Trouble

1.5K 39 0
                                    

Mabilis naman na tinungo namin ang lugar kong saan nakikipag away si Celix.

"Gago ka pala eh! Nilalandi mo ang girlfriend kong gago ka!" Martin? Siya ang kilalang basagolero dito sa Binita at marami na siyang record sa police station dahil palaging siya ang nasusumbong at siya din naman nagsisimula ng gulo. Yong girlfriend na sinasabi niya ay si Maria na nakatayo lang sa di kalayuan.

Sumuntok si Martin pero nailagan ni Celix na mukhang kinagalit niya. "Fuck you." Sinuntok niya si Martin at don natumba si Martin at nawalan ng malay.

"Celix!" Tawag ko pero hindi siya lumingon at alam kong narinig niya ako. Lumakad naman siya papunta sa dereksyin namin na akala ko titigil pero nilampasan lang kami. "Kuya..." Pati kapatid niya ay hindi niya kinibo.

"Bakit walang pumigil sa kanila?" Tanong ko ng makabawe ako sa gulat ng lagpasan niya lang kami.

"We tried pero ayaw nila magpaawat. Mukhang gusto rin ng kapatid ni Bit na makipag suntokan eh." Tumango naman si Bit.

"Teka nga, magkakilala kayo?" Turo ko sa kanilang dalawa at nagtinginan naman sila.

"Ang totoo niyan, ngayon lang kami nagkakilala." Ah, ganon naman pala. Kasi parang matagal na silang magkakilala eh.

"Balik tayo sa usapan. Bakit nag away sila? Anong pinagawayan nila?" Nawala na yong mga tao nanonood kanina at umalis narin si Martin at inirapan ako nong Maria. Aba! Wala nga akong ginagawa sa kanya, balatan ko siya dyan eh.

"Kasi ate, base sa narinig mo kanina ang sabi nong nakaaway ni kuya na nilalandi daw ni kuya yong Maria kanina but the real story there ate, yong bulate na babaeng 'yon ang lumandi kay kuya at hindi si kuya. Binaliktad lang nong babae nayon ang kwento dahil kuya decline her." Kwento ni Bit. Napabuntong hininga naman ako ng malalim. Eh kong ganon bakit niya ako iniwasan kanina at hindi pinansin?

"Puntahan ko lang yong girlfriend ko Cenia ah, babalik ako mamaya." Bago siya makaalis nahawakan ko ang dulo ng shirt niya.

"Hep hep hep! Sino? Mag kwento ka dali." Nilapit naman niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. May pa bulong pang nalalaman.

"Vannesa. Later, hahanapin ko lang siya." At lumayas na siya palayo. Tumigil naman ang tingin ko kay Celix na nakatingin sa dereksyon ko at masama ang tingin saakin.

"Ate, balik muna ako. Sumunod ka nalang mamaya." lumayas din si Bit at naiwan akong mag-isa. Paglingon ko ulit sa dereksyon ni Celix ay wala na siya.

Hindi ko siya maintindihan. Ang gulo niya. Wala naman akong ginagawa na ikagagalit niya saakin. Sana nga wala dahil wala akong matandaan.

Dumating ang lunch at tumigil muna sa pag intertain ang mga doctor at sabay sabay na nag lunch sila sa loob ng malaking tent. Habang naghihintay ang mga pasyente at para hindi sila ma bored kinuha ko yong microphone mula sa lamesa.

"Ayan, hello po sa inyong lahat. Siguro masaya kayo ngayon no?" Napangiti naman ako sa pagsagot nila. Nakakahiya na nasa harap ako mg lahat pero wala akong magagawa dahil ako ang inatasan ng mommy ni Celix na mag intertain ng mga tao habang wala pa sila. Isa lang naman ang naisip ko dahil ito lang ang kaya ko tsaka minsan naman rin na ginagawa namin to ni kuya.

"Mabuti naman po, eh habang nagpapahinga pa ang ating mga doktor gusto ko po sana na ma intertain kayo para hindi naman po kayo mabagot. Gusto nyo bang kantahan ko kayo."

"Wohoooo!

"Yesss!"

"Opooooo!"

Hiyawan nila. Tumikhim naman ako ng ilang beses. Nakikita ko naman sa di kalayuan si Kelly with George kasama si Bit at ang mga kapatid ko na si Jed,Ced at si Kel. Nanonood din si tatay kasama si nanay at kasama nila si baby na ngayon ay may katabing babae na sigurado akong si Vannesa.

Afraid To LoveWhere stories live. Discover now