.

"Magkaibigan lang kami okey.."

"Dyan lahat nagsisimula."

Talaga? Naging magkaibigan ba kami? Parang wala akong natatandaan. Anyway, pinisil ko naman ang dalawang pisngi niya at nag pout siya bigla.

"Anong gusto mong kainin?" Bumitaw naman ako sa kanya ng magbago ang ekpresyon ng mukha niya. Napalitan ng nakapanglolokong ngiti sa mga labi at may pang nanasa ang titig niya.

"Ikaw?"

"Aba basto-"

"Teka, hindi pa ako tapos-" sabi niya sabay lagay ng daliri sa mga labi ko.

"-magsalita, ikaw? Anong gusto mong kainin?" Napahiya ako don ah! I attempted to bite his finger that's on my lip but he move it away.

"Ah ah ah, gutom na ba ang aso ko ha?" Sinuntok ko naman siya pero imbes na lumayo ako sa kanya ay niyakap niya ako at ginulo ang buhok ko na parang aso.

"Biro lang, ako na magluluto para sayo. Just watch." Naglagay siya ng upuan malapit sa kanya para mapanood ko siyang magluto. Habang pinapanood siya, hindi ko naman maiwasan na amoyin siya,ang bango niya kahit hindi pa siya naliligo, sa sobrang bango napapapikit nalang ako. Bakit hindi ako ganito?

"Ahem." Dumilat naman ako at napatingin sa ibang dereksyon ng makita siyang nakatingin saakin.

"Ang bango ng niluluto mo ah, ano yan?" Pagtingin ko naman ay bawang palang ang nakalagay. Pahiya na naman Cenia -_-

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now