Chapter 2

3K 161 39
                                    

LUCY'S POV

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung mangyari ang nakakahiyang pangyayari sa room. Napagkamalan tuloy ako na isang pervert. Bwisit kasi yung president namin.

"Yeah sexy lady! Whoop whoop whoop whoop oppa gangnam style! Yeah sexy lady whoop whoop whoop whoop oppa gangnam style! Yeah boy rock 'n roll!"

Napatingin ako sa isang lalaki na kumakanta ng gangnam style at sumasayaw pa. Sa tingin ko same age ko lang siya.

"Pfffft hahaha!" nabaling yung atensyon ng lalaki sa akin dahil sa lakas ng pagtawa ko. Huminto na siya sa pagkanta at nilapitan niya ako.

"Anong nakakatawa?" inosenteng tanong niya.

"Naisipan mo pa talagang itanong 'yan eh no? Nakakatawa ka kaya, para kang baliw," for the second time ay tumawa ulit ako. Nung nakita ko siya na hindi tumatawa ay huminto na ako.

"Hahahahahaha ganun pala 'yun?" siya naman yung tumatawa ngayon this time. Ngayon niya lang siguro nagets ang ginawa niyang kabaliwan.

"Papasok na nga ako," aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Wait. Sa Jadeite University ka nag-aaral diba?" tanong niya.

"Oo bakit?"

"May kakilala kasi ako na diyan din nag-aaral. Gwapo rin 'yun pero mas gwapo nga lang ako sa kanya," at nagwink siya pagkatapos niyang magsalita. Halos masuka-suka naman ako sa ginawa niya.

"Ang hangin no? Sige papasok na ako baka matangay pa ako dahil sa lakas."

"Matatangay ka nga, ang payat mo eh. Ako hindi dahil macho ako," dahil sa sobra na akong naiirita sa kanya ay sinabunutan ko siya.

"Aray aray aray! Tama na hahaha sige pumasok ka na," binitawan ko na yung buhok niya at pinagpag ko ang kamay ko. "Aish! Ang hirap pa naman ayusin ng buhok ko tapos guguluhin mo lang. Takte," naiinis niyang sambit at inaayos yung buhok niya.

"Kasalanan mo eh. Papasok na ako, pagtitripan ko pa yung class president namin," aalis na sana ako pero pinigilan niya ako ulit.

"Ano na naman ba? Don't tell me na may crush ka sa akin at ayaw mo akong paalisin para mas lalo mo akong makasama? Sorry sa mga korean actors lang ako naaakit," mahaba kong lintaya at tumawa lang siya sa lahat ng sinabi ko.

"Ang taas naman ng confidence mo Miss, I just want to say na bad 'yang ginagawa mo," para akong suso na natiklop sa mismong shell.

"Eh sa gusto ko siyang pinagtitripan. Nag-eenjoy ako kapag napipikon or naiinis na siya sa akin. Araw-araw ko siyang binibigyan ng pasakit sa ulo. Nakakatawa lang diba?" natatawa kong kwento at bigla na lang pumasok yung mga times na lagi ko siyang pinagtitripan.

"Mazaka..." napatakip naman sa bibig yung lalaking 'to.

"Alam mo niyan 'yung meaning ng word na 'yan?" Nabigla ako nung bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan. May gusto ka sa class president niyo," napalayo naman ako sa kanya sa sinabi niya.

"Hahaha ano bang pinagsasabi mo? Duh! Wala akong gusto dun no! Sadyang gusto ko lang siyang napipikon," pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Masyadong kang defensive, sinabi ko lang naman yung opinyon ko base sa kwento mo. Baka mamaya kayo nung class president niyo ang magkatuluyan in the end," tumawa siya ng malakas pagkatapos niyang magsalita.

"No way! Diyan ka na nga!" tumakbo na ako papaalis dun at iniwan ko yung lalaking tumatawa pa rin ng malakas dahil kahit malayo-layo na ako ng konti sa kanya ay rinig ko pa rin yung nakakamatay niyang tawa. Lalaki ba talaga siya? O bakla?

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon