Chapter 42

227 47 0
                                    

LUCY'S POV

The memories we both shared in the past, the memories I have lost because of that incident, who would have thought they can be restored again. Masaya ako dahil pakiramdam ko ay kumpleto na ang aking pagkatao. Hindi ko rin inaasahan na ang mga kinikilala kong kaibigan ngayon ay matagal ko nang naging kaibigan na minahal ko at itinuring ng parang mga kapatid ko na.

Well, except for one person. Siya ang isa sa mga naging kaibigan ko noon na hindi ko minahal bilang kapatid, kundi bilang isang lalaki na magiging kasintahan ko at mapapangasawa sa pagdating ng tamang panahon.

Grabe. Ang aga ko palang lumandi noon, o sadyang ginayuma lang ako ng lalaking 'to?

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin mula sa likuran at humarap sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mga mata pero hindi naman siya kumibo kaya ang ginawa ko ay inalis ko ang kanyang salamin.

"Malabo ba talaga ang paningin mo?" I wear his eyeglasses to check my surroundings. Medyo malabo ang nakikita ko habang suot ang salamin kaya tinanggal ko na at itinabi na muna 'yon sa coffee table na nandito sa terrace.

"Medyo malabo nga pero slight lang naman," pagsagot ko sa tanong ko. Nagtataka naman akong lumingon sa kanya. "Bakit hindi ka na lang mag contact lens? Less hassle iyon kesa dito sa salamin," I suggest.

Umiling siya na parang ayaw niya sa sinabi ko. "Don't wanna wear those annoying lenses. Mas kumportable ako sa eyeglasses."

"Umm, okay. Sabi mo, e."

Lumakad ako palapit sa railings ng terrace at itinungkod ang magkabila kong braso rito. Naramdaman kong sinundan ako ni Shawn at gumaya sa posisyon ko.

"Ang sungit mo dati noong mga bata pa tayo. Halos hindi ka kumikibo noon at palaging masama ang tingin mo sa akin. It was like you were eating me alive with those sharp glares of yours. Sa totoo lang, nahirapan akong i-approach ka noon pero nang magtagal, naging magaan na ang loob ko sa'yo noon." Panimula ko. He brough the topic a while ago, tinutuloy ko lang ngayon.

"Well, you were my first girl friend that I ever have since then. Bago pa man kami lumipat sa subdivision na 'yon, si Sting lang ang kalaro ko and some other boys. Hindi rin maganda ang pakikitungo ko sa kanila dahil madaling uminit ang ulo ko noon. Tanging si Sting lang ang nakakatiis sa akin noong mga bata pa kami. He was such a good cousin and a friend. Kaya nang mabalitaan ko na may magiging kalaro kami ni Sting na babae, nawalan ako ng interes dahil pikon at iyakin kayong mga babae. That's why I don't like you when I first saw you."

I don't like you when I first saw you.

Those hurtful words echoed inside my head. Hindi na ako nagtaka dahil hindi naman kami magkasundo noon ni Shawn, at isa pa ay maraming beses pa kaming nag-away noon bago kami magbati nang tuluyan.

It was all part of our past, kung hindi dahil doon ay hindi naman kami hahantong ni Shawn sa relasyon na mayroon kami ngayon

"Hindi mo pala ako gusto ah, kaya naman pala head over heels ka ngayon sa akin." I smirked when he glanced at me.

Natawa siya sa sinabi ko at ginulo ang aking buhok. Napanguso ako sa ginawa niya.

"Don't pout like that. I might kiss you." Nanunudyo niyang pahayag.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon