Chapter 41

236 47 0
                                    

LUCY'S POV

"Umph..."

Pagkabukas na pagkabukas ng mga mata ko, para akong sumakay sa roller coaster dahil umiikot ang paningin ko. Nag-stay pa ako ng isang minuto na nakabukas lang ang aking mga mata saka ko kinusot at bumangon.

Nag-unat ako at napatingin sa wall clock, 2:30 A.M pa lang. Teka, nakauwi na kaya si Shawn?

Lalabas na sana ako sa aking kwarto nang makarinig ako ng kaluskos sa labas ng kwarto ko, sa terrace to be exact. Para bang may nagbukas ng sliding door sa kabilang kwarto.

Dahan dahan akong lumakad papalapit sa sliding door ng kwarto ko papuntang terrace, binuksan ko pa ng kaunti 'yung makapal na kurtina na bumabalot sa sliding door at sinilip kung may magnanakaw sa labas.

Wala naman akong nakita na tao o kahit na ano'ng weird na bagay at wala na rin ang kaluskos na narinig ko kanina, kaya naman binuksan ko ang sliding door at lumabas.

"Ahh, ang sarap sa pakiramdam ng hangin!"

Tinaas ko pa ang aking dalawang braso para mas madama pa ang hangin sa balat ko.

"I know right. It's very serenity."

Napalingon ako sa nagsalita at hindi nga ako nagkakamali, si Shawn 'yun. Nasa terrace din siya ng guest room, siya nga ang narinig ko kanina.

"I wasn't inform na hindi ka umuwi. Ayos ka lang ba diyan sa guest room?"

"Ayos naman. Buti na lang may extra clothes for men na naka-stock dito. Tita Layla gave me permission to use the new clothes."

I nod to his response. "Ahh, oo. Sa pinsan ko 'yung mga damit na nandiyan. Si Kuya Gabriel. Nagbabakasyon kasi siya minsan dito at diyan ang kwarto niya." He just nod his head just like what I did.

Deafening silence embraced both of us. Wala nang nagsalita sa amin, tanging ang simoy lang ng hangin at ang musika ng gabi lamang ang maririnig.

Tumikhim ako at ramdam ko ang paglingon sa akin ni Shawn. "Natatandaan mo ba?" Saka ako lumingon sa kanya kaya nagtama ang aming mga mata.

"What?"

"Kung paano tayo nagkakilala," nakangiti kong sambit. Dahil sa sinabi ko ay napangiti rin siya na tila pumasok sa isip niya ang alaalang 'yon. "Of course, Lucy. Hindi ko makakalimutan ang pagiging lampa at iyakin mo noon." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumawa siya pero sapat lang para kami lang ang makarinig.

Sinamaan ko siya ng tingin at napansin niya 'yon kaya naman tumigil siya sa pagtawa at lumakad papalapit sa terrace ko. Lumundag lang naman siya para makapunta sa terrace ko at ngayon ay nasa tabi ko na siya.

"Balik ka nga doon, Shawn. May makakita pa sa atin dito," pagsuway ko at tinulak-tulak ko pa siya para bumalik sa kabilang terrace.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko kaya napatigil ako sa pagtulak sa kanya. Hindi ko inaasahan ang balak niyang gawin at ngayon ay nakayakap na siya mula sa aking likuran at sinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Ang bigat ng ulo mo."

"Mmm... Let's stay like this for a while." At lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi habang nakatingin lang ako sa mga kamay ni Shawn na nakapulupot sa aking bewang. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kanya.

"Someone is being sweet," panunukso ko kay Shawn. Hindi siya sumagot pero ginalaw niya ang kanyang baba sa aking balikat.

Naalala ko ulit ang sinabi niya kanina. Hindi ko makakalimutan ang pagiging lampa at iyakin mo noon.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon