Chapter 13

1.9K 128 11
                                    

LUCY'S POV

"Lucy, ako lang ang papakasalan mo ha?" inabot ko ang kamay ng batang lalaki saka ako tumango. Hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil nanlalabo ang paningin ko.

"Promise?"

"Promise."

"Ako na ang bahala dito."

"Ako na nga lang sabi eh."

"Hinahanap ka ng PE teacher natin."

"Pwede ba, hinaan mo lang ang boses mo."

"Kanina ka pa ah."

Bakit ang ingay?

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Lucas at Sting sa harapan ko. Parang nag-aaway ata sila.

"Anong ginagawa niyo?" pagtatanong ko. Natigil sila sa pagbabangayan nila at dali-daling lumapit sa pwesto ko.

Nasa kanan ko si Sting habang nasa kaliwa ko naman si Lucas. It means, pinapagitnaan nila ako.

"Wala bang masakit sa'yo?/ Ayos na ba ang pakiramdam mo?" sabay nilang tanong. Hindi ko alam kung sinong sasagutin ko eh.

"Lumayo na nga muna kayo sa akin," pakiusap ko at lumayo rin naman agad sila. Mga 5 centimeters nga lang ang layo. Hays.

"Nauuhaw ako," hinaplos ko ang lalamunan ko na nanunuyo na sa loob.

"Tea/Juice."

Sabay na naman nilang sabi. Hawak-hawak ni Lucas ang tasa na may lamang tsaa at 'yung kay Sting naman ay orange juice.

Seriously, anong meron sa kanila?

"Tubig ang gusto ko," agad silang tumalikod sa akin at bumalik din kaagad na parehong may hawak na baso na ang laman ay tubig.

"Lucy uminom ka na," sabi ni Lucas at inilapit niya ang baso sa akin. Kukunin ko na sana 'to nang harangan ako ng kamay ni Sting.

"Hep! 'Yung akin ang inumin mo Lucy. Baka nilagyan ni Lucas 'yan ng lason," pigil ni Sting at 'yung hawak-hawak niyang baso ang inilapit sa akin.

"Ano bang meron sa inyo?" naguguluhan kong tanong pero imbes na sagutin nila ako ay nagsimula na naman silang magbangayan.

"Akong nauna eh!" sigaw ni Lucas.

"Tsk. Ako kaya!" ganti ni Sting.

"Sumingit ka lang nga sa akin. Palibhasa mukha kang singit," panlalait ni Lucas kay Sting.

"Aba! Sumosobra na ah! Tara suntukan oh! Weak!" maangas na panghahamon ni Sting. Lipat-lipat lang sa kanilang dalawa ang paningin ko.

"Sinong sinasabihan mong weak?!" tumaas pa lalo ang boses ni Lucas at kinuwelyuhan na niya si Sting, doon na ako nataranta.

"Stop! Tigilan niyo na 'yan!" awat ko sa kanilang dalawa. Balak pa ata nilang magsuntukan sa harapan ko, kung magsusuntukan pala sila dapat kasali ako!

Napahinto sila at naging maamo ulit ang mga mukha nila katulad ng isang inosenteng tuta.

"Ang iinumin ko ay 'yung kay Lucas," nakangiti kong sabi at kinuha ko 'yung baso niya saka ito ininom. Pagkatapos ay inilapag ko ito sa katabing lamesa ng clinic bed na kinalalagyan ko ngayon.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sting at binigyan niya ako ng 'Why did you chose Lucas over me?' look.

Inisnaban ko siya at kay Lucas ako tumingin na ngiting-ngiti rin sa akin. Tsk, akala ba ni Sting magiging mabait pa ako sa kanya matapos niyang nakawin ang first kiss ko?! No! Never!

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon