oh my gosh!

2K 32 0
                                    

"Sandali lang po mahal na hari." Pumunta na ako sa kusina at gumawa ng tatlong kape at para saakin ang isa. Narinig ko namang nagsisimula na silang mag-usap ng bisita niya. Hindi ko makita ang mukha nong bisita niya kanina kasi nakatalikod sa direksyon ko.

"Gusto kong paimbestigahan mo yan,kailangan ko 'yan within next week."

"Yes sir. As soon as possible ay ibibigay ko sa inyo ang resulta." Yumuko ako at nilapag ko muna ang kape ni bastos tsaka sa bisita niya.

"Salamat-" nanlaki naman ang mata ko, at kagaya ko ay ganoon din siya.

Oh my gosh!

K-kuya?

"K-kuya.." bulong ko. Tinignan naman niya ako like Anong-ginagawa-mo-dito-look.

"Leave. Don't scare my visitor." Tumikhim naman ako at umalis na dala-dala ang tray. Malalagot ako nito. Ang alam niya nasa restaurant ako nagtatrabaho.

"Haist! Ano ng gagawin ko!" Narinig ko namang parang aalis na si kuya.

Sumilip naman ako sa pinto para tignan ang pag-alis ni kuya at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Alam kong maraming katanungan ngayon sa isip ni kuya.

"Maderal! Pack your things also George's things"

Sigurado akong tatawagan ako non mamaya. Ayoko namang malaman niya na dahil lang sa isang kondisyon kaya napunta ako sa trabahong 'to-

"Maderal!"

"Ay Maderal b-bakit? Bakit kaba sumisigaw!? Ang lapit-lapit ko lang eh!" Sigaw ko rin sakanya.

"Narinig mo ba 'yong sinabi ko?" May sinabi ba siya? Wala naman diba?

"Hindi. Ano ba kasi?"

"See? You're not even listening."

"Malamang! Magtatanong ba ako kong narinig ko." Inirapan niya ako at umalis siya. Ang labo niyang kausap.

Ang labo-labo talaga ng mga tao sa mundo ngayon kong tatanongin mo hindi ka naman sasagutin haist!. Kumusta na kaya si tatay ngayon,siguro nakarating na si Ynes at ang magulang niya doon at sana mapapayag nila si tatay. Naku pag yong si tatay hindi pumayag malilintikan takaga 'yon saakin hindi nyo ba alam na mahirao magpalaki ng magulang? Naku!

Yong cellphone ko nga pala, hindi ko na nahawakan yon simula kagabi pa. Isa pa 'yong batang walang galang naku ang hirap ding palakihin.

"George? Gising na. Wake up twinkle guy." Gumalaw lang siya sa kabilang side at iniwasan ako. Haynaku! Ang hirap gisingin. Nakita ko ang keypad ko sa bedside table at kinuha ito. Lowbat! Nakuu!

"Husay ah, gumising kana dyan, maylakad daw tayo sabi nong tao sa kabilang kwarto." Bumangon naman siya at kinusut ang mga mata niya.

"Where are we going?"

"Ewan, maligo kana twinkle guy." Inirapan naman niya ako bago siya tumayo.

"Ugly." Naglakad na siya papunta sa banyo at hindi niya pa sinara.

"Aga-aga nakakabuwisit." Narinig ko namang malakas na binagsak niya ng pinto. Tumakbo naman ako papuntang kwarto para e charge ang cellphone ko. Iniwan ko lang ito para mag impake ng mga damit ni George.

"Ooy tao." Tawag ko sa kanya ng makasalubong siya. He looked at me impassively.

"Chill baby, itatanong ko lang naman kong saan tayo pupunta at ilang araw o dikada tayong mawawala, alam mo yon?" Nagbuntong hininga naman siya ng sobrang lakas at rinig ng mga bulate sa ilalim ng tiyan ko 'yon.

"We'll be gone for a week." Sagot niya at bumaba na ng tuluyan gamit ang hagdanan ^_^.

"T-teka! Saan tayo pupunta?" Hindi na siya lumingon at parang walang narinig. Umirap nalang ako at pumunta sa kwarto ni George. Kinuha ko ang maliit na malita niya na nasa ilalim ng kama at nilapag sa kama.

"Oy George! Anong damit ang dadalhin mo? That human creature there told me that we will be gone for one good week." Nagkibit balikat naman siya at dumeretso sa mga damit niya.

"You choose, my shirts are all good and suitable for me." Pagkatapos niyang magbihis ay nilagay ko na ang mga damit niya at bumaba na ako para maghanda ng agahan para saamin.

"Yaya, can I borrow your cellphone?" Napatigil naman ako sa pagkuha ng itlog sa ref at lumingon sakanya. Tama ba 'yong dinig ko? Can I? Talaga! Oh my gosh! Sign naba 'to lord na magbabago na ang batang 'to?

"Charging process." Sabi ko at tumango naman siya tsaka umalis na. Hindi ako tinarayan? Ay hindi. Umaga pa kasi kaya ganoon, hintayin natin at tatarayan ako non mamaya I swear!

Hinanda ko na ang mga agahan namin. Egg,rice, hotdogs,ham and juice.

"Kong sino ang gustong kumain, kumain lang." Dahil hindi naman kayo baldado para subuan pa. Umakyat naman ako para maghanda at ipag impake ang sarili ko.

Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang mga kakailanganin ko. Hindi na nga pala ako nahirapang lumipat dito dahil kusang dumating yong mga gamit ko. Ang bait din kasi ng pinsan ko minsan at pinag impake ako -_-.

Nag ring naman ang cellphone ko kaya agad na sinagot 'to ng makita ang caller.

"Hello Rara! Napatawag ka? Miss na miss ko na kayo sobraa." Naiiyak na sambit ko at tumawa siya ng bahagya.

"Ang ingay mo talaga kahit kailan, kong hindi ka sana nagpasa ng resignation letter mo sana magkasama pa tayo ngayon.." ramdam ko ang lungkot sa bawat katagang sinasabi niya. Napangiti naman ako pero may halong lungkot.

"Pasensya na ah, alam mo namang hindi ko na makaya ang paguugali ng bruhang babae dyan sa tabi-tabi." Pagtutukoy ko kay Beth at kinatawa niya 'yon.

"Tama ka nga, pag ako nakahanap ng ibang trabaho kagaya mo ay lalayas talaga ako dito." O_O alam niya?

"Anong pinagsasabi mo dyan Rara?"

"Alam ko no, I mean, alam namin. Ikaw naku isa ka ring bruha. Hindi mo naman sinabi na close pala kayo ng owner ng restaurant." Alam nila? At owner?

"Sinong owner ang sinasabi mo?" Hindi ko pa naman nakikilala ang mayari ng restaurant dahil sabi ni Ms. Counter dadating daw nong araw na natapunan ko ng kape si bastos pero hindi ko naman nakilala.

"Si Mr. Villarata. Palagi mo nga siyang kausap tuwing dumadating siya,nakakatampo ka bes ha,hindi kana nagsasabi saakin." Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Wala naman akong kilalang Villarata

"Ewan ko sayo, hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi mo." Kinuha ko ang tuwalya ko para makaligo na.

"Idulas ko kaya si Beth para pag tinawag ako ni Mr. Chung mag e-english din ako, tumatalab din pala 'yon. Pero alam mo ang cool mo non, kong hindi kita kilala pagkakamalan kitang amerikana ang galing mo eh." Baliw din 'to minsan eh. Wala siguro tong magawa sa buhay at ako ang ginugolo.

"Alam mo namang ganon ako magalit, charot! Teka nga? May problema ka ba?" Ayon! Huli! Tumahimik eh!

"Wala no! Bakit naman ako magkakaproblema? Wala akong problema no!" Tumaas naman ang kanang kilay ko.

"Baliw lang ang walang problem Ra alam mo 'yan." Tumawa naman siya ng mahina.

"Oo nga no?"

"Oo. So ano nga?" Tukoy ko sa problema niya dahil bigla-bigla nalang tumawag.

"Wala nga, naiinis lang ako kay Beth dahil napakamahadira! Ang sarap kurotin ng nail cutter." Napatawa naman ako. Kaibigan ko nga siya.

"Kahit inis na inis ka na sakanya wag mo siyang patulan, dahil sabi nga nila be kind​ to animals." Narinig ko naman siyang pumalakpak.

"Bravo! Tumpak! Alam mo miss ko na yang mga linya mong ganyan. Pasyal ka naman sa restaurant kahit minsan." Napangiti naman ako.

"Oo ba. Sige at may gagawin pa ako, ingat." Nagpaalam narin siya at nilapag ko na ang keypad ko sa kama at dumeretso ng banyo.

"Maderal! Be quick!" Ayon! Mahaba na naman ang araw na 'to.

•°•°•°•

Whatcha think loves?😘 Please leave vote and comments lovelots😍

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now