Chapter 20

1.1K 95 2
                                    

LUCY'S POV

Minsan ay napapaisip ako, bakit hindi na lang si Lucas ang nagustuhan ko? Bakit pakiramdam ko ay may koneksyon ako sa kanya? Ang weird lang dahil parang ang gaan gaan ng loob ko sa kanya tuwing kasama ko siya.

Palagi na rin kaming magkasama ni Lucas, kahit break time or lunch break pa 'yan ay kami ang magkasama. Oh wait, nakikisama rin pala si Sting at siyempre hindi pwedeng mawala si Levy. So kaming apat ang lagi na magkakasama. Halos isang linggo na rin pala kaming magkakasama at medyo nagiging close na kami sa isa't-isa. Idagdag mo pa na medyo kilala na namin ang bawat isa. Kaso nga lang, chansing sa akin 'yong isa diyan. Buti na lang talaga may tagapagtanggol ako.

Isa pa pala 'tong si Sting. Nalaman ko na hindi pala totoo na arranged marriage kami. Takte! Muntik pa akong mamatay noong binalita sa akin ni Mamzi na ipinagkasunduan ako kay Sting. Buti na lang talaga at agad na nakapagpreno 'yong sasakyan.

"Lucy! Hindi ka pa ba bababa?" Naalis ang tingin ko sa labas ng bintana ng bus nang marinig ko ang boses ni Levy at napatingin sa kanya. Nasa bandang labasan na siya at natanaw ko rin sila Sting at Lucas na kumakaway sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid at ako na lang pala ang natira mag-isa sa loob ng bus.

Tumayo na ako at nag-unat saka kinuha ang aking dalang backpack. Sinabit ko na rin sa aking leeg ang dala-dala kong DSLR camera na minsan ko lang gamitin. Pagkatapos ay bumaba na ako sa bus at sinalubong kaagad ako ng malutong na sapok ng sadistang si Levy.

"Aray ko! Bestfriend ba talaga kita?" nakanguso kong sambit kay Levy. Nag-rolled eyes muna siya bago niya ako sagutin.

"Ang tagal mo kasi! Ano bang tinutunga-tunganga mo kanina?"

"May iniisip lang naman ako."

"Nakakapag-isip ka pa pala?" natatawang tugon ni Levy kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Biro lang." Niyakap niya ako ng mabilisan at humiwalay din siya sa akin.

"Payakap din ako Lucy!"

Yayakapin na rin sana ako ni Sting pero agad siyang naharangan ni Lucas at binatukan.

"Aray! Nakakarami ka na talaga sa akin!" napipikon na sigaw ni Sting kay Lucas at dahil sa mas matangkad si Lucas kay Sting ay ginulo nito ang buhok niya.

Natatawa na lang ako sa kanila. Ang cute kasi nila.

"Umm Lucy?"

"Hmm?" Napansin kong namumula ang magkabilaang pisngi ni Levy.

"Hala napano ka Levy?! May lagnat ka ba?!" natataranta kong tanong at agad ko siyang nilapitan para salatin ang kanyang noo. Hindi naman siya mainit. Lumapit din sa amin sina Lucas at Sting.

"Anong nangyari?" tanong ni Lucas. Sasagot na sana ako pero kaagad akong napigilan ni Levy.

"W-wala naman. Tara na at baka mahuli pa tayo sa tour."

Napagpasyahan naming kumilos na at lumapit sa mga nagkukumpulang estudyante na nasa pinaka-main entrance ng Mikage Shrine.

Field trip namin ngayon dito sa Mikage Shrine. Excited na nga akong pumasok eh! Hindi ako makapaniwala na may ganitong Japanese style na shrine dito sa Pilipinas but still mas maganda pa rin sa Japan. Mas realistic at mas nakakaginhawa ang atmosphere roon, may mga hile-hilerang sakura pa. Lalong-lalo na sa Osaka Castle Park!

"Students of Jadeite please form your line and you may now proceed inside."

Maraming estudyante ang mga excited nang pumasok kaya madaling naayos ang line namin. Natanaw ko rin ang mga estudyante na nasa harapan namin banda na taga-Shuusei at nasa loob na sila.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon