Chapter 47

224 45 4
                                    

LUCY'S POV

Napakabilis lumipas ng mga araw kapag kasa-kasama natin ang ating mga minamahal at sa tuwing nagkakasiyahan. 'Yong tipong mamamasyal sa park at hindi natin namamalayan na oras na pala at kailangan nang umuwi. 'Yong tipong magpapaalam na naman sa isa't-isa at panibagong alaala na naman ang babaunin pagkaalis.

Kagaya ngayon, napakasarap pagmasdan kapag nakikita kong masaya ang mga mahal ko sa buhay. Sina Papzi at Mamzi, Mommy Lucilia at Daddy Francis, sina Lucas at Levy, si Tita Bethilda at Tito Simon, at siyempre, ang aking minamahal na boyfriend.

Legal na kami both sides at ang pagdiriwang ngayon ay para raw sa nalalapit naming graduation at sa tuluyan nang paggaling ni Tita Bethilda. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang ma-discharged na siya sa hospital kaya naman bumalik na ang dating responsable at masipag naming Class President.

Tita Bethilda is really Shawn's weakness. Kapag naging mahina si Tita ay magiging mas mahina si Shawn, and this is the one thing I have learned from talking with Camilla. An incident happened years ago na muntik nang ikinamatay ni Tita. Fortunately, her life has been saved by a professional doctor. Ayon sa kuwento ni Camilla, Shawn has been traumatized back then. Kaya gano'n na lang siguro siya naapektuhan nang isugod ulit ang kanyang mommy sa hospital.

"Is it okay na nandito ako ngayon? Ako lang ang outsider, e." Sumiksik sa akin si Levy sa kinauupuan ko habang busy ako sa pagkain ng naka-stick na hotdog at marshmallow.

"Ano'ng outsider ang pinagsasabi mo? Para na kaya kitang tunay na sister. Tsaka gusto nga nila Mamzi at Mommy na mag-imbita pa ako ng iba kong kaibigan para mas masaya raw."

"Bakit hindi mo inimbita ang iilang kaklase natin o kaya 'yung mga kaibigan mo na seniors? Ang dami mo kayang kakilala sa school," natatawang sambit ni Levy kaya naman nakuha niya ako roon.

"Bakit nga ba marami akong ka-close sa school?" pagtatanong ko. Naubos ko na ang isang stick kaya kumuha ulit ako ng panibago sa hawak kong paper plate. Wala itong laman bukod sa naka-stick na hotdogmallow.

"At talaga pang tinanong mo, ha. Sino kaya ang palaging nagcu-cutting at nagu-guidance noon?" pang-aasar ni Levy at talaga pang nilakasan niya ang kanyang boses kaya nabitawan ko ang hawak kong stick dahil tinakpan ko ang kanyang bibig.

"Pahamak ka naman, e! Quiet ka lang, shh. Siyempre noon 'yun. I'm not a troublemaker anymore na kaya," pagdedepensa ko. "Tsaka baka mamaya ay marinig ka nila Tita Bethilda. Ma-turn off pa siya sa akin 'pag nagkataon."

Nakita ko namang ngumisi si Levy na ayaw na ayaw kong ginagawa niya 'yon dahil alam komg may ibabato siya sa akin na hindi ko maitatanggi.

"Oh, ano?" taas-kilay kong tanong.

"Hindi ba 'yun naman ang dahilan kung bakit nainlove sa'yo si Shawn?"

Nailunok ko tuloy nang wala sa oras ang nginunguya kong marshmallow.

"Ayos ka lang, Lucy? Heto, tubig." Agad ding inabot sa akin ni Levy ang baso ng tubig at inalalayan niya pa akong inumin 'to.

"Bakit ba kasi bigla bigla mo na lang sinasabi ang bagay na 'yan? Para namang sinasabi mo rin na nahulog si Shawn dahil sa negative attitude ko," nakanguso kong tugon. Ang pangit naman kasing pakinggan, e. Nang dahil sa pagiging pasaway ko kaya nagustuhan ako ni Shawn. Pero kung tutuusin, ang cute pala ng love story namin.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon