Chapter 18

1.1K 96 3
                                    

SHAWN'S POV

"My cousin! Bagalan mo naman ang lakad mo. Walang humahabol sa'yo."

"Shut up!" sigaw ko kay Sting na nasa likuran ko kasama si Lucas.

I saw them in my peripheral vision, murmuring with each other and then both of them are laughing hilariously now. Tsk, imbecile people of Earth.

"7 Eleven muna tayo bago tayo bumili ng mga foods. Ano?"

Tumigil muna kami saglit sa aming paglalakad at nagkatinginan. Tinaas-baba ni Sting ang kanyang kilay na para bang hinihingi ang 'oo' naming sagot.

"I think that's a good idea! Ano sa palagay mo Shawn?"

Tumingin silang dalawa sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko.

"Ano pa bang magagawa ko?"

"Yes! Wala talagang nakakatanggi sa karisma kong taglay!"

"Can you stop doing that pose of yours? It's disgusting as hell," naiinis kong sambit nang makita ko na naman ang 'pose' niyang 'yon. Masyadong masakit sa mata.

"As always! Wala ka pa ring pinagbago after nine years. Masungit ka pa rin! Hahaha!"

Kanina pa ako naiinis dito sa pinsan kong nakalunok ng megaphone. Parang babae kung magsalita, ang lakas ng boses!

"Tumigil ka na nga!" sita ko sa kanya.

"Woh tumigil na kayong dalawa baka mauwi pa 'yan sa sapakan," pag-aawat ni Lucas at nilapitan niya kami.

"Don't worry, hindi naman ako pumapatol sa mga mahihina," Sting gave me a teasingly look. This kid!

"Aba't—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang inakbayan ako ni Lucas, kami pala kasama na si Sting.

"Tara na nga sa 7 Eleven!"

Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng maayos sa 7 Eleven. Kahit na naglalakad kami ay patuloy pa rin kaming nagsusumbatan ni Sting. We were always like this since our childhood days. Minsan magkasundo, minsan hindi pero palagi talaga kaming nagsusumbatan o nag-aaway sa maliit na bagay. Ganoon kami kababaw noon, nabawasan lang nga ng konti ngayon.

Not until that incident happened nine years ago. I thought it was the last moment—

"Oi Shawn!" I was interrupted by my thoughts when Sting suddenly appeared in front me. Ten centimeters away from my face to be specifically.

"Geez man! Give me a signal when you're approaching."

"Geez man too! Stop speaking in English! We're in the Philippines and you should love and treasure our own language. Matutong mahalin at gamitin ang ating sariling wika, sabi nga ni Andres Bonifacio. Pinag-aralan pa namin 'yan noong elementary ako," proud na proud na pagkakasabi ni Sting.

Nagkatinginan kami ni Lucas na nasa likuran lang ni Sting at sabay kaming tumawa ng napakalakas.

"Hahahahahaha!"

Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Napahawak na ako sa aking tiyan at napapadyak sa hangin. Sting, why so dumb?

"Hoy kayong dalawa! Bakit kayo tumatawa? Hindi ako nagloloko! Totoo kaya ang sinabi ko!" depensa niya sa kanyang sarili at lalo lang akong natawa.

"Malapit ka nang magtapos ng high school utak daycare ka pa rin hanggang ngayon. Mag-aral ka kasi hindi puro pagpapagwapo lang ang alam mo," pagtuturo ng leksiyon sa kanya ni Lucas. Sa aming tatlo, siya ang pinakabata pero parang siya ang tumatayong pinakamatanda sa amin. Sting is the oldest. Months lang naman ang agwat namin sa isa't-isa.

"I'm just trying to lift the atmosphere here. Masyado kasing pikon itong pinsan ko." Tignan mo 'to, dinamay pa talaga ako.

"Shut up. Mag-order na nga kayo. Ramen ang gusto ko, roast beef flavor."

"Ganun na rin ang amin. Lime shrimp ang akin, ano 'yung sa'yo Lucas?"

"Chicken tortilla."

"Okay! It's settled then! Kami na ni Lucas ang mag-oorder. Hintayin mo kami rito Shawn, 'wag kang tatakas," pagbabanta sa akin ni Sting kaya tumango na ako bilang sagot.

Nag-order na sila kaya naiwan akong mag-isa rito. Gusto ko nang maka-usap si Lucy!

Wait, balikan ko kaya siya?

Sumilip ako sa dalawa at busy sila sa kakatingin sa mga naka-stall na cup ramen. Saglit lang naman akong mawawala.

Dahan-dahan akong lumabas sa 7 Eleven and thanks God dahil hindi nila ako napansin. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa hospital nang makarinig ako ng ingay ng mga babae. Hindi ko na sana ito papansinin pero nakarinig ako ng sigaw.

Isang sigaw na nasasaktan.

Sinundan ko kung saan nagmumula ang ingay at napadpad ako sa isang bakanteng lote. Sa dulo nito ay nakita ko ang iilang nagkukumpulan na kababaihan.

Lumapit ako sa kanila at parang hindi nila naramdaman ang presensiya ko. Kung ahas lang ako, natuklaw na sila. Tsk, mga babae nga naman, napaka-careless kaya madaling masaktan.

Parang si Lucy.

Speaking of Lucy, pagkatapos ko rito ay pupuntahan ko talaga siya. I want to discuss a lot of things with her.

"How many times do I have to tell you that it's not my fault why your boyfriends broke up with all of you?!" rinig kong sigaw ng isang babae. She's a fighter I see.

"It's your fault because you're a bitch! Slut! Mang-aagaw! Sulotera!"

"You flirted my boyfriend even though you already knew that he had a girlfriend! Flirt!"

"Kasalanan ko pa ngayon ha? Eh kung loyal talaga sa inyo ang mga boyfriend niyo, hindi nila magagawang mangaliwa. In fact, I was able to woke up all of you in reality. You should thank me for doing that."

"How dare you!"

Nakarinig ako ng isang malakas na sampal at sinundan pa ng isa. Napansin ko rin na parang may pinagtutulungan nila.

Girls are indeed annoying.

"Ehem," pagkuha ko sa atensiyon nilang lahat.

"Who are you mister?" pagtatanong sa akin ng babae na nasa harapan ko. Based on their school uniform, they are from Shuusei University.

"K-kanina ka pa ba diyan?" Dagdag pa ng isa. Halata sa kanila ang panginginig ng kanilang katawan.

What's their problem? Hindi naman ako nakakatakot na nilalang.

"We will stop! 'Wag niyo lang kaming i-report sa school. Let's go girls!"

Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyari. Bigla na lang tumakbo papaalis ang grupo ng mga kababaihan. Isa na lang ang natira, ito siguro ang pinagtutulungan nila kanina.

"Are you okay?" pagtatanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at nanlaki ang kanyang mga mata pero agad din iyong nawala.

"Umm! T-thank you pala. Kung hindi ka dumating malamang nalagutan na ako ng hininga sa mga 'yon," natatawa niyang sagot.

It seems that she's already fine. I really need to go back to the hospital right now.

"W-wait!"

"What do you want?"

"Thank you again. I'm Chloe Jade Valdez," nilahad niya ang kanyang right hand sa harap ko. It is rude for her part kung hindi ko tatanggapin kaya naman nakipag-shake hand ako sa kanya pero agad ko rin itong inalis.

"You're going now? But you didn't even tell me your name."

"No need to tell you that. Hindi na rin naman tayo magkikita pa ulit."

Agad na akong umalis. Masyadong nasayang ang oras ko kaya imbes na pumunta ako sa hospital ay bumalik na lang ako sa 7 Eleven. Siguradong magtatanong na naman ang dalawang 'yon kung saan ako nagpunta.

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla kong nakita sa isip ko ang mukha ng babae kanina.

Chloe Jade Valdez. I think I've heard that name before.

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon