Chapter 27

985 88 2
                                    

LUCY'S POV

Nagising ako na nasa sariling kwarto na ako. Dahan-dahan akong bumangon para makaupo.

"A-aray."

Napahawak ako sa aking ulo dahil bigla na lang itong kumirot. Teka lang nga muna, ang huling naaalala ko ay nasa tabi ako ng kalsada at may taong lumapit sa akin tapos, tapos...

"Oh my god!"

Napatakip ako ng bibig at kinapa ko ang katawan ko, nakasuot na ako ng pajama at longsleeve.

Teka, sinong nagbihis sa akin?!

"Gising ka na pala. Thanks God," napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at pumasok si Levy saka dumiretso sa kinaroroonan ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

"A-akala ko may nangyari na sa'yo. Sorry kung hindi kita kaagad nabalikan. Sorry talaga Lucy. I'm so sorry," humihikbi niyang sabi kaya naman tinapik ko ang kanyang likuran para mapalingon siya sa akin.

"It's okay Levy. Safe naman ako ngayon 'di ba? Tsaka wala namang nangyaring masama sa akin," nakangiti kong sambit para mapakita ko na ayos talaga ako ngayon. Hindi ko naman kayang magtanim ng galit kay Levy.

Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking daliri.

"Teka lang muna Levy, paano ako nakauwi?" tanong ko.

Umayos muna siya ng upo at tumabi sa akin.

"Yun nga rin ang gusto kong malaman. Paano ka nakauwi? Tinatawagan ko kasi ang phone mo kanina pero hindi mo naman sinasagot tapos naisipan kong tawagan si Tita Layla at sinabi niyang nandito ka na raw sa inyo. May naghatid pa nga raw sa'yo na lalaki eh at dagdag pa ni Tita na baka same age lang natin 'yun. Isa pa, may itsura raw 'yung naghatid sa'yo pero hindi siya nagpakilala. Kilala mo ba kung sino siya?" seryosong tanong ni Levy kaya napaisip ako sa mga sinabi.

So, lalaki pala ang naghatid sa akin kanina? Eh hindi ko nga siya masyadong namukhaan dahil madilim.

"Hindi ko siya kilala at wala akong alam kung sino man siya pero nagpapasalamat ako dahil inuwi niya ako dito sa bahay," saad ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Levy na para bang hindi siya satisfy sa naging sagot ko.

"Nakakapagtaka lang kasi na alam niya ang address ng bahay niyo. Baka naman kakilala mo siya dati?"

"Oo nga ano? Inuwi niya ako sa amin nang hindi man lang niya tinanong ang address ko. Hindi ko talaga alam," naguguluhan kong sabi.

Ang pagkakaalam ko ay nakatulog ako. Ramdam ko pa ngang binuhat niya ako at isinakay sa kotse niya tapos wala na akong matandaan nun kaya may posibilidad na nakatulog nga ako pero ang nakakapagtaka ay hindi naman niya ako tinanong kung saan ako nakatira at naiuwi niya ako ng ligtas.

"Hays nevermind that guy. Whoever he is, nagpapasalamat ako dahil nakauwi ka ng ligtas. Thanks to him. O siya kumain na tayo sa baba, nauna na si Tita sa atin at hinintay pa kitang magising para magsabay tayo. Alas-nuwebe na kaya bilisan natin."

"Hinintay mo pa talaga ako," nahihiya kong pahayag.

"Siyempre naman. Malungkot kumain kapag walang kasalo. Ibahin mo na lang si Tita dahil may gagawin pa siya kaya nauna na siya. Tara na."

"Lablab mo talaga ako bessy! Hihi. Labyu Levy chuchu!" pagkatapos ay nagflying kiss ako sa kanya.

"Kadiri," nandidiri niyang sabi kaya natawa na lang ako.

"Hahahaha! Kain na nga tayo dahil gutom na gutom na ako," sabay himas ko sa tiyan ko.

"Mas gutom ako."

Trouble with the PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon