Chapter 33

977 78 10
                                    


LUCY'S POV

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Teka, ano na bang oras?

Inabot ko ang alarm clock at saktong six o'clock ng umaga. Bumangon na ako. Unat dito at unat doon. Pagkatapos ay inalala ko ang nangyari kagabi. Sa pagkakatanda ko ay namatay ang lahat ng nakasinding ilaw sa loob at labas ng aming bahay. Hindi ko alam kung ano ba ang eksaktong nangyari pero mabuti na lang at naabutan pa ako ni Mamzi kagabi doon sa gate ng buhay pa.

Masyado nang magulo ang nangyayari ngayon. Hindi katulad dati na papetiks-petiks lang ako at puro kalokohan lang ang ginagawa.

I missed the old days.

Nag-ayos na ako ng aking sarili upang pumasok sa eskwelahan.

Pagkapasok ko pa lang sa entrance gate ay maingay na mga estudyante ang naabutan ko. Parang ako lang dati, ako pa ang nagpapasimuno ng ingay at gulo. Hindi ko na lang iyon pinansin at dumiretso na ng room.

Pagkabukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang maaabutan ko.

"Congratulations!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga classmates ko. Teka, what's happening?

"Bakit? Ano'ng meron?" pagtatanong ko. Hindi rin nakalagpas sa aking paningin ang kanilang pagtitig sa akin na para bang may gusto silang malaman tungkol sa akin.

"Merong bouquet of roses na nasa table mo."

"May manliligaw ka na pala Lucy!"

"Sino siya?"

Marami pa silang tinanong sa akin pero hindi ko na sila pa pinansin. Agad akong dumiretso sa desk ko at nakita ko nga ang isang bouquet ng rosas na nasa table ko.

Kinuha ko ito at inamoy-amoy. Mukhang kapipitas lang ng mga 'to dahil fresh na fresh ang itsura pati na rin ang amoy. Eto namang mga kaklase ko, kung makatukso naman sa akin ay parang walang bukas.

Inilibot ko ang aking paningin pero hindi ko nakita si Shawn. Napunta ang tingin ko kay Levy at kinindatan lang ako nito. Si Sting naman ay nakatingin din sa aking direksyon at gumagawa siya ng hugis puso gamit ang kanyang dalawang kamay. Dumako ang aking paningin sa upuan ni Lucas pero wala pa ito, wala pa rin ang bag niya.

Nasaan na si Shawn? Siguro ay marami na naman siyang inaasikaso. Kainis 'tong vice president namin, hindi man lang magawang tulungan si Shawn. Sa kanya lahat inaasa.

May napansin akong maliit na papel na nakaipit sa isang rosas kaya kinuha ko ito at binuklat.

Roses for your bright morning.
Smile and let the world shine for you <3

Alam ko na kaagad na galing ito kay Shawn. Amp, umagang-umaga ay pinapakilig niya ako. Humanda siya sa akin mamaya.

Pagkatapos basahin ay ibinalik ko rin ito kaagad at umupo na. Dumating na rin ang teacher namin para sa first subject.

And guess what?

Lucas is late and he looks tense.

***

Mabilis natapos ang oras kaya naman uwian na ngayon. Hindi ko rin nakasama si Shawn dahil masyado siyang busy kanina hanggang ngayon, naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya at kailangan din niyang gampanin ang tungkulin niya. Malapit na rin ang month of December kaya magiging busy ang lahat ng presidents ng bawat grade at sections, paniguradong may event silang gagawin.

"Lucy," pagtawag sa akin ni Lucas.

"Bakit?" Inayos ko na ang aking mga gamit at isinukbit ko ang bag ko sa aking likuran.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon