Chapter 36

294 59 0
                                    

LEVY'S POV

Nasaan ka na, Lucy?

Nakuha nang amagin ang text message ko sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na reply. I bet she's still sleeping and dreaming about their love story of Shawn. Jeez.

Abala lahat ng estudyante ngayon dahil sa susunod na linggo na gaganapin ang "Home of Jadeiteans". Isa ito sa pinakamalaking event ng aming unibersidad dahil pinapangaralan namin sa araw na iyon ang founder nitong Jadeite Univeristy na si Dr. Solomon Y Jadeite.

This whole week, hindi kami regular classes para makapaghanda ang bawat year at section, pati na rin ang college departments.

Super hassle na naman 'to!

Dahil nararamdaman ko na tamad na namang bumangon si Lucy at hindi maiwan-iwanan ang super fluffy at super cute daw niyang kama ay tinawagan ko na siya at hindi ko talaga siya tinigilan hangga't di niya ito sinasagot. Alam ko rin naman na hindi nagsi-silent mode 'tong bruha na 'to. Pinapatapos pa nga niya minsan hanggang chorus ang ringtone niya kapag may tumatawag sa kanya dahil nakikisabay din siya sa kanta ng anime ringtone niya.

"Salamat sa Mahabaging Bathala at sinagot mo rin ang tawag ko," bungad ko sa kanya.

[Non-stop kasing tumutugtog ang ringtone kaya sinagot ko na tsaka ikaw 'yung tumatawag, e. Matitiis ko ba ang super kind kong bff?]

Sus, alam ko na ang style nito. Pupuriin niya ako dahil ayaw niyang magalit ako which is hindi naman ako galitin na tao at hinding hindi ako magagalit sa kanya.

"Where are you, Lucy? Alam kong alam mo na kailangan pa ring pumasok dahil tambak ang mga gagawin natin for the event at aasikasuhin pa natin ang booth ng klase natin. Naku, ikaw lang 'ata ang papetiks petiks na estudyante. Pumasok ka na nga at para may kasama na ako."

Tinignan ko ang aking wrist watch and it's only 7:45 in the morning. Okay, napaaga 'ata ako masyado.

[Ugh...]

"Hey, I heard you."

['Eto na po, on the way na.]

"On the way sa banyo," pagtuloy ko.

[Hehehe. I love you, Levy! See you!]

Too--toot.

Aba, binabaan ako?

Porket may manliligaw na, e may karapatan nang mangbaba ng tawag?

Dahil matatagalan pa bago makapasok si Lucy ay kinuha ko na ang mga materyales para makatulong na ako sa aming booth. Cooking booth lang naman ang napagdesisyunan ng buong klase dahil panigurado raw na maraming magugutom na estudyante at tiyak na bibili sila ng pagkain lalo na kapag masarap at patok sa panlasa nila. Cooking booth with a twist ang peg namin kaso hindi ko na sila pinakealam kung anong kaartehan pa ang gagawin nila.

"Levy!"

Nagpalinga-linga pa ako para malaman kung sino ang tumatawag sa akin. Ang manliligaw lang naman ng aking bestfriend.

"What do you need?"

"Where's Lucy? I forgot to load my sim kaya hindi ko siya macontact. Mind if you text or call her?"

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon