Chapter 11

1.9K 130 9
                                    

LUCY'S POV

"Ugh."

Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong puti lahat ang nakapaligid sa akin. Teka nasa heaven na ba ako? Masyado pa akong bata para mamatay.

"Buti naman at nagising ka na."

Napatingin ako kung saan nagmula ang boses na iyon at may nakita akong babae na nakaupo malapit sa akin. Medyo blur pa ang aking paningin, baka ito na ang aking guardian angel.

"Kayo po ba ang aking guardian angel? Pwede po bang humiling kay God na bigyan niya ako ng second life? Parang awa niyo na po- Aray ko naman!" napahawak ako sa ulo ko ng bigla akong pukpukin ng aking guardian angel.

Inalog ko ang ulo ko at sa wakas ay naging maliwanag na rin ang paningin ko.

"T-teka Levy? Is that you? Ibig sabihin hindi pa ako patay? Buhay pa ako Levy! Buhay na buhay-!" paano ba naman ay pinukpok niya ulit ako.

"Aray ko naman. Ang harsh mo talaga sa akin!" mangiyak-ngiyako kong sabi.

"Ikaw naman kasi-"

"Ay teka! Nasaan si cat woman?" natataranta kong tanong. Ang huli ko kasing naaalala ay siya ang kasama ko at may tinarak siya sa batok ko kaya ako nawalan ng malay.

"Cat woman? 'Yun ba 'yung sa movie? Si Cat Woman na normal na babae lang hanggang sa namatay siya at nabuhay muli. Siya ba?"

"Hindi. Kasama ko pa lang kanina si Cat Woman at si Lucas. Teka, si Lucas nasaan siya?! S-si S-shawn, buhay pa siya diba?!" inalog ko ang balikat ni Levy. Kung may makakakita man sa akin ay mapagkakamalan akong baliw sa lagay ko.

"Wait wait wait. Calm down Lucy," pinapakalma ako ni Levy hanggang sa maging kalmado na ako at umayos ulit ng pagkaka-upo.

"Are you okay Lucy? Sino ba 'yang si Cat Woman na sinasabi mo?"

"Levy ano kasi, bigla na lang siyang sumulpot sa cafeteria kanina tapos hinila niya ako palabas. Marami ngang students ang nabigla eh, si Lucas naman ay hinabol kami ni Cat Woman-"

Naputol ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Levy ang bibig ko gamit ang daliri niya.

"Panaginip mo lang siguro 'yan. Walang Cat Woman. Papunta rin kami ni Sting kanina sa cafeteria ng biglang makita ka namin na buhat-buhat ni Lucas papalabas doon. Nawalan ka raw ng malay habang kumakain," pagke-kwento ni Levy sa'kin. Nawalan ba talaga ako ng malay? Panaginip lang ba si Cat Woman? Parang totoo kasi.

"Tama. Panaginip ko lang 'yon."

"Ang takaw mo kasi," natatawang sabi ni Levy kaya nag-pout ako.

"Levy naman eh."

"Tigil-tigilan mo 'yang kaka-pout mo 'di bagay sa'yo. Tara na may klase pa tayo, mukhang ayos ka na."

-*-

Pagkapasok namin ni Levy sa room ay nagtuturo na ang History teacher namin, agad niya naman kaming pinapasok at umupo na kami.

Napansin ko rin ang bakanteng upuan sa right side ko. Wala na naman siya.

"Lucy."

Nasaan na naman siya? Kasama ba niya si Khate? Sila na ba? Ang dami kong tanong sa isip ko, bakit nga ba ako nacu-curious sa kanya? Nevermind na nga lang.

"Hoy Lucy!"

Napatingin ako kay Sting na nasa harapan ko. Tinatawag niya ako kaso mahina lang kaya di ko masyadong narinig.

"Sting? Bakit?" bulong ko. Mahirap na baka mahuli pa kami.

"Okay ka na?" pagtatanong niya.

"Oo naman. Okay na okay na ako."

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon