Chapter 8

1.9K 149 6
                                    

LUCY'S POV

Pumunta ako sa pinakalikod ng school, may secret way kasi ako dito para makalabas. Magcu-cutting ako ngayon, sabagay wala naman magbabawal sa akin. Wala si Shawn, busy kasi masyado sa pag-entertain sa isang madikit na hayop. Linta siguro 'yun.

Nakalabas na rin ako sa school at nandito na nga ako sa gilid ng kalsada.

BEEP! BEEP! BEEP!

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng blazer ko at tinignan kung sino ang nag-text.

From: Levy Chu-chu

Lucy?! Where are you? Nag-start na yung klase, pumasok ka na. Kung nasa cafeteria ka aba't itigil mo muna 'yang katakawan mo at pumunta ka na dito sa room.

I sighed.

Hindi ko na sinagot ang text ni Levy at in-off ko ang cellphone ko saka binalik sa bulsa ng blazer ko.

"7 Eleven!" sigaw ko. Sa tapat ko kasi, 7 Eleven na siya kaya tumawid na ako at pumasok sa loob.

"Hmm~ hmm~ hmm~," paghu-hum ko habang pumipili ng makakain ko.

"Ay ano ba 'yan!" napasigaw ako dahil sa gulat kasi may nadikitan yung likod ko. Tumingin ako sa likod at nakita kong isang lalaki 'yun na todo balot sa katawan at naka-mask. Tumakas siguro 'to sa hospital.

"Lucy?" tawag sa akin nung lalaki.

"Kilala mo ako?" turo ko sa sarili ko. Binaba niya ang mask niya at napatakip ako ng bibig.

"Lucas?!" mahina kong sigaw. Yung saktong siya lang ang makakarinig.

"Bakit nandito ka? Bakit hindi ka pumasok? Bakit ganyan ang suot mo?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.

"W-wala lang, trip ko lang na hindi pumasok ngayon. Ikaw? Bakit ka nandito? Wag mong sabihing-"

"Oo nag-cutting ako," ako na 'yung tumapos sa salita ni Lucas.

"Paano ka naman nakalabas?" takang tanong niya.

"I have my own ways," tanging sagot ko at ngumiti sa kanya. Nakita kong nag-iwas tingin siya at napaubo sa gilid.

"Ayos ka lang ba Lucas?" tanong ko sa kanya at nilapitan ko siya. Hinagod-hagod ko siya sa likuran niya.

"Lucas?" nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya at nakita kong namumula siya. As in, mapula yung mukha niya.

"Lucas?!" sinalat ko ang noo niya at mainit siya.

"May lagnat ka pala bakit hindi mo agad sinabi?" taranta kong tanong sa kanya.

"O-okay lang ako," garalgal na sagot niya at nanginginig na siya ngayon.

"Anong okay ka diyan?! Ikaw talaga gusto mong pinapahamak ang sarili mo, wait lang tatawag ako ng taxi. Iuuwi na kita," pinaupo ko muna si Lucas sa sahig at dali-daling lumabas.

"Taxi! Taxi! Emergency lang po! Taxi!" kumaway-kaway na ako para agad akong mapansin. Agad namang may huminto na taxi sa harapan ko kaya lumapit ako doon.

"Kuya emergency lang po. May lagnat kasi yung kasama ko at nasa loob po siya. Pakitulungan naman po akong alalayan siya. Please?" agad na lumabas yung taxi driver.

"Sige po Ma'am, nasaan ba siya?" tanong nung driver.

"Dito po," pumasok ulit ako sa loob at nakasunod lang sa akin si Mr. Taxi. Agad naman naming nakita si Lucas na hinang-hina na.

"Kuya paki-alalayan po," gaya nga ng sinabi ko inalalayan naman ni Mr. Taxi si Lucas kaya pumunta ako sa left side niya para tulungan din siyang alalayan.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon