Chapter 22

1K 98 6
                                    

SHAWN'S POV

"Oy Shawn! May tumatawag sa'yo, yung manliligaw mo oh." Tinuro ni Kristofer ang direksyon kung nasaan ang labasan ng tent namin at nakita ko ngang nandoon sa labas si Chloe.

"Ang ganda naman ng nabingwit mong chix. Matinik ka rin pala President Rimas," pahabol niyang bulong sa akin kaya sinikuan ko siya.

"Manahimik ka diyan kung ayaw mong ibalibag kita mamaya doon sa bonfire," seryoso kong sambit at naglakad na ako papunta sa babaeng 'yon.

"Nakabusangot ka na naman? Pumapangit ka na oh!"

"I don't care."

"Um... magsisimula na ang bonfire. Let's go?" Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

Kanina pa ako badtrip. Kaninang umaga pa! Ilang beses ko nang pinakalma ang sarili ko pero wala pa ring epekto. May kung ano na nasa loob ko ang gustong lumabas. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang nasaksihan ko kanina.

Lucas and Lucy, hugging each other under the tree.

I looked up in the sky. The luminous stars are waving their glowing bodies in the eye of a viewer. Suddenly, a familiar scene flash in my mind.

"Twinkle twinkle little star. How I wonder what you are? Up above the world so high. Like a diamond in the sky."

"I wish I could become a star." Lumingon siya sa direksyon ko at puno ng pagtataka ang kanyang pagmumukha.

"Huh? Why?"

"Para ipagkanta mo rin ako. Ang ganda kasi ng boses mo," nakangiti kong sambit sa kanya at nakita kong bumusangot ang kanyang mukha.

"Oh bakit ka na naman nakabusangot?"

"Binobola mo na naman ako! Hmp!" Natawa ako sa naging reaksiyon niya at saka ako tumabi sa kanya.

"Maganda naman talaga ang boses mo. Promise, nagsasabi ako ng totoo. Kailan ba ako nagsinungaling?"

"Promise? M-maganda ba talaga ang boses ko?" tanong niya at dahil sa sobrang ka-cute-an niya ay hindi ko napigilan na pisilin siya sa kanyang pisngi.

"Oo nga, maganda ang boses mo kasingganda mo rin." Nakita kong namula ng bahagya ang kanyang mukha at lalo pa siyang naging cute sa paningin ko.

"G-gusto mo ipagkanta kita?"

"Sige nga. Parinig naman ako ulit ng boses mo."

"Sige. E-eto na."

"Shawn? Hey! You're spacing out again!"

I blinked twice before I faced Chloe snapping her fingers right in front of me.

"Are you saying something?" tanong ko.

"Nevermind. Suot-suot mo na naman 'yang pokerface mo. Kani-kanina lang ay nakangiti kang mag-isa diyan."

"Ako? Nakangiti?" kunot-noo kong tanong.

"Oo nga sabi. Tara na nga at magsisimula na ang bonfire." Hahawakan na niya sana ang aking kamay pero iniwas ko iyon at nauna na akong maglakad sa kanya.

Nakarating na kami kung saan gaganapin ang bonfire ng walang imikan sa pagitan naming dalawa. Huminga ako ng malalim at bumwelo para kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang kanina ko pang pinag-iisipan ng paulit-ulit. Nakapagdesisyon na ako.

"Chloe."

Ramdam kong nakatitig siya sa akin ngayon kahit na nasa harap ang aking tingin.

"Bakit?"

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon