Chapter 31

820 80 0
                                    

; Lucy at the mm --->

LUCY'S POV

Isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang pumayag ako sa panliligaw ni Shawn. Nagulat ako nung una dahil hindi ko inexpect na darating sa punto na tatanungin niya ako kung pwede bang manligaw. Nakakakilig hihi.

At pinlano na pala nilang apat ang pangyayaring 'yon sa naging picnic namin last week. Kinuntsaba pa talaga ni Shawn 'yung tatlo. Isa pa 'tong si Levy na panay ang tukso sa amin at botong-boto talaga siya para kay Shawn. About naman sa parents ko, hindi nahirapan si Shawn sa pagpapaalam dahil noong una pa lang ay alam ko ng boto silang dalawa para sa kanya lalong-lalo na si Mamzi.

Mas naging malinaw na rin sa akin ngayon ang lahat dahil sa bumalik na ang aking nawalang alaala. Sa palagay ko ay hindi pa ito ang tamang oras para ibalita ko sa kanila na nanumbalik na ang aking mga alaala. Siguro ay hahayaan ko na muna ang aking sarili na mag-enjoy.

"Nakatulala ka na naman."

"Ha? Ay sorry naman. May iniisip lang ako," sagot ko.

"Sinabi ko naman sayo na huwag mo akong iisipin minu-minuto dahil baka mabaliw ka na sa akin," nakangising sabi ni Shawn.

"Hindi ikaw ang iniisip ko no!" Sabay hampas sa kanya ng aking shoulder bag. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at naging ganyan siya, eh dati rati naman ay ang sungit-sungit niya pagdating sa akin.

Hays, iba talaga ang kamandag ng isang Lucy Castro.

"Asus hindi raw ako."

"Hindi naman talaga!"

"Hahaha. Okay kung 'yan ang sabi mo. Tara na nga sa loob." Sabay hila sa akin pero bago pa kami makapasok ay may natanaw akong isang pigura ng lalaki na para bang sinusundan ako ng tingin. Nang pumikit ako't dumilat ulit ay wala na ito sa kanyang pwesto kaya naman binalewala ko na lamang.

"Angel's Castle"

Ang pangalan nitong orphanage na pinasukan namin ni Shawn. Linggo naman ngayon at dahil sa kakatapos lang naming nagsimba ay dito na kami dumiretso. Ngayon ko lang din nalaman na mahilig pala sa mga bata si Shawn, hindi nga lang halata dahil may pagkamasungit din kasi ang mukha niya.

Sa totoo lang ay gusto kong pumunta ulit sa Capypa Land. Naalala ko na naman tuloy 'yung babaeng inatake ko noon dahil napagkamalan ko itong totoong white lady. Siguro naman ay wala na siya doon at nakalimutan na ng mga staff pati na rin ang mga nagbabantay doon ang aking itsura. Hmp. Sayang talaga. Sa susunod na lang kami pupunta ni Shawn, kapag naging kami na.

Tuluyan na kaming pumasok sa loob at sinalubong kami ng mga madre pati na rin 'yung mga babaeng nakasuot ng light blue na attire na katulad ng sinusuot ng isang nurse.

"Mother Lily!" Patakbong lumapit si Shawn doon sa madre na nasa gitna, matanda na rin ito at bakas sa kanyang mukha ang pagkapagod.

"Pagpalain ka ng Diyos. Naku! Ang tagal na rin magmula noong huli kang bumisita rito. Namiss ka na ng mga bata," pahayag nung madre na tinawag ni Shawn ng Mother Lily. Tila tuwang-tuwa ito sa pagbisita ni Shawn.

Teka, ang ibig bang sabihin ay pumupunta na rito si Shawn dati pa?

Tahimik lang akong nakatayo sa aking pwesto nang mapansin kong napatingin sa aking gawi yung madre na kinakausap ni Shawn.

"Sino naman iyong magandang dilag na iyong kasama?" nakangiti nitong tanong. Palihim naman akong napangiti nang sabihan ako nung madre na maganda.

"Ah siya po?" Lumingon sa akin si Shawn saka ako nilapitan at hinawakan ang aking kamay sabay lakad papunta doon sa madre. Medyo nailang lang ako dahil lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa ni Shawn. Feeling ko tuloy ay isa akong artista na darating sa isang napakalaking event at naglalakad sa gitna ng red carpet habang nakamasid sa aking kagandahan ang mga nanonood.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon