Chapter 1

3.6K 193 67
                                    

LUCY'S POV

"Class today is the start of our second quarter and base on my rules, I will rearrange you again so take a quick snap. Understood?"

"Yes Madam," we answered in unison.

Kinuha ko na ang bag ko saka pumunta sa gilid ng classroom. Lilipat na kami ng pwesto, paano na ako niyan?

"Hoy," kinalabit ako ni Levy na nakatayo sa gilid ko.

"Huh?"

"Did anything happened to you?" pagtatanong niya na nakatingin ng diretso sa blackboard.

"Kasi naman, lilipat na tayo ng pwesto. Hindi ko na magiging katabi si Lucas eh siya lang naman yung nag-iisang source of answer ko pagdating sa mga quizzes," mahabang paliwanag ko saka nagbuntong hininga.

"Sira ka talaga, mag-aral ka kasi 'wag yung puro kalokohan na lang ang alam mo," pagsesermon na naman niya sa akin. Ouch, ang harsh naman sa akin ng bestfriend ko.

"Nakaka-enjoy kaya gumawa ng kalokohan, try mo rin kaya?" pang-aasar ko sa kanya at dahil ayaw niyang makipagtalo ay piningot niya na lang ang tenga ko.

"Aray naman, nagjo-joke lang ako eh."

Nagsimula ng mag-seating arrangent si Ma'am at halos marami na rin ang mga nakaupo. Sino kaya magiging katabi ko?

"Ms. Lucy Castro, you sit there beside of Mr. Lucas Ramirez."

Huh? Tama ba ang rinig ko? Si Lucas na naman ang magiging katabi ko?

"Yes!" bulong ko sa sarili ko at umupo na ako sa assign seat ko na nakangiti. Yes lang talaga! Wootwoo! May source of answers ulit ako.

Humarap ako kay Lucas at nagwave ako, "Hi Lucas, my buddy my friend. Share your blessings ulit ha?" tumango siya at yumuko agad. Huh? Problema nito?

"Finally, Mr. Shawn Rimas beside of Ms. Lucy Castro."

H-huh?

Umupo na si Shawn sa right side ko at hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng palihim. Ang swerte ko naman, napapagitnaan ako ng Top 1 and Top 2. OMG, this is heaven.

"Nice to meet you Mr. President, my seatmate," malapad na ngiti ang ipinakita ko sa kanya at inisnab lang niya ako. Hmp, sungit!

"This is hell," rinig kong bulong niya kaya napahagikhik ako.

This game will be fun and exciting. What should I do with you, Mr. President?

"Listen everyone."

Nagsimula ng mag-discuss yung teacher namin. As usual hindi ako nakikinig, nakatingin lang ako sa blackboard. Ayoko ngang tumingin sa teacher namin baka mamaya tawagin pa niya ako sa recitation, mahirap na.

Napatingin naman ako sa katabi kong tahimik na nakikinig nang may naisip na naman akong kalokohan. Humanda ka sa akin Mr. President.

Pinadyak-padyak ko ng mahina ang paa ko sa sapatos niya. Nung una binabalewala lang niya kaya mas lalo kong nilakasan ang pagpadyak ko sa kanya pero walang ingay.

"What the hell is your problem Ms. Castro?" mahina niyang tanong sakin na nakatingin pa rin sa teacher namin. Mukhang napipikon na siya oh.

"Do you wanna build a snowman?" pagkakanta ko dun sa kinakanta ni Ana sa Frozen, ginaya ko pa yung pagnguso niya para siguradong mapatawa ko siya pero poker face ang lolo niyo.

"Ma'am!" nagulat ako ng tawagin ni Mr. President si Ma'am at ngayon ay nakatingin na sa kanya ang buong klase.

"Yes? Do you wanna ask a question?"

"No Ma'am. I just want to say that Ms. Castro isn't paying attention to your discussion."

Huh ano raw?!

"Is that true Ms. Castro?" pagtatanong ni Ma'am sa akin at ang sama ng tingin niya sakin. Tumingin naman ako kay Mr. President at nakita ko siyang bumubulong. Bwisit kang lalaki ka, humanda ka sa akin.

"Mr. President kaya mo pa ba? Sabi ko naman kasi sayo eh magpaalam ka na sa teacher natin," pag-aalala kong tanong at lumapit ako kay Mr. President saka hinimas ang likuran niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" bulong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at inisnab, gantihan lang 'yan. Manood ka lang sa gagawin ko Mr. President.

"What's wrong Ms. Castro? May sakit ba si Mr. Rimas?" pagtatanong ng teacher namin.

"Actually wala naman po talaga siyang sakit."

"If he's not sick then why are you acting that worried face of yours?" tanong ulit ni Ma'am.

"Nahihiya po kasing magsabi si Mr. President eh," pag-aacting ko pa. Sige manood ka lang diyan Shawn Rimas.

"Kalokohan na naman ba 'to Ms. Castro?" tanong niya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

Nabigla ako ng tumayo siya, bago pa siya makakilos ay inunahan ko na siya.

"Natatae po kasi si Mr. President!" malakas kong sigaw sa buong klase.

"Ewwww."

"Hahahhaa."

"What?!" iritang tanong niya kaya nag peace sign ako.

"Ayun lang naman pala Mr. Rimas. You can now take your leave and go to the comfort room. Faster, baka dito mo pa mailabas 'yan," natatawang sabi ni Ma'am kaya napatawa kaming lahat.

"Hahahaha."

"Before I leave, may gusto lang akong sabihin," napakunot-noo naman ako sa bigla niyang pagsasalita. Nakita ko siyang tumingin at ngumisi sa akin.

Holy sheep of heaven, ngumisi ba talaga siya?

"What is it?" tanong ni Ma'am.

"Kinukulit po ako ni Ms. Castro kanina pa na siya raw ang maghuhugas sa akin sa cr ng mga boys."

W-H-A-T?!

"Hahahaha."

"Lucy ganyan ka pala ah."

"Takte sumasakit na ang tiyan ko kakatawa. Hahaha."

"Mr. Rimas and Ms. Castro, the two of you, get out from this room! You are wasting my time with your nonsense jokes!"

"Labas na raw tayo Ms. Castro, tinatawag na ako ng kalikasan. Huhugasan mo pa ako my pet," saka niya ako hinila palabas at naiwang nagbabawal ang teacher namin sa mga kaklase kong walang tigil ang tawa.

"Hoy Mr. President! Ano bang pinagsasabi mo ha? Nakakahiya kaya 'yun!"

"I'm just returning the favor and now we're even. Goodbye."

Iniwan na niya ako at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Ugh! Naisahan ako ng lalaking yun kainis.

"Gaganti rin ako sa'yo Mr. President! Itaga mo pa 'yan mismo sa salamin mong 3 years ng hindi napapalitan. Behlat!"

Shawn Rimas, cursed you from the deepest part of scheol.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon