Chapter 17

1.2K 96 2
                                    

LUCY'S POV

"A-aray."

Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong parang tumama ito sa matigas na bagay.

"Ano 'to? Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa aking sarili nang mapagtanto kong puro kulay puti ang nasa paligid ko.

Am I dead? Ang huli ko kasing naaalala ay tumakbo ako papalabas ng bahay at may humaharurot na sasakyan na papunta sa akin.

"No way!" napatakip ako sa bibig ko at parang nagbabadya na ang aking mga luha.

"Hindi pa ako pwedeng mamatay! Huhuhu hindi ko pa nga nakikita sa personal ang mangaka ng favorite kong shoujo manga eh," nagawa ko nang maglupasay dito sa puting semento dahil hindi ko matanggap ang katotohanang patay na ako.

"Tumayo ka nga diyan!"

Bigla akong napatigil sa pagdadrama nang makarinig ako ng boses. Lumingon-lingon ako at nakita ko ang isang pigura ng tao na nakatayo malapit lang sa akin. Alam kong lalaki siya kahit na nakasuot siya ng cloak na kulay puti dahil sa boses niya kanina.

"Excuse me but who are you?" pagtatanong ko at tumayo na ako sa pagkakahiga ko saka lumapit sa kanya. Humarap siya sa akin pero hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.

"I'm the Great King Kai of Southern Wall," pagpapakilala nito sa akin.

Great King Kai...?

Aba! Feeling niya ba isa siyang kaio katulad na lang sa Dragon Ball?! Hindi ko nga ma-sense ang ki niya as a God.

"Ako ba'y pinagloloko mo?" panghahamon ko sa kanya.

"Tahimik! Matuto kang rumespeto sa mas nakakataas sa'yo mababang uri ng nilalang."

Natigilan ako at mas pinili ko na lang na tumahimik kaysa sa makipagtalo pa rito. Jusko baka mamaya nasa ibang dimensyon pala ako tapos wala na ako sa Earth.

"Umm... pwede bang magtanong?"

"Nagtatanong ka na," patago ko siyang inisnaban at naikuyom ko na lamang ang aking kamay.

"Patay na ba ako?"

"Naririnig mo ba ang pagtibok ng iyong puso?"

Itinapat ko ang kanan kong kamay sa dibdib ko at naramdam ko ang pagtibok ng puso ko.

"Buhay pa ako!" malakas kong sigaw at nagtatatalon pa ako dahil sa sobrang tuwa.

"Mukhang masaya ka na. Sumunod ka sa akin ngayon din."

"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod ako.

"Basta."

Ilang minuto pa kaming naglakad at parang naglalakad lang kami sa kawalan. Puti lahat ang nandito, ni wala ngang mga bagay o tao ang naririto.

"Nandito na tayo."

"Huh? Saan?"

Luminga-linga ako pero wala akong nakita. Tumigil na siya sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

"Aperire ostium somnia," bigkas niya na hindi ko maintindihan. Bigla na lang nagliwanag ang buong paligid kaya napapikit ako dahil ang sakit sa mata.

"Maaari mo ng buksan ang iyong mga mata."

Narinig ko ulit ang tinig ni Great King Kai kaya agad kong binuksan ang mga mata ko.

"Nani?!"

Nag-iba ang paligid. Kung kanina ay puro puti, ngayon naman ay puti pa rin ang paligid pero may mga ulap na para bang sumasayaw. May apat na pintuan din sa harapan namin.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon